Chapter 1

1.5K 19 0
                                    

Sloane's POV

Tahimik kong pinagmamasdan ang aking repleksiyon sa malaking salamin. Nakasuot ako ng puting bestida na tatlong pulgada ang taas mula sa aking tuhod. I am also wearing a light make-up that matches my skin color. Medyo brown ang kulay ng aking balat. Siguro ay dahil lagi akong nakabilad sa ilalim ng Araw. Madalas kasi akong tumatambay sa manggahan dahil napaka-presko ng hangin doon

Ngayong Araw darating mula Canada si Don Octavius, kaya may kaunting salo-salo na magaganap dito sa kaniyang Mansion mamaya

"Napakaganda mo naman talaga, Hija"

Mula sa salamin ay nakita ko si Manang Lumeng na pumasok sa aking silid. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Hinarap ko siya at nginitian ng tipid

"Salamat po Manang"

"Siguradong matutuwa si Don Vius sa laki ng iyong pinagbago. Napakaliit mo pa lang noong umalis siya dito, at ngayong darating siya ay isa ka ng ganap na dalaga" wika nito habang hinahaplos ang aking mahabang buhok

"Kinakabahan nga po ako Manang eh. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kung anong pagkilos ang dapat kong gawing sa harap niya"

Sa totoo lang ay abo't abot ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung anong pag uugali ba meron ang isang Octavius Acacio.

Sampung taong gulang lamang ako noon ng una ko siyang makilala. Ngayon ay 25 years old na ako. Labing limang taon na rin ang nakalipas

"Huwag kang kabahan, Hija. Basta umakto ka lang ng naaayon ay wala kang magiging problema sa kaniya. Halika na sa baba, at baka mamaya lang ay nariyan na siya"

Tumango na lamang ako sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay ko at sabay naming nilisan ang aking silid

MAKAILANG paglunok ang aking ginawa habang nakatingin sa lalaking  prenteng nakaupo sa mahabang sofa. Nakasuot lamang ito ng Puting polo na hapit na hapit sa kaniyang perpektong katawan at Maong na pang ibaba. Katabi nito ang dalawang naglalakihang mga maleta

Hindi ko inasahan na sa pagbaba namin ni Manang Lumeng ay madadatnan na namin siya dito sa Sala. Kaagad na dumapo ang blanko nitong tingin sa akin

"Don Viu, narito na ho pala kayo" ani Manang Lumeng at lumapit sa kinaroroonan nito

"Obviously Manang"

Muli akong napalunok ng marinig ko ang sobrang lamig at lalim nitong boses

"Who is she?" Tanong nito ng hindi inaalis sa akin ang kakaiba nitong tingin. Ibinaba ko ang aking tingin dahil pakiramdam ko ay tutunawin niya na ako sa paraan ng pagkakatitig niya

"Siya na po si Sloane, Don Viu" masayang sagot ni Manang Lumeng

"My little Sloane" Napalunok ako dahil sa kakaiba nitong tinig. Hindi na ito malamig, para itong malambing na tinig

"Why don't you give Daddy a welcome back hug"

The Governor's only woman Where stories live. Discover now