Drives You Crazy

60 2 0
                                    


Pagpasok na pagpasok ko pa lang, amoy ko na agad ang halo halong alak, halos hindi ko din maidilat ang mga mata ko sa napaka tingkad at malilikot na mga ilaw. No wonder kung sino ang nagpakana ng party na ito.

"Drake pare! Buti nakarating ka, dahil kung hindi magtatampo talaga ko sa'yo!" Humagalpak siya ng tawa at nag abot ng bote.

"You forced me Jonas. You blackmailed me." Ngumisi ako at tinungga ng bahagya ang beer.

"Para saan pa ang party kung wala naman ang bestfriend ko!? Hindi mo man lang ba ako babatiin!?"

"Tss. Happy birthday bro." Sambit ko at nakipag apir sabay batok sa kanya gamit ang isa. Humalgakpak siya ng tawa sabay akbay at aya sakin sa kabilang cocktail table kung saan nandoon pa ang iba naming barkada at mga pinsan ko din na naging barkada na niya.

"Drake, kahit kelan talaga pa VIP ka, palagi ka na lang late!" Aniya ni Khlea at hinampas ako sa braso.

Tinaas ko na lang ang dalawang kamay ko bilang pagsuko sa amazonang pinsan ko na ito, tama naman siya palagi talaga akong late. Maraming mga kaibigang dumalo si Jonas, yung iba hindi na namin kilala.

Habang lumalalim ang gabi, mas lalong padami ng padami ang hard liquors at paingay na ng paingay ang dancefloor. Hanggang sa nagsimula ng tumugtog ng nakakaindak, isa isang naglapitan ang mga pinsan ko at nagsimula na ang sayawan. Hinila din nila ako at nagpatinaod, sumunod na din ang iba at nagsayaw ng walang humpay.

"Hi Drake!" Sambit ng isang babae sabay palupot ng braso niya sa batok ko.

"Hey Serena..." Sagot ko at inilagay ang mga palad ko sa beywang niya.

"Nice to see you again." Bulong niya sa tainga ko sabay kinagat ang ibabang labi niya.

Mas ipinalupot ko ang braso ko sa kanya, idinikit ang katawan niya sa akin at tama ako, tatawa siya.

Tumingala siya sabay tingin sa akin na parang may gusto siyang sabihin, hinaphaplos niya ang buhok ko and it's turning me on.

"I missed you Drake." She whispered again then parted her lips.

"I didn't." Then I kissed her once sabay kalas ng mga braso niya sakin at umalis na. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko iyon pinansin.

Serena and I had flings before, she'll flirt me, I'll flirt her more. But I'm not into one girl by month, masyadong matagal yon at nakakasawa, sadyang makulit lang itong si Serena.

Umakyat ako sa taas para makita ang kabuuan ng party at makatakas na rin kay Serena saktong may nagdaan na waiter kaya kumuha akong ng hard drink. Duon na lang ako matutulog sa bahay nila Jonas.

Pinagmamasdan ko sila habang nag iindakan, kita ko din ang mga pinsan kong sila Kaleb na pinalilibutan ng mga babae. Hindi talaga sila nababakante.

Hanggang sa mapukaw ang mga mata ko ng isang babae. Nandoon lang kasi siya sa hilera ng mga sofa, she looks so demure to me. Ang kita ko lang mula sa taas ay ang mahaba at itim niyang buhok, nakasuot siya ng white dress, she has a slim body I guess.

I drank the last drop bago ilapag sa table ang baso, sabay baba para lapitan siya, tutal wala naman siyang kasama o katabi man lang, wala rin naman ako.

I was about to ask if I could sit beside her ng bigla siyang lapitan ni Jonas, naupo sa tabi niya at inakbayan ito. Naunahan ako. Nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa at tumalikod na, nang bigla kong marinig ang pagtawag sakin ni Jonas. Nagkaroon ng kurba sa labi ko at lumingon.

I almost drop my jaw ng makita ng malapitan ang mukha niya. Nagtama ang mga mata namin at para akong nasa isang hipnotismo. Bakit napaka inosente ng mukha niya?

"Before you drool Drake," sabay ngisi. "This is Megan, pinsan ko galing New York." At ngumiti siya na para bang gusto niya ako pagtawanan.

Tinanggal ko ang pagkakapamulsa ko at inabot sa kanya ang isa, "Drake Villaverde." Pagpapakilala ko, inabot rin niya ang kanya at ngumiti ng matamis nadepina din ang dimples niya.

"Upo ka." Anyaya niya, medyo nakakailang siya, parang hindi kasi makabasag pinggan, baka may masabing akong hindi niya magustuhan bigla pang umiyak. Hanggang sa iniwan na kami ni Jonas.

Tahimik lang kami ng mga 20 minutes, nabobore na rin ako, hindi man lang kasi siya nagsasalita, puro tango at iling lang sa mga tinatanong ko.

Hanggang sa wakas nagsalita din,

"Uhm, Drake can you drive me home? Mukhang lasing na kasi si Jonas." Nag aalangan niyang tanong.

"Sure." Sagot ko hindi rin naman ako nakainom ng madami, besides sobrang bored na ako. Nahawa ata ako sa kanya. "Ngayon na ba?" Dugtong ko pa at nilabas ang susi ko.

"Oo sana." Nag desisyon na akong tumayo at sumunod na din siya, dumeretso na kami sa carpark, malayo ang agwat ng mga hakbang namin. Seriously, medyo nakakainis na ang pagkamahinhin niya, pinatunog ko na ang kotse sabay tingin sa kanya.

Shit! Nasaan siya!?

"Megan!" Sigaw ko habang patakbo siyang hinahanap.

Makailang ulit akong bumulaslas ng mura. I'm gonna kill the assholes.

"Drake!" Rinig ko mula sa malayo, hindi na ako nagdalawang isip at tinungo kung nasaan ang boses niya. Napunta ako sa likod ng isang escapade van at nakita ko kung paano nila harasin ang isang babae, tatlo silang gunggong.

Nagdilim ang paningin ko at tinuruan sila ng leksyon. Hindi ko alam kung nagmukha pa ba silang tao pero wala akong pakialam.

Matapos ay agad kong nilapitan si Megan na nakatayo at umiiyak. Hinila ko ang palapusuhan niya at niyakap siya ng mahigpit upang kahit papaano ay gumaan ang loob niya, lalong nanginig ang kanyang mga balikat at lumakas ang mga pigil na hikbi. Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinigpitan pa ang yakap.

"Damn it Megan, how can you--- You drive me crazy, don't ever do that again."




***

A/N: idi waw. Lamporeber!

love book (one shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon