Chapter 1

762 13 7
                                    

Ria's POV

Someone: "Ria, bangon na dyan, male-late ka na sa school"
Ria: "10 Minutes pa po. Sino po ba yan?"
Manang Fely: "Hay. Si Manang Fely ito Ria, gising na dyan, ligo na at bumaba na sa Baba ha?"
Ria: "Sige po"
Manang Fely: "Bilisan mo ha?"
Ria: "Opo"

Sya si Manang Fely. Matagal na nya akong alaga since Grade School ako. Ang tatag diba? Kahit anong kulit at tigas ng ulo ko, hindi sya nananawa sa akin, syempre sa poging to (Anong connect Ria?) Kinuha ko na ang towel ko sa ibabaw ng cabinet at pumasok na sa banyo. Habang naliligo ako, nagmumuni-muni ako tungkol sa papasukan kong University, ang University of Santo Tomas. Eversince bata pa ako, dream school ko na ang UST. At ngayon, excited na kinakabahan ako, new environment, new friends etc. At excited na rin akong pumasok sa Women's Volleyball Team nila.
Nagmumuni-muni pa ako ng biglang may sumigaw.

Manang Fely: "Ria! Bilisan mo naman ang kilos mo, college na eh!"
Ria: "Opo, tapos na po" sabay bukas ng pinto ng banyo
Lumapit naman sa akin si Manang Fely at yumakap.
Manang Fely: "Gwapo talaga ng Ria namin" sabay ayos ng colar ko
Ria: "Syempre ako pa po ba? Sigurado akong ang daming chick ang hahabol sa akin HAHAHAHA"
Manang Fely: "Hay, wag masyadong ma-chixx anak, focus sa studies pati na rin sa pagvo-volleyball mo"
Ria: "Opo, study first before the monkey."Ang sama ng ugali ko Hahahahaha

Manang Fely: "Hahahahaha, osya, mauna na ako na akong bumaba ha. Ayusin mo mga gamit mo"

Nag-nod lang ako.
Inayos ko na ang laman ng bag ko
Phone? ✅
IPOD? ✅
Earphones? ✅
Mga karaniwang gamit sa school? ✅

Manang Fely: "Ria! Baba na dito. 7:05 na. Anong oras ba pasok nyo?"
Ria: "Opo, bumababa na, ah, 8:00 po, nag aga pa po kaya" Oo nga, ang aga pa, kulang pa yung tulog ko

Manang Fely: "Mas maganda yung maaga kang makapasok para may time kang tingnan kung anong room mo" Sabagay tama rin si Manang, pag magtatagal pa ako dito, matatagalan akong hanapin ang room ko.
Manang Fely: "Sige na anak, kain ka na dyan"
Ria: "Manang, bakit parang lahat ata ng paborito kong pagaling eh niluto nyo na?"
Manang Fely: "Baka kasi hindi ka na bumalik dito kapag dun ka na umuuwi sa dorm"
Ria: "Manang, makakalimutan ko ba kayo lalo na yung mga masasarap nyong luto? Syempre hindi po"
Manang Fely: "Osya sige na, kain na dyan, punta muna ako sa taas ha."

Iniwan muna ako ni Manang Fely dito sa dining room. Mamimiss ko ang mga luto ni Manang

[Mga ilang minuto]

Saglit lang ako kumain, ganito talaga ako kapag excited! HAHAHAHA!
Maya-maya lang bumaba na si Manang Fely.

Manang Fely: "Tapos ka na ba? Osya umalis ka na para maaga kang makarating sa UST"
Ria: "Manang Fely, pinapalayas nyo na ba ako? "
Manang Fely: "Syempre hindi, ayoko pa ngang umalis ang Ria namin eh" Si Manang talaga oh, ang drama. Hahahahaha
Manang Fely: "Oh eto na ang bag mo"

Kukuhanin ko na palang ang bag ko nang mapansin ko na wala yung bracelet ko. Agad naman akong pumunta sa kwarto ko.

Ria: "Nasan ka na ba?"

Bigla kong naalala na nakapatong pala sa cabinet ko.

Ria: "Sa susunod, wag kang hihiwalay sa'kin"

Ang tanga mo Ria, sa tingin no sasagot yan? Umiling na lang ako sa kalokahan ko at bumaba na rin

Manang Fely: "Bakit ka biglang tumaas anak?" sabay bigay sa'kin ni Manang nung bag ko
Ria: "Ah, nakalimutan ko po kasing suotin hung bracelet kanina" sabay lagay sa bulsa ko nung bracelet.
Basta ko na lang inilagay, nakakatamad kasing isuksuk pa HAHAHAHA

Certified Inlove to SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon