chapter 8

802 10 0
                                    

"Now, say that I am old again and you will taste how young I am when it comes to bed" malambing nitong saad saka bahagyang pinasadahan ng tingin ang aking katawan

"Heto na ho ang wallet niyo Do-Vius"

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Manang Lumeng na paparating

Lumayo sa akin si Don Octavius at saglit pa akong tinitigan sa Mukha saka nito nilingon si Manang Lumeng

"Tell everyone here in this house that starting today, no one will ever call me 'Don' again or else....I will cut their head off their neck. Nagkaka-intindihan ba tayo, Manang?" Malamig na usal nito

"Opo, pero ano na pong dapat na itawag namin sa iyo" si Manang

"Just call me Sir Vius. Baka pagkamalan na naman akong matanda" sagot nito saka ako nito muling nilingon at malamig na tinignan pagkatapos ay tumalikod na ito at mabilis na lumabas ng kusina

Naiwan akong tulala dahil hindi maproseso ng aking utak ang mga nangyari pati na ang mga pinagsasabi niya

"Kakaiba talaga ang batang 'yon. Napaka-pilyo pa rin kahit medyo may edad na" ani Manang kaya napatingin ako sa kaniya

"Matanda naman na ho siya, 'diba?" Wala sa sariling sambit ko kay Manang na ikinatawa niya

"Kung matanda na sa iyo ang 34 ay siguro nga Hija matanda na siya. Pero huwag na huwag mo ng sasabihing matanda na siya at baka ituloy niya ang banta niya sa iyo kanina lang. Sige ka, baka lumobo ang iyong tiyan ng siyam na buwan" sabi nito

"Manang naman eh, nanakot pa. Kamuntik na nga akong maihi sa panty ko kanina eh" nakangusong saad ko. Totoo naman kasi iyon, pakiramdam ko malapit ng sumabog ang along panting kanina dahil sa sobrang kaba

"Bakit ho kasi Don ang tawag niyo sa kaniya gayong hindi pa naman ho pala siya senior citizen" tanong ko saka lumakad palapit sa lamesa. Hinila ko ang isang upuan saka umupo doon. Mabuti na lamang at medyo humupa na ang pangangatog ng aking mga tuhod

"Pilyo kasi 'yan noong bata pa. Gusto niya ituring siya ng lahat sa kung paano ituring ang Daddy niya. Alam mo bang, nagbanta 'yan noon na ang hindi tatawag sa kaniya ng 'Don' ay puputulin niya ang dila" sagot ni Manang saka umupo sa aking katapat na upuan

"Talaga po?"

"Oo. Parang sampung taon siya noon. Alam ng lahat ng mga kasambahay at mga tauhan dito sa Mansion na kapag nagbabanta siya ay ginagawa niya, kaya natakot sila at sinunod ang gusto niya. Kaya simula noon, nakasanayan na namin ang tawagin siyang Don"

"Pero bakit po sabi niya kanina na huwag na siyang tatawaging 'Don" Nagtatakang usal ko. Tumawa naman ng mahina si Manang

"Siguro ay dahil, pinagkamalan mo siya na matanda na" sagot nito pagkatapos ay tumayo na ito at bumalik sa kaniyang ginagawa

"Huwag kang mag-alala, Hija. Hindi naman siguro tototohanin ni Don Vius ang sinabi niya sa iyo kanina. Dahil kahit sabihin nating bata-bata pa ang kaniyang edad, hindi niya naman siguro kaya ang mangabayo ng 20 rounds" muling usal ni Manang na ikina-kunot ng aking noo

"Mangabayo ho? Sasakay ng kabayo?" Takang tanong ko rito. Bigla naman itong humalakhak ng tawa saka ako hinarap

Minsan iniisip ko kung talaga bang matanda na itong si Manang Lumeng, kung umasal kasi minsan ay daig pa ako

"Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko, kumain ka na lamang diyan. At iyong bilin ko sa iyo. Huwag mong sasabihin na matanda si Don Vius. Hindi kita matutulungan kapag pinarusahan ka niya sa ibang paraan" mahabang linya nito na tila may ibang ibig sabihin ang sinabi niyang 'ibang paraan'

Hindi ko na lamang iyon pinansin at sinimulan ko ng magsalin ng cereals sa aking mangkok

"Pero matanda naman na talaga siya. Bakit ayaw niyang tanggapin sa sarili niyang matanda na siya. Basta kapag sumapit ng edad 30 ay matanda na iyon" mahinang usal ko.

Bigla akong napaisip. Kaya naman pala napakakinis ng Mukha at balat niya. Walang kahit anong bakas ng wrinkles sa kaniyang mukha ay dahil 34 pa lang ang kaniyang edad. Kamuntik ko na ngang isipin na baka nagpa-botox siya kaya ganon siya kabatang tignan

Akala ko kasi talaga noong una ay nasa 50's na siya.

Kung ganoon ibig sabihin pala ay labing siyam pa lang siya noong kupkupin niya ako.

         Narito ako ngayon sa manggahan na paborito kong tambayan. Nakaupo ako sa nakatumbang puno ng mangga. Gusto kong magrelax. Simula kasi ng dumating si Don Octavius ay hindi na makapag-relax ang aking isip. Palagi niya na lang ginugulo

Isang linggo na magmula ng dumating siya at sa loob ng isang linggo na iyon ay palagi na lang siyang nakadikit sa akin. Mabuti na nga lang at inaasikaso niya ngayon ang paglaban niya bilang gobernador sa darating na eleksiyon kaya kahit papaano ay nawawala siya sa paningin ko. Masiyado kasi siyang maharot at malandi. Madalas niya akong ninanakawan ng halik.

Hindi pa rin ako makapagtrabaho dahil dalawang linggo akong naka-leave.

"Why are you here?"

Hindi na ako nagulat pa ng may pumulupot na mga braso sa aking bewang. Dahil sa tono ng boses nito ay kilalang kilala ko na ito.

Ipinatong nito ang kaniyang baba sa aking balikat

"Masarap po kasi ang simoy ng hangin dito kaya dito ako tumatambay" simpleng sagot ko ng hindi siya tinitignan. May kaunting ilang pa rin ako sa kaniya, pero hindi na katulad noong bagong dating siya

Madali lang naman kasi akong makapag-udjust. Madali din akong mapalagay sa presensya ng isang tao. Siguro nasanay ako dahil kung saan saan kami nakakarating ng Papa ko noon. Palipat lipat kami ng tirahan, kaya marami kaming nakikilala.

Nakakalungkot lang dahil maaga akong iniwan ng Papa ko.

Naramdaman kong inalis nito ang mga braso sa aking bewang at umupo sa aking tabi. Bumalik ang kamay nito sa aking bewang pagkaraan at hinapit ako palapit sa kaniya

"Cut the po. Pinapatanda mo na naman ako" malamig na usal nito. Nilingon ko siya at nahuli kong nakatitig pala ito sa akin

"Mas matanda po kayo sa akin kaya dapat ko lang kayong galangin" sagot ko na ikinasama ng timpla ng kaniyang Mukha. Agad akong nag iwas ng tingin at lumayo ng kaunti sa kaniya

"How many times do I have to tell you that I am not that old yet" batid ko ang inis sa tono nito. Lihim na lang akong napangiti. Ang totoo niyan ay talento ko ang pang-aasar

"Pero 34 na po kayo, ako naman ay 25 pa lang. Mas matanda po kayo sa akin ng siyam na taon. Sabi po kasi ng Papa ko na dapat akong gumalang lalo na kapag matanda sa akin ang aking kausap" sagot ko sa kaniya saka siya tinignan sa Mukha. Mas lalong naging blanko ang ekspreyon ng mukha nito maging pati na rin ang kaniyang mga mata na siyang ikinalunok ko ng aking laway ng sunod dunod

"Don't try my patience, Sloane" malamig nitong tugon

Bakit ba napakadali niyang maasar

"HONEY!"

Agad nabaling ang aking atensiyon sa taong sumigaw. Nakita ko sa di kalayuan si Kasper na kumakaway sa direksyon ko. Kumaway din ako pabalik sa kaniya

Tumakbo siya palapit sa kinaroroonan namin

"Did you break him up already?" Malamig na tanong ng aking katabi

Bago pa man ako makasagot ay natigilan na ako ng walang kahirap hirap akong ini-upo ni Don Octavius sa kaniyang kandungan at mabilis nitong pumulupot ang kaniyang mga braso sa aking tiyan

Tulalang napatingin ako sa lalaking huminto sa aking harapan

"Don Octavius" sambit ni Kasper habang mariing nakatingin sa lalaking nasa likuran ko

"It's Vius Mr. Villafuerte, not Don. Tsk!"

The Governor's only woman Where stories live. Discover now