Narinig ko siyang bumuntong hininga ng sobrang lalim kaya muli akong napatingin sa kaniya
"Bakit 'di mo ako sinunod? Hindi ba't sinabi kong makipaghiwalay ka na sa lalaking 'yon" malamig nitong tanong. Bakas din sa Mukha nito ang pagtitimpi
"Hindi po pwede. Pasensya na po" sagot ko saka nag iwas ng tingin sa kaniya
"Tutulong na po muna ako sa kusina. Naiwan ko na po muna kayo" paalam ko dito saka siya tinalikuran
Hindi ganoon kadali ang makipaghiwalay kay Kasper. Mahirap para sa akin ang basta na lamang magdesisyon ng isang bagay na alam kong lilikha ng malaking gulo.
Kung susundin ko ang kagustuhan ni Don Octavius, maaaring malagay na naman sa alanganin ang buhay ni Kasper at hindi ko iyon hahayaan na mangyari ulit. Kahit na nagbanta pa man si Don Octavius, nakikita ko na isa siyang mabuting tao kaya alam kong hindi niya kayang gumawa ng masama laban sa iba
Akmang maglalakad na ako ng hablutin nito ang kanan kong braso na siyang ikinatigil ko
"So, you're disobeying me now, aren't you?" Tanong nito sa kakaibang tinig. Hindi ko mahimigan kung galit ba ito o mahinahon
Huminga ako ng malalim saka siya hinarap. Kahit kinakabahan at nanginginig ang aking katawan sa takot ay pinilit ko siyang tinignan sa kaniyang mukha
"Alam ko pong malaki ang utang na loob ko sa inyo. At alam kong hindi ko basta-basta mababayaran iyon. Pero hindi naman po pwedeng lagi niyo na lang panghihimasukan ang desisyon ko sa Buhay" magalang na sagot ko sa kaniya saka siya tuluyang tinalikuran. Mabilis akong naglakad hanggang sa marating ko ang kusina. Sumandal ako sa dingding at hinawakan ang aking dibdib
******
'Pangako po Don Vius, susundin ko po lahat ng ipag-uutos niyo kapalit ng pagkupkop niyo sa akin' nakangiti kong sabi sa kaniya habang naka-upo ako sa kaniyang kandungan'Really?' ngumiti ito sa akin saka ginulo ang aking buhok
'But you don't have to obey me all the time, My lil' Sloane. I helped you not to become my slave but to become my half in the future. Ganito na lang, promise me one thing' malambing nitong saad saka nito ipinulupot ang mga braso sa aking tiyan
'Ano po iyon?'
'Promise me na hindi ka magbo-boyfriend at hihintayin mo ang pagbabalik ko'
'Bakit naman po hindi ako magbo-boyfriend?'
'Because I will marry you. I'll be gone for ten years at sa Pagbalik ko. Magpapakasal na tayo'
'Sige po. Hinding hindi po ako magbo-boyfriend at hihintayin ko po ang inyong pagbabalik'
'That's my girl'
Nakangiti nitong tugon saka ako nito niyakap ng mahigpit. Isiniksik din nito ang kaniyang Mukha sa aking balikat
Sampung taong gulang pa lamang ako, pero alam ko ng; hawak na ng lalaking ito ang aking puso
*****Mapait akong napangiti ng bumalik sa aking isipan ang ala-alang iyon. Sinunod ko naman ang gusto niya. Hinintay ko siya, hindi ako nagboyfriend kahit na maraming nanliligaw sa akin noong high school ako. Sabi niya, sampung taon lang siyang nawawala pero umabot iyon ng labing limang taon. Kaya akala ko nakalimutan niya na akong balikan. Kaya kinalimutan ko na rin ang pangakong iyon lalo na ng makilala ko si Kasper.
Pero yung pangako ko lang naman ang tanging kinalimutan ko at hindi ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Pagkatapos ng nangyari kanina ay iniiwasan ko na muna si Don Octavius.Narito ako ngayon sa aking silid at nagpapalit ng damit. Balak ko kasing puntahan si Kasper sa Apartment niya. Nage-guilty kasi ako sa kaniya dahil sa nangyari kanina
Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na rin ako. Nadatnan ko sa sala si Don Octavius na may kausap sa kaniyang cellphone. Hindi ko na lamang iyon pinagtuonan ng pansin at dumiretso na lang palabas
Sumakay ako ng tricycle patungo sa Apartment ni Kasper. Ng makarating ako ay dumiretso ako papasok sa loob. Hindi siya nagla-lock kaya nakapasok ako agad. Wala siya sa sala kaya dumiretso na lang ako sa kwarto niya
Nadatnan ko siyang nakaupo sa lapag at nakasandal sa kaniyang kama habang hawak ang bote ng alak
"K-kasper?" Kunot noong tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito sa akin sandali saka muling ibinalik ang kaniyang tingin sa hawak niyang bote
"Bakit ka nandito?" Malamig na tanong nito na siyang ikinalunok ko
"H-hindi na ba ako pwedeng pumunta rito?" Mahinang tanong ko. Tumayo siya at inilapag sa bed side table ang boteng hawak niya saka lumapit sa akin. Tumitig siya sa aking mga mata na siyang ginawa ko rin
"Ano ba ako para sa'yo ha, Sloane?" Puno ng lungkot na tanong nito. Nagbaba ako ng tingin kasabay ng aking pagkagat sa aking pang ibabang labi. I don't want to answer his question, dahil alam kong masasaktan ko siya sa isasagot ko
"Si Don Vius, siya yung sinasabi mo noon, hindi ba?"
Mas lalo ko pang idiniin ang pagkaka-kagat sa labi ko ko dahil sa tanong niyang iyon
"Sinabi niya sa akin last time na hindi siya ang Daddy mo. Sinabi niya rin na dapat na kitang layuan dahil dumating na siya. And the two of you are planning to get married soon"
"Kaya hindi mo ako kayang mahalin, dahil siya pa rin ang Mahal mo, tama ako hindi ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/328351802-288-k555908.jpg)
YOU ARE READING
The Governor's only woman
Randomisang gobernador na nagampon ng batang babae ngunit paglipas ng paanahon ay papangasawahin at aanakan niya lang pala ito.