Tiffany's POV
"KAMBALLLLLLLLLLLLLL"
Automatic akong napabangon at dali daling tumayo
"HA??!! BAKIT??!!"
Tumingin ako sa kakambal ko at anong nangyayare dito? Naka knee pads, naka muscle tape na nakalagay sa braso nya. Ano na naman to? Samantalang ako nakapajama at naka T-shirt pa.
Tinitigan ko sya ng nakacross-arms "Ano na namang kalokohan 'to ha? Bakit ka nakaganyan?"
She just flip her hair, smile at bumaba na. Kitams, ang arte neto, sarap isampay sa sampayan sa roof top.
Hinabol ko naman sya pababa "IAAAAA BAK-----" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko pati si Kuya, naka knee pads at naka sports gear pa tapos may dala dalang sports bag.
"Don't tell me magba-ba----"
"Volleyball, it's volleyball, not balibol, duh, ang pangit nung pronunciation"
"Eh kung sapakin kaya kita dyan? Nasa pilipinas tayo, for your information, kaya free ka magsalita ng english-karabaw dito! Hmp!"
"Tama na yan, magbihis ka na" sabi sa'kin ni Kuya habang naglalagay ng muscle tape. Hmp, kelan pa 'to natuto magba--este mag volleyball? Tsk.
Fast Forward >>
Nakapagbihis na ako at bumaba na ako, nakita ko silang kumakain ng cereal sa baba. Nagpunta din ako dun para syempre kumain din, alangan namang maghugas ng pinggan.
Napatingin naman sa'kin itong si Ia at nanlaki ang mata "Omg! Sis! Your outfit is soooo perfect, ngayon ko na lang ulit nakita na nakaganyan ka"
Ang suot ko lang naman ay T-shirt na makakagalaw ako ng ayos at shorts na pangvolleyball talaga. And syempre naka-pony tail ako at naka-headband. Oh diba, pak pak!
"Weh?"
She just roll her eyes on me at nagpatuloy na sa pagkain, si kuya naman tapos na at umiinom na.
"Bilisan nyo girls, baka nagsisimula na sila"
"Sila?" Sabi ko habang umiinom na ng tubig, kelangan 'to, para magkameron kami ng energy at para di manuyo labi namin, oh diba, gumaganon si chareng.
"Sila, sina Ara" sabi ng aking kakambal na sya namang nagdulot para mabulunan ako. SINA ARA?! AS IN ARA GALANG?!
"Tanga ka ba sis? Tubig na nga lang yan eh, tapos mabubulunan ka pa? Ghad"
BINABASA MO ANG
Certified Inlove to Someone
FanfictionJessey: "Baby na nga lang ba?" Ria: "Ate na nga lang ba?"