Chapter 4

984 16 0
                                    

"Hija, gising na"

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng mumunting tapik sa aking pisngi. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at kaagad na bumungad sa aking paningin ang mukha ni Manang Lumeng

"Hija, pinapatawag ka no Don Octavius sa kaniyang silid" wika nito habang inalalayan ako sa pagbangon

Napakunot ang aking noo ng mapansin kong iba na ang aking kasuotan. Sa pagkakaalala ko ay naka-dress ako kanina. Bakit nakapantulog na ako ngayon

"Manang, pinalitan niyo ho ba ako?" Nagtatakang tanong ko rito. Umiling naman ito

"Hindi Hija. Magmula ng umalis ako dito kanina ay ngayon lamang ako ulit nakabalik dito sa iyong kwarto. Baka naman nagpalit ka kanina at nakalimutan mo lang" sagot nito

Nagkibit balikat na lamang ako. Siguro nga ay nagpalit  ako kanina at nakalimutan ko lang.

Tinignan ko ang malaking orasan na nakasabit sa aking kulay cream white na dingding. Nagtaka ako ng makita kong alas sais na ng gabi. Biglang sumagi sa aking isipan ang salo-salo

"May mga bisita na ho ba sa ibaba, Manang?" Tanong ko rito. Umiling naman ito

"Hindi na pinatuloy ni Don Vius ang salo-salo. Mukhang nawala ito sa mood kanina matapos ang pag-uusap nila ng nobyo mo" sagot nito

"Kaya nga pala ako narito ay dahil pinapasabi ni Don Vius na pumunta ka raw sa kaniyang silid ngayon. Meron daw siyang sasabihin sa iyo" dugtong pa nito.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Parang ayaw ko yatang makaharap siya sa ngayon

"Tungkol po kaya saan, Manang"

"Hindi ko rin alam Hija. Mabuti pa't pumunta ka na lamang doon. Ayaw pa naman ni Don Vius ng pinaghihintay siya ng matagal" saad nito saka hinawakan ang aking kamay

"Halika, Ihahatid kita sa kaniyang silid" Hinila na ako nito patayo sa aking kama.

"Kinakabahan po ako Manang. Parang ayaw ko pong humarap sa kaniya ulit"

Wala pa man sa kaniyang silid ay namamawis na ang aking mga kamay at nagsimula na ring mangatog ang aking mga tuhod

"Huwag kang kabahan Hija. Hindi ka naman sasaktan ni Don Vius. Ni langaw nga noon ay halos ayaw niyang ipadapo sa iyong balat, ang saktan ka pa kaya" saad nito saka marahang pinisil ang aking namamawis na kamay. Kahit papaano ay nabawasan ng kaunti ang aking kaba dahil sa kaniyang sinabi

Binaybay namin ang daan patungo sa silid ni Don Vius na medyo may kalayuan mula sa aking silid

"Hanggang dito na lamang ako. Hindi na ako maaaring pumasok sa loob. Kumatok ka na lamang sa pinto"

Tumango na lamang ako kay Manang.  Pinisil pa nito sandali ang aking kamay bago ito naglakad paalis

Huminga ako ng malalim saka hinarap ang pintuan ni Don Vius. Kumatok ako ng dalawang beses subalit wala akong narinig na ingay mula sa loob

Nagpasya ako na buksan na lamang ito. Madali ko lang rin nabuksan dahil hindi ito naka-lock

Pumasok ako sa loob at agad na sumalubong sa aking pang amoy ang kaparehong amoy na naamoy ko kanina ng yakapin niya ako

Inilibot ko ang aking paningin para hanapin siya. Wala siya dito sa loob pero napansin kong bukas ang sliding door patungo sa veranda

"Come here" Sigaw ng isang malalim na tinig na sigurado akong nagmula sa  kaniya

Pinagsakop ko ang aking mga palad at makailang lunok ang aking ginawa saka naglakad patungong veranda. Nadatnan ko siyang nakadandal sa railings habang umiinom ng wine. Mabilis na nabaling sa akin ang atensiyon nito ng tuluyan na akong makalapit sa kaniya

"G-gusto niyo daw po akong makausap" kinakabahang tanong ko dito.

"Come near me" itinuro nito ang tabi niya. Kahit nag aalinlangan ay sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Dahan dahan akong naglakad palapit sa tabi niya

Nanlaki ang aking mga mata ng bigla ako nitong hapitin at mabilis na isinandal sa railings. Ibinagsak na lang nito basta sa lapag ang hawak nitong wine glass na nagkapira-piraso. Iniharang nito ang kaniyang mga braso sa magkabilang gilid ko

Makailang paglunok ang aking ginawa habang nakatingin sa Mukha nitong walang bahid ng ano mang emosyon

"Why did you have a boyfriend huh, Sloane?"

Sunod sunod akong napalunok ng tumama sa aking ilong ang mainit nitong hininga. Amoy na amoy ko rin ang bango ng wine na humalo sa kaniyang hininga

"Have you forgotten your promise before, hmm?" His voice really deep and cold. And it brings me so much fear. I gulped as he started to touch my head down to my cheeks

"Didn't you promise not to have a boyfriend and wait for me to come back? Why didn't you keep your promise, hmm?" Bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay nagdudulot ng kilabot sa aking buong katawan

"So-" Hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sasabihin ng biglang may malambot na bagay ang dumampi sa aking mga labi na siyang nakapagpatigil sa akin

A/N: secret na po muna ang age ni Don Vius

The Governor's only woman Where stories live. Discover now