Nagpatuloy ang kanilang pagsuri sa crime scene...
"Ano cause of death?" tanong ni Detective Estrada.
"Wala po akong nakitang wound-related blood sa katawan ng biktima..." sagot ni Eliwood.
"Kung ganun, wala nang iba kundi lason ang nakapatay sa kanya!" biglang hirit ni Detective Estrada. Ikinagulat ito ng mga nakarinig!
"Lason? Paano?" tanong ni Ms. Sheena.
"Magandang binibini, ano pa ba sa tingin mo? Nakita mo nang namatay yung babae sa harap ng maraming pagkain! Ibig sabihin naka-ingest siya ng lason!" sagot ni Detective Estrada.
"Wala akong nakitang pamumutla sa balat niya kaya hindi lason ang nakapatay sa biktima. Wag ka kasi mag-conclude agad Detective Estrada, hintayin mong matapos ang mga sasabihin ko." hirit ni Eliwood.
"Yan ka na naman! Ginugulo mo analysis ko!" inis ni Detective Estrada. Tinignan naman ni Inspector Mills ang katawan ng biktima. May napansin siyang muscle contraction sa leeg.
"Strangulation..." sabi ni Inspector Mills.
"Posterior Strangulation po Chief Inspector! Ibig sabihin, pinatay po siya ng kriminal mula sa likuran gamit ang isang mahabang bagay na naitatali sa leeg na hindi basta napipigtas tulad ng lubid, cord o tela. Napansin ko rin kasi yung leeg niya nung hinanapan ko siya ng life signs." sabi ni Eliwood.
"Wow! Sa mura mong edad iho ang dami mong alam!" pagka-mangha ni Elena kay Eliwood.
"Oo nga sir! Fan pa naman ako ng crime fiction, narinig ko na yang term na yan sa mga crime fiction stories! Sana makatulong din ako sa pag-imbestiga." dugtong ni Zach ngunit hindi binigyang pansin ni Eliwood ang kanilang pagpuri.
"Ah ok so hindi pala lason. Kung Posterior Strangulation nga, ano naman ang murder weapon?" tanong ni Detective Estrada.
"Maaari kaya itong kurtina sa balcony?" sagot ni Inspector Mills.
Sinilip muli ni Eliwood ang leeg ng biktima. "Hindi po, manipis po ang ang ginamit na murder weapon. Maliit po kasi ang trace ng muscle contraction sa leeg, posible na kasing laki lang po ng electrical cord ang ginamit sa biktima."
Pagkatapos suriin ang leeg, sinuri ni Eliwood, Detective Estrada at Inspector Mills ang bawat sulok ng balcony upang mahanap ang murder weapon.
Ilang sandali pa ay may nakita si Eliwood na mahabang necktie na nakatago sa sulok na natatabing kurtina.
"Ito ang murder weapon!" sabi ni Eliwood habang pinapakita niya ito sa kanila. Biglang kinilabutan si Ms. Sheena at Elena.
"At paano mo naman nasabing iyan ang murder weapon?" tanong ni Detective Estrada.
"Nandito pa sa necktie na ito ang pabango ng biktima." sagot ni Eliwood. Kinumpirma ito ni Inspector Mills dahil inamoy niya ang necktie at ang leeg ng biktima.
"Ang tanong, kaninong necktie yan?" tanong ni Detective Estrada.
Hindi maiwasang napabulong sa sarili si Zach, "(Hayop ka sir Bruno!)".
Narinig ni Detective Estrada, Inspector Mills at Eliwood ang bulong ni Zach.
"Sino yun? May narinig kong pangalan Bruno! May tinatago ka ba sa amin na impormasyon?" tanong ni Detective Estrada.
"Naku wala po akong tinatago sir detective! Kilala ko po may-ari ng necktie na yan! Kay sir Bruno po! Bruno Phelbs! Kinakasama po ni mam Lucy." sagot ni Zach.
"Sino yun? Bakit hindi mo sinabi sa akin na may kakilala ka palang kinakasama ng biktima? Ang linaw ng tanong ko sayo kanina ah!" inis ni Detective Estrada.
"Pasensya na po talaga sir detective, ayoko lang talaga makialam sa ganyang bagay. Lalo na kapag tungkol sa private at personal matters ng isang client." sabi ni Zach.
"Bakit may alam ka sa personal na bagay ng biktima?" tanong ni Inspector Mills kay Zach.
"Kasi po sir chief, nagshe-share po minsan ng personal na bagay sa akin si mam Lucy sa tuwing dinadalhan ko po siya ng order na food. Madalas niyang nababanggit sa akin si sir Bruno Phelbs sa tuwing nag-aaway sila." statement ni Zach.
"Ok. Kelangan po natin makuha statement ng lalaking iyon kung bakit nandito necktie niya sa crime scene." sabi ni Eliwood. Kinuha niya ang cellphone ng biktima sa lamesa at tinignan ang contacts.
Wala siyang makitang ibang pangalan sa contacts na related sa pangalang Bruno Phelbs maliban sa pangalang BABY BRUNO.
Tinawagan ni Inspector Mills ang contact person na iyon at nakausap. Na-kumpirma na siya nga si Bruno Phelbs. Hiniling na pumunta sa condo unit ng biktima upang makuhanan ng statement.
Na-shock si Bruno Phelbs na nasa kabilang linya nang malaman niyang patay na ang kinakasama niyang si Lucy Aldwich.
Pinaunlakan naman niya ang hiling ni Inspector Mills upang makuhanan ng statement. Habang papunta si Bruno Phelbs sa crime scene, nagpatuloy parin ang imbestigasyon...
~ to be continued...