TOTGA

41 0 0
                                    

"Bakit single ka pa din?" Typical question ng mga High School and College friends ko, isama mo na din ang mga pinsan ko na nag uunahan sa paghahanap ng partner.

"Bakit nga ba?" Tanong ko din 'yan mismo sa sarili ko. Bakit for so many years hindi ko man lang magawang mag entertain ng lalaki sa buhay ko? Bakit sa tuwing may sumusubok na suyuin ako, nir-reject ko agad? Hindi ko man lamang mabigyan ng chance na i-express ang nararamdaman niya. Well, what for 'di ba? kung hindi mo naman siya feel.

Ganoon kasi ang nangyayari sakin bes. Wala akong maramdaman na spark kaya reject agad ang beshy mo. (GANDA KA?) No, seriously. Bakit mo ie-entertain kung hindi mo naman ma-sense na potential husband or boyfriend siya (taray may pa-potential). Iyan ang pamantayan ko sa pagpili ng magiging partner ko for life.

It's been 7 years since I broke up with Christopher. I was 23 that time and he was 25. Schoolmates kami noong high school, 3rd year college ako noong sinimulan niya ako ligawan na hindi ko naman na din pinatagal dahil gusto ko din siya. We loved each other. Parang hindi na kami mapaghihiwalay. Masaya ako kapag kasama ko siya, sa bawat titig niya para kong malulusaw, sobra niyang pinapakilig ang puso ko. I love how he whispers through my ears, hug me from behind, kiss me, smiles at me. He was so sweet and I thought it was what we call, "relationship goals".  Nandoon siya noong inabot ko ang diploma, nagkatrabaho, we celebrated each others work promotion, travelled together, masasabi mo talagang "Lord, he's the one". But then our relationship last for almost 4 years.

Naging sobrang toxic na namin together na dumating sa punto na ayaw na namin marinig o maramdaman ang isa't isa. Minahal ko siya at alam ko na minahal niya din ako pero siguro hindi talaga pang lifetime ang relasyon namin. We hated each other so much. Palagi kaming nag aaway even sa maliliit bagay yung tipong madikit lang ang init agad ng ulo namin. At na-realize namin na hindi na maganda ang ipagpatuloy pa namin ang relationship. Nagkakasakitan lang kami. Sinubukan naman namin ibalik ang kilig e, pero wala talaga. Binalikan namin ang una naming pagkikita, kung paano kami nagkakilala, nag-date sa mga lugar na paborito namin puntahan pero at the end of the day, uuwi lang kami ng pagod at wala pa rin ang spark na hinahanap namin. Baka ganoon talaga, kapag hindi siya para sa'yo, hindi siya para sa'yo. Kaya heto ako ngayon, work is life, singlehood is life.

I don't know. Maybe ako din ang may problema? Baka sobra lang ako nagbabasa ng mga romantic books kaya napapaghalo ko na ang fiction world sa real world? Nakakatawa. Pero hindi e. Sadyang napagod lang kami sa isa't isa at hanggang doon na lang talaga.

"Madam! Baka gusto mo lumabas ng bahay at office mo? Libre ko na magka buhay ka lang." Aniya ni Kara habang sinusuklay ang mahaba at kulay brown niyang buhok. "Pass." Sagot ko at tumayo na upang umuwi at magpahinga. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. "Gusto mong hamPASSin ko 'yang mukha mo!? Pinaninindigan mo ang pagiging Tita ha?" Sabay hinila niya ang buhok ko diretso sa elevator at pinindot ang button papunta sa ground floor.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Baka sa iba't ibang kumikisap na ilaw yan ha? Ay nako teh uuwi na ko." Kasi naman masyado na akong matanda para pumarty. Hello? At the of next month 30 years old na ako! Hindi na bagay sakin ang makita sa mga ganoon lugar! Nakakaloka.

"Ano ka ba? Tingin mo gusto ko din pumunta sa ganoon? Baka matawag tayong mga sugar mommy no!" Sabay humagalpak siya ng tawa at hinampas ang braso ko. Hindi naman kami ganoon katanda tingnan, mukha pa naman kaming fresh and brand new. Pero alam mo yon? Iba na kasi ang taste namin, hindi na kagaya noong nasa 20s pa lang na parang globe, go lang ng go. Iba na ngayon.

Pumunta lang kami ni Kara sa isang korean restaurant. Which is I truly missed, matagal na din akong hindi nakakain ng beef. Hirap kaya magluto tapos ikaw lang naman mag isa ang kakain 'di ba? Pagkatapos ay pumunta kasi sa Karaoke bar at nagwala na parang mga lasing. "Sobrang nag enjoy ako bes, thank God may kaibigan pa rin ako na kahit may jowa na naaalala pa rin ako pasayahin." I said and opened my arms for a hug. "Aww, ikaw naman kasi bes. Mag move on ka na. Huwag ka na matakot sumubok ulit. Explore. Be like Dora!" May halong pagbibiro niya at niyakap ako ng mahigpit.

love book (one shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon