krokis

166 1 0
                                    

Madalas lamang akong nakatingin sa langit,
Iniisip kung minsan ba akong sumagi sa iyong isip,
Napapangiti sa t'wing aking ginuguhit,
Ang iyong mukhang maihahambing sa isang awit.

Puno ng emosyon,
minsa'y malungkot, minsa'y masaya,
Siguro'y magtataka ka,
Sa oras na makita mo ang aking mga pinipinta,
Bakit ikaw pa?
Marami naman diyan iba.
Marahil ito'y itanong mo sa iyong sarili.

Maski ako'y hindi ko alam,
Ang alam ko lang,
Masaya ako na iginuguhit ka.
Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig?
Ka'y sarap nga sa pakiramdam.

Sa paglipas ng mga araw, buwan,
Tila nagbago ka na,
Sa mga lugar na iyong pinupuntahan,
Hindi kita makita,
Mga pinta ko tuloy tila walang sigla.

Ako'y sadyang nalungkot,
May galit, ngunit hindi poot,
Hindi ko malaman,
Kung bakit ganito?
Gusto kong halughugin ang buong mundo,
Ako'y nangungulila,
Ngunit wala akong karapatan,
Ni hindi ko nga alam ang iyong pangalan.

Posible ba talaga?
Mahulog ang iyong loob,
Sa hindi mo lubusang kilala?
Marahil totoo nga,
Sapagkat ako'y masisiraan na.

Hanggang sa makita kita,
Sa isa sa mga lugar na iyong pinupuntahan.
Hindi ka naman nagbago,
May ngiti ka pa 'ring dala,

Mabuti na lamang bitbit ko ang mga gamit ko,
Muli ko na namang,
Maiguguhit ang ganda mo.

Nang patapos na ang aking obra,
Napagpasiyahan kong lapitan ka,
Itanong kung anong ngalan, at nang tayo'y magkakilanlan na.

Ngunit anong gulat ko,
Nang pagharap mo,

Nangugusap na mata,
Namumulang mga pisngi,
Tila rosas na labi,
Porselanang kutis,

Laking pansin din ang iyong katawan,
May umbok sa tiyan,
Tila may laman.

Napaatras ako at napigilan ang damdamin.
Ang babaeng nais ibigin,
Mayroon ng supling.

Napagtanto ko pa,
Nang magtama ang aming mga mata.
Malungkot siya sa nangyari,
Ngunit umiwas din agad,
Nang may isang lalaking tumawag,
Mabilis na lumakad,
Umalis, hindi nagpaalam.

Hindi ko alam kung anong pinagdaanan niya,
Matagal na panahon ding hindi kami nagkita,
Marahil nakahanap na siya,
Hindi ko lang maintindihan,
Bakit tila hindi siya masaya?

Ako'y nasaktan,
Hindi ko maintindihan.
Siguro'y hindi kami ang para sa isa't isa.

Sa huli niyang alaala sa akin,
Kay ganda pa rin niya,
Nakatingin sa malayo,
Tangay ng hangin ang buhok,
Habang naka patong ang kamay sa tiyang may umbok.







***
Thanks for reading!

love book (one shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon