Smile

105 2 0
                                    


Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Huwag hahayaang makita ka niya, dahil kapag nahuli ka, ayy! Patay na. Confirmed type mo siya.

Ano na lang ang iisipin niya?

Na katulad ka ng ibang babaeng patay na patay sa kanya? Na nagpapa-cute, na pam-pam? At walang ibang ginawa kundi patagong sulyapan siya? Maiinis yun panigurado! At mawawala na ang pangarap mong si Mr. So Gwapo.

Ehh anong magagawa mo 'di ba? Sobrang gusto mo siya!

Ang tanong? Kilala ka naman kaya niya? Ehh wala nga lang pakelam sayo yun eh, dinadaan daanan ka lang.

Ikaw, nag stalk pa sa fb para lang malaman fullname niya, pero siya 'ni Initial ng pangalan mo hindi niya ata tanda! Ehh, Magka-kilala naman kayo sa mukha.

Atleast magkakilala di ba?

"Hayy, Janaaaa!!!" at sinasabunutan ko na naman ang sarili ko. "At iyan na naman po siya..." sabi ng kambal ko, which is my very opposite. "Alam mo kasi Jana, try to smile sa mga boys na gusto makipag kaibigan sa'yo, mukha ka kasing campus dean sa taray mo! Pagpasok na Pagpasok mo pa lang ng campus naka simalmal ka na! Pano ka lalapitan ng mga boys niyan!? NATATAKOT SILA SAYO!" mahabang explanation niya. I know, yun talaga ang sakit ko.

"Eh, pano ba naman kasi HINDI KO SILA TYPE!"

"ewan ko sa'yo. Hindi ka talaga mapapansin ni Lance Ingacio a.k.a Mr. SO GWAPO niyan, panigurado maiinis lang yun sayo kasi ang taray mo!" at lumabas na siya ng kwarto.

Oo na, ako na mataray! Kasalanan ko bang hindi ko nga sila type?! Kasalanan ko bang choosy ako? Hindi naman ako mataray! Mukha lang! (Kaya pala sinapak mo 'yong lalakeng nagbigay ng letter sayo?) Shatap!

Jana Marie Torres. Isang babaeng may pinaka kakaibang ugali at dating. Tahimik, may sariling mundo, sa tuwing makakasalubong mo siya mapapadasal ka na hindi pa niya wakasan ang buhay mo. Sa sobrang taray niya HINDI KO MALAPITAN. Balitang balita nga iyong sinapak niya ang isang lalake dahil binigyan siya ng letter. Ang hirap kaya magsulat ng letter para sa babae! kasi madalas babae lang ang gumagawa ng ganoon, pero baliwala lang sa kanya!? kaya natatakot ako e, baka hindi lang sapak ang abutin ko, ngayon pa na naglagay ako ng sticky note sa locker niya...

"Ano ba 'to! Lintik na secret admirer kuno 'yan." sabi niya ng mabasa ang note ko, sabay lukot at tinapon sa halaman kung saan ako nakapwesto at umalis.

Ang sakit.

Ang hirap talaga niya pangitiin.

Hindi ba nakakapag pangiti ang simpleng note ko? Pinulot ko yun at binasa.

Jana!
Goodmorning, sana kapag nabasa mo 'to mapangiti ka. 'cause once you smile, you always made my day. (Tapos naka ngiting emoticon.) :)))
-Secret Admirer

Hindi ba nakakapag pangiti? Oo alam ko medyo corny, pero yun nga yung nakakakilig doon!

"Oy Lance? Ginagawa mo dyan? May klase tayo ah?" tanong ng kaklase ko, ng makitang nakatalungko ako sa may tabi ng halaman.

"Nagmu-move on." bulong ko.

"ano?" nakakunot noong tanong niya.

"Wala, kinukuha ko kako notebook ko." at umalis na.

"Aray!" daing ng isang babae ng matapakan ko ang paa niya. Nagka-bangga pa kami sa laki ng corridor? Alam ko na 'tong ganitong eksena! Bigla akong magkaka lovelife. Pesteng harang sa daan.

"Titingin ka naman kasi sa dinadaanan mo." singhal ko at inayos ang damit ko Pagtingin ko sa kanya, si Jana, Bumuga muna siya ng hangin at inayos ang buhok niya. Lovelife na nga ito!

"Sorry ah!? Ang layo kasi ng tingin ko habang naglalakad! Kaya hindi kita nakita!" Sarkastiko at naka taas na kilay na sabi niya. "Ako ba ang sinasabi mo?" tanong ko pa. Tutal bad shot naman na talaga ko sa kanya. "Baka yung alikabok yung kinakausap ko! D'yan ka na nga! Lutang!" Sabay parang humuli ng lamok at tumalikod na siya pero hinablot ko ang braso niya.

Hayy, ang drama ng eksena, bahala na!

"Ikaw ang dahilan kung bakit ang layo ng tingin ko, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko nakikita yung daan, ikaw din ang dahilan kung bakit ako lutang. Leche, tinapon mo yung note ko sa'yo? Pinagpuyatan ko iyon kasi hindi ko alam kung ano ba dapat sabihin ko. Tapos itatapon mo lang, dun pa mismo sa mukha ko! Naging corny ako dahil sa'yo! Gusto kita! Ayy hindi, mahal kita..." Nang marealize ko yung mga pinagsasabi ko, unti unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya.

Nakakahiya. Bumuhos ang emosyon ko!

"Ikaw yung naglagay nung note sa locker ko?" tanong niya at tumango naman ako ng naka pout.

And with that she smiled,

Yun lang naman ang hinihintay ko, ang ngumiti siya.

She made my day again.










***
Thanks for reading!

love book (one shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon