Chapter 3

1K 16 0
                                    

"Good afternoon Sir. Ako po si Casper, kasintahan ni Sloane" magalang na sagot nito saka tumingin sa akin. Tinignan ko ang reaksiyon ni Don Octavius. Muli akong napalunok ng ibinaling nito sa akin ang kaniyang nakakamatay na tingin

"Manang, pakiakyat sa taas si Sloane" malamig nitong utos habang hindi inaalis sa akin ang tingin

"Halika na, Hija"

Hinawakan ni Manang Lumeng ang aking braso. Wala na akong nagawa ng hilahin ako nito. Hinarap ko si Manang Lumeng at nagtatakang along tinignan. Mukhang naintindihan naman nito ang naging reaksiyon ko dahil bumaba ang kamay nito sa aking kamay at hinawakan iyon ng mahigpit saka ako nginitian ng tipid

Bago pa man kami tuluyang makaayat ng hagdan ay nilingon ko pa si Kasper na ngumiti at kumaway pa sa akin

"See you later Honey" paalam nito. Ginantihan ko na lamang siya ng isang tipid na ngiti

Pagka-akyat naming ni Manang Lumeng ay idineretso ako nito sa aking silid. Umupo ako sa aking kama at hinarap ko siya. Lumapit ito sa akin at hinaplos ang aking buhok

"Mukhang may magiging mainit ang ulo ngayon, Hija" makahulugang sambit nito habang hinahaplos ng marahan ang akong buhok

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko rito. Ngumiti naman ito sa akin saka umupo sa aking tabi

"Tila yata nakalimutan mo ang kaisa-isang bilin sa iyo ni Don Vius noon bago ito umalis patungong Canada" panimula nito. Saglit nitong pinisil ang along kamay saka nagpatuloy sa pagsasalita

"Hindi ba't kabilin-bilinan niya na huwag kang magnonobyo, naalala mo ba iyon?" Wika nito na siyang tinanguan ko

Tandang tanda ko pa iyon. Kahit na Labing limang taon na ang nakalipas ay malinaw pa sa asking memorya ang sinabi niyang iyon

"Pero, bakit ho ba hindi ako maaaring magka-nobyo. Samantalang ho siya eh napakaraming naging kasintahan doon"

"Hija, intindihin mo na lamang sana si Don Vius. Alam mo namang ikaw na lamang ang meron siya hindi ba? Ang gusto lang naman niya ay mapunta ka sa tamang lalaki"

"Pero, wala ho ba akong karapatan na magpasya para sa sarili ko. Dapat ho ba lahat ng gagawin ko ay kailangan pa ng pag-aproba niya"

Sa totoo lang ay kahit wala siya rito noon ay bantay sarado ako. Lahat ng kinikilos ko rito ay ipinapaalam sa kaniya. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ako sa bahay na ito

Alam ko naman na malaki ang utang na loob ko kay Don Octavius dahil siya na ang kumopkop sa akin simula ng mamatay ang aking Ama. At alam ko rin na hindi ko basta basta mababayaran iyon

"Intindihin mo na lamang siya, Hija. Dito ka na muna. Titignan ko lang kung ano na ang nangyayari sa ibaba"

Tumango na lamang ako sa kaniya. Saglit pa nitong hinaplos ang aking buhok saka nito nilisan ang aking silid

Pagka-alis niya ay humiga ako sa aking kama. Iniisip ko kung ano ang gagawin ni Don Octavius kay Kasper. Hindi ko namamalayan na paunti-unti na akong nilalamon ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog

A/N: Sloane pronounce as Slown po

The Governor's only woman Where stories live. Discover now