Jessey's POV
Nagising ako na may oxygen sa tabi ko, benda sa binti ko at mabigat na kamay sa ulo ko kaya napagdesisyonan kong humarap sa left side ko at pag-harap ko.....
Isang Ria Meneses ang natutulog. Grabe, muntikan ng lumapat lips ko sa lips nya, 1 inch na lang yung layo namin sa isa't-isa. Rinig na rinig ko ang mga mahina nyang hilik na sya namang ikina-ngiti ko.
Hahalikan ko na sana sya sa noo ng biglang bumukas yung kurtina. Sa sobrang gulat ko napalakas yung paling ko sa right side ng kama na sya namang nagdulot ng pagbagsak ko sa sahig.
"Ria?" napatingin naman ako sa nagsalita. Si Kent. Kent Lao.
Bigla naman syang napatingin sa'kin at binuhat ako papuntang kama "Jz, what are doing? Bakit nasa sahig ka?"
"Ah, yun. Wala yun, baka sa sobrang lalim ng tulog ko eh nahulog na ako, and thank you by the way"
"Are you sure?"
"Yes, don't worry"
Kent Lao is my suitor. 2 months na nya akong nililigawan. Nagsimula ang lahat ng maging mag kaibigan kami. Minsan napagkakamalan kami pero, noon, para sa amin joke lang yun, but ngayon, may possibility syang maging totoo. Sa 2 buwan nyang pangliligaw sa'kin, nakita ko na seryoso sya, wala akong nakikitang rason para sabihin ko na niloloko lang ako nito. Hindi pa ito alam ng mga teammates ko, tsaka ko na sasabihin sa kanila kapag ready na ako 😅
Nag-uusap kami ni Kent ng biglang may gumalaw sa likod ko.
"Ate Jessey?"
Napalingon naman ako at nakita ko si Ria na nagkukusot ng mga mata nya. Cutie!
"Baby Ri?" Tawag ko sa kanya.
"Baby Ri?" tanong ni Kent.
Hinarap ko sya "Yes, I call her Baby Ri, since para syang bata HAHAHAHA"
Napatawa rin naman sya "Ang laki naman nyang bata na yan, eh halos matangkaran na ako nyan eh"
Napatingin naman kami kay Ria na nag-aayos na sarili nya.
"Uy, hello Kuya Kent!"
"Mukhang napasarap ka ng tulog ah?"
"Hahahahaha oo nga po eh, napagod kanina eh. By the way, Ate Jz, ayos ka na?"
"Medyo kumikirot pa pero ayos na ako"
Tumayo naman sya dala ang mga gamit nya "Are you sure? Pwede na ba kitang iwanan dito Ate? May kasama ka naman dito eh si Kuya Kent and baka hinahanap na ako ng mga kasama natin kanina"
BINABASA MO ANG
Certified Inlove to Someone
FanfictionJessey: "Baby na nga lang ba?" Ria: "Ate na nga lang ba?"