chapter 9

770 10 0
                                    

"It's Vius Mr. Villafuerte, not Don. Tsk!" Malamig na tugon ni Don Octavius

Gusto kong umalis sa pagkaka-kandong ni Don dahil base sa paraan ng pagtingin sa amin ni Kasper ay alam kung nagseselos na ito. Kaya lang sa tuwing tatangkain kong tumayo ay mas humihigpit ang pagkakayakap nito sa akin

"But I prefer to call you Don para pagbigay galang na rin po sa inyo" magalang na sambit ni Kasper. Nagbaba ako ng tingin sa aking tiyan kung nasaan nakapirmi ang mga kamay ni Don Octavius. Naramdaman ko kasi ang tila pagkuyom ng mga kamao nito at hindi nga ako nagkamali

"What are you doin' here, Mr. Villafuerte? You shouldn't be here. I don't allow anyone of Villafuerte's to step on my territory" Mas lalo pang lumamig ang tinig nito. Bumitaw ito sa akin kaya naman ginawa kong pagkakataon iyon para tumayo at lumayo ng kaunti sa kaniya

"I just want to visit my girlfriend Don Vius, if you don't mi-"

"I do mind. Hindi pwede kaya makakaalis ka na" pagputol nito sa sasabihin ni Kasper

"But she's my girlfriend, Don Oc-"

"STOP CALLING ME DON. I AM NOT OLD F-CK!" Bigla akong napa-igtad dahil sa ginawa nitong pagsigaw. Batid kong maging si Kasper ay ganoon din

Tinignan ko si Don Octavius na matalim ang mga tinging ipinupukol kay Kasper. Sunod sunod akong napalunok dahil pakiramdam ko ano mang oras ay bubulagta na lamang si Kasper sa aking harapan

"Then sorry for that, Sir. I have no intention of pissing you off. I only came here for Sloane" seryosong sagot ni Kasper saka bahagyang yumuko

"I don't care. Just.leave" ma-awtoridad na sagot naman ni Don Octavius saka ako binalingan ng tingin

"Sloane. Let's go home"

"Hon, hindi ba't may plano tayo ngayong Araw. Today is our 2nd anniversary, remember?" baling sa akin ni Kasper

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Oo nga pala, bakit ko na naman ba nakalimutan ang araw na ito

"Uhmm..." Gusto kong humingi ng sorry sa kaniya. Kaya lang, puro na lang ba ako sorry. Ganito na lang kasi lagi ang nangyayari tuwing monthsary at anniversary namin. Hindi ko naaalala at madalas kong nalilimutan

He walk near at me and hold my one hand

"I see. Nakalimutan mo na naman, right?" He said then smiled lightly. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil doon

Pakiramdam ko napaka-sama kong tao at girlfriend sa kaniya. Lagi na lang siya yung nag eeffort sa aming dalawa. Kahit na tutol sa amin ang parents niya ay ipinaglaban niya ako.

Pero mukhang iyon ang hindi ko kayang gawin para sa kaniya sa ngayon. Ang ipaglaban siya mula kay Don Octavius

"There's no anniversary to celebrate with 'cause...." Nabaling ang aking tingin kay Don Octavius ng hawakan nito ang isa kong kamay at hinila ako palapit sa kaniya

"She's now breaking up with you. Don't come near at my wife again, Mr. Villafuerte. or else you'll meet death early. Let's go, Sloane" Dagdag nito na siyang ikinabigla ko

Wala na akong nagawa ng nagsimula na itong maglakad habang hawak ang asking kamay. Hindi ko inalis ang aking tingin kay Kasper hanggang sa tuluyan na kaming makalayo sa kaniya

'I'm sorry Kasper'

I'm not sorry because of forgetting our special day often. I'm not sorry for leaving him alone there, and I'm not sorry that I can't fight for him the way he fought for me

I feel sorry because...I think, my love for him isn't real.

      HANGGANG sa makarating kami sa Mansion ay hindi binitawan ni Don Octavius ang aking kamay.

"Narito na ho pala kayo Do-ang ibig kong sabihin Sir Vius. May bisita pong nag-hihintay sa inyo sa sala" salubong sa amin ni Manang Lumeng ng makapasok kami sa loob ng Mansion

"Send them away Manang. I'm not in the mood right now" malamig nitong tugon kay Manang saka ako hinila ng tuluyan papasok sa loob

"How rude of you, Mr. Acasio" ani ng isang malamig ding tinig

Sabay naming nilingon ang pinanggalingan ng tinig at bumungad sa aking paningin ang tatlong lalaki na hindi pamilyar sa akin

Nagtaka ako ng basta na lamang akong inilipat ni Don Octavius sa kaniyang likuran

"Anong ginagawa niyo rito?" Malamig nitong tanong sa kausap. Bahagya along sumilip para makita ko ang mga Mukha ng mga lalaki

"Why don't you introduce us first to the gorgeous lady behind you before we discuss our important business" ani ng lalaking nasa gitna na sa tingin ko ay kaedaran lamang ni Don Octavius.

Nakakairita ang Mukha niyang nakangisi. Hindi ko alam, pero kakaiba ang pakiramdam ko sa mga awra nila. I am a Psychiatrist, and it's easy for me to analyze people's behavior by observing them. And I can say  that; this man standing in front of us is...ah basta

I rolled my eyes on him ng tumingin siya sa akin

"I have no time with your s-hits Mr. Valdemore. You may now leave my house" malamig na sagot ni Don sa kaniya. Tumawa naman siya ng nakakairita

"You haven't change huh! Still the same as before. Ang rude Octavius Zyx Acacio na nasisiyahan sa tuwing nang-aapak ng ibang tao" muling anas nang lalaki na hindi maalis-alis ang ngisi sa kaniyang mga labi

"Well, I just came here to congratulate you in advance. Alam kong ikaw ang mananalo sa darating na eleksiyon. And—nah forget about my business. Alam ko namang wala ka ring pakialam. So, I shall take my leave then" saad nito saka muling tumingin sa akin at kumindat

"See you next time gorgeous" muli itong kumindat sa akin bago ito naglakad paalis kasunod ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga body guards niya

Nag angat ako ng tingin ng humarap sa akin si Don Octavius

"If ever you see that guy again-avoid him immediately, understand?"

Tumango na lamang ako sa kaniya saka ko inilapat sa ibang direksyon ang aking tingin. Kahit naman hindi niya sabihin, iiwasan ko talaga ang lalaking 'yon. Iba kasi talaga ang pakiramdam ko sa kaniya.

The Governor's only woman Where stories live. Discover now