how deep is your love?

56 1 0
                                    


Sa kalagitnaan ng gabi, kung saan mga kuliglig ay maririnig, makikita ang dahan dahan at maingat na pagbukas ng pintuan ni Catherine, nagbabalak na naman siyang tumakas para makipag kita kay Dodong!

Pigil ang hininga niyang dahan dahan isinasara ang kanyang pintuan at iniiwasan na gumawa ng kahit anong tunog.

Bitbit ang kanyang sandalyas ay patingkad siyang humahakbang pababa ng hagdan. Mahigpit na nakasarado ang kanyang bibig na halos hindi na makahinga.

Nang marating ang sala ay laking ginhawa niya, bumuga pa siya ng hangin.

Mula sa bintana ay sinilip niya si Dodong na naghihintay sa labas ng bakal na bakod ng kanilang bahay.

Hindi siya nakikita ni Dodong sapagkat patay ang lahat ng ilaw sa loob. Ngunit siya ay kitang kita niya ang kakisigang taglay ni Dodong, ang malapad nitong likod, perpektong hugis ng katawan, ang kamiseta niyang hapit na hapit sa kanyang dibdib, ang gulo gulo nitong buhok. Napakagat na lamang ng labi si Catherine sabay inayos ang kanyang hitsura at dahan dahan hinawakan ang pintuan.

Nakangiti siyang hinigit ng dahan dahan ang pintuan.

Nang biglang bumukas ang ilaw sa sala!

Nanglaki ang kanyang bilogang mga mata at napapikit ng mariin, unti unti niyang binaling ang kanyang leeg at halos malaglag ang puso niya ng makitang nakaupo ang kanyang Tatang sa kanilang malambot na upuan, hawak hawak nito ang kanyang tungkod, hindi naman ganoon katanda ang tatang niya, gusto lang talaga nitong may tungkod na dala, istilo lang niya sa pananamit kung baga.

Nakita rin niya ang payat at mukhang unggoy na kanang kamay ng Tatang niya. Nakahawak pa ito sa pindutan ng ilaw.

Bumuntong hininga ang Tatang sabay tinawag siya. Napakagat siya sa kanyang labi at dahan dahang lumapit.

"Tatang! Mag ha-hating gabi na, bakit gising pa kayo?" Maenganyong sambit niya.

"Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko niyan? Magha-hating gabi na bakit gising ka pa at saan mo balak pumunta?" Kunot noong tanong nito kahit na alam naman na nito ang sagot.

"Magpapa hangin lamang po sana..." Sabay iniharap niya ang kanyang mga kamay.

"Hindi naman kita pinagbabawalan umibig Catherine, ngunit hindi maganda na ang isang babae ay makipag kita sa gabi." Tumayo ito at sumenyas upang tawagin ang alalay niya. "Ikandado mo na ang pintuan." Utos nito.

"Pero Tatang..." Nais pa sana niyang magsalita ngunit hindi na lamang niya ito itinuloy at lumalakad na papunta sa hagdan.

"Catherine! Baka si Dodong ay malusaw sa init ng titig mo!" Biro ni Tere. Matalik na kaibigan niya.

"Ikaw talaga minsan ay palabiro!" Sabay pumangalong baba muli ito." Hayyy... Sino ba naman kasi ang hindi mapapatitig sa kanya? Ang kisig niya at ang pula ng labi bagay rin kahit na gulo gulo ang kanyang buhok..." sabay kinilig pa ito na para bang kiniliti.

"Bahala ka nga riyan, doon na lamang ako sa kubo at mananahi, gusto ng mga kalalakihan ang mga babaeng marunong manahi kaysa palihim na sumusulyap!" Sabay tumawa ito.

"Sandali lamang Tere! Kailangan mo ito makita!" May gigil na pagtawag niya at hinila ang kaibigan upang makita si Dodong na naglilinis ng pangangatawan!

love book (one shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon