happy feet

132 1 0
                                    


Sa bawat galaw ng kanyang katawan, hindi ko maiwasan ang lalong mapahanga at mahulog sa kanya, para bang magnet siya at bakal ako, na pilit nahahatak papunta sa mga practice niya. Minsan nahuhuli ko siyang napapatingin sakin at ngingiti, ako naman itong si iwas tingin, napapatakbo. Ewan ko ba? Kapag tumitingin siya nanlalambot ako.

Nandito ako sa pintuan, patagong pinapanuod siyang magsayaw. Pero pansin ko, wala siya sa kundisyon, ang lalim ng iniisip niya at halos lahat ng ginagawa niya mali. Hanggang sa ibagsak na lang niya ang katawan niya sa sahig. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa labas, sa totoo lang nag-aalala na ako, kasi hindi talaga siya okay. Napansin ko ang pag nginig ng mga balikat niya at pamumula ng tenga niya. Umiiyak siya.

Tumayo siya at nagbuntong hininga tsaka nagsimulang magsayaw ulit, tama ang lahat ng ginagawa niya pero isang pangyayari ang nagtulak sakin na pumasok na sa loob, Natapilok siya at halatang masakit ang nararamdaman niya.

"Megan! okay ka lang ba? anong masakit sa'yo? Tara dadalhin na kita sa ospital!" sambit ko at akmang bubuhatin siya. "Bitawan mo ako!" sigaw niya na nagpatahimik sakin, "Hindi kita kailangan, at sino ka ba? umalis ka na, kaya kong sarili ko!" may lamang sabi niya. "Masama ang bagsak mo, kailangan natin ipatingin iyan." sambit ko pa at nagpumilit na buhatin siya. "Kaya kong ipatingin to mag-isa, umalis ka na nga!" sigaw pa niya at tinulak ako palayo. Akmang tatayo siya pero hindi niya kinaya kaya natumba ulit siya, saktong naalalayan ko. "Wag ka na makulit, tara na." mahinahong sabi ko habang binuhat siya.

"I'm sorry to say this pero matatagalan pa bago ka makalakad ng diretso, napwersa ang paa mo. You should take a break, or else paa mo ang ma-break." sabi ng doctor kay Megan. "Was that even a joke? Hindi pwede, may dance recital ako, at kailangan ko mag practice, paano na lang lahat ng pinagpaguran ko." kalmado pagkakasabi niya pero halata mo ang nangigilid na luha sa mga mata niya.

"Megan, mas makakabuti sayo ang pahinga." pag aalala ko sa kanya.

"Makakabuti? Ano bang alam mo ha? Doctor ka ba?" sarkastikong pagkakasabi niya. "Dinala mo pa kasi ako dito! Ngayon nawalan na ko ng pag-asa, yung pangarap ko mag perform wala na!" at tuluyan na siya umiyak.

"Megan kasi--."

"Umalis ka na, at wag na wag ka ng magpapakita." madiing sabi niya. Wala na akong nagawa dahil yun ang gusto niya. Kaya naman umalis na ako.

Dalawang linggo na simula nung araw na tinaboy niya ko, hindi na ko nagpakita pa, dahil yun ang gusto niya. Dumaan ako sa dance room para tingnan kung kelan ang recital, at 2 weeks na lang.

"Megan, is a great and graceful dancer, sad to say injured siya, kaya kailangan siya palitan." sabi ng isang babae. "Si Louise na ang papalit, ikaw na ang pinalit ko sa kanya ha, I know you've been practicing the routines, galingan niyo ng partner mo, okay? I'll go ahead." at umalis ng tuluyan yung babae.

napa buntong hininga na lang ako sa narinig ko. Gusto ko man i-encourage si Megan na wag mawalan ng pag-asa siya mismo sa sarili niya, ayaw niya.

"Pwede ba kita maging partner?" Pamilyar sa akin ang boses kaya nilingon ko at nakita ko si Megan.

"Anong ginagawa mo dito? Okay ka na ba?" sabi ko at lumuhod para tingnan ang paa niya. "Okay na ako, salamat sayo." naka ngiting sabi niya. "Kung hindi dahil sayo, hindi ako magpapagaling. Na-guilty kasi ako sa mga nasabi ko at kapag hindi ako nagpagaling, hindi ako makakapag sorry!" at hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya ko na ulit sumayaw, sabi kasi ni Doc, basta ipahinga ko lang daw, pwede ikaw na lang partner ko?" ngiting ngiting sabi niya, pano ko tatangihan ang ganto kagandang babae? teka--.

"hindi ako marunong sumayaw e." at napakamot na lang ako sa batok. "Ayos lang yan akong bahala sayo." at hinila na niya ko sa dance room.

"Megan?" sambit nang babae, mukhang siya yung Louise. "Yes Louise, I'm fine, kaya ko na ulit sumayaw, pakisabi na lang kay Madame thanks." sarkastikong sabi niya.

"Oh, okay, sure ka? Sige sasabihin ko na kay Madame." at lumabas na ito. "Iyong Louise na 'yon, gustong gusto na siya ang mag perform sa recital, well sorry na lang!" ang mga ngiti niya nakaka humaling talaga.

"Let's start?" at nilagay niya ang kamay ko, sa isang kamay at beywang niya.








***
Thanks for reading!

love book (one shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon