Chapter 5: Art of Deduction (The Lucy Aldwich Murder Case)

76 7 0
                                    

"IKAW! Zach Korver!!!" pagturo ni Eliwood sa waiter. Nagulat ang mga nakarinig.

"Ako po sir?! Bakit ako?! Ano po ang naisip niyo bakit sinasabi mong ako ang kriminal?" tanong ni Zach.

"Anong kabalbalan itong pinagsasabi mo Eliwood? Malinaw na ang murder weapon ay pagmamay-ari ni ginoong Bruno Phelbs!" depensa naman ni Detective Estrada.

"Ang murder weapon ay ginamit lang upang ma-frame up ang may-ari. Kung si ginoong Bruno ang pumatay, hindi ba't mas maganda kung itatago niya ng maigi ang murder weapon? Maaari niya itong ibulsa kanina sa kanyang pag-alis upang hindi na mahanap ang murder weapon! Kaya nakakapagtaka kung bakit hindi ganun kahirap hanapin ang murder weapon, ibig sabihin sinasadya ng kriminal na mahanap natin ang murder weapon." sagot ni Eliwood.

"Oo nga! That really makes sense." pagkamangha ni Ms. Sheena.

"Iho, paano mo maipapaliwanag yung Dying Message?" tanong ni Elena Veyra.

"Oo nga Eliwood! Ginawa ng biktima yun bago siya namatay upang matukoy si sir Bruno Phelbs bilang salarin!" giit ni Detective Estrada.

"Sigurado ka si Lucy Aldwich ang gumawa nung dying message?" tanong ni Eliwood.

"Kung hindi si Lucy Aldwich, sino gumawa ng dying message, si Zach Korver? Paano mo matutukoy na si Zach Korver nga ang gumawa?" tanong ni Inspector Mills kay Eliwood.

"Una chief inspector, kung papatayin ka na sa pag-strangle sayo ng kriminal, makakagawa ka pa ba ng dying message na ganito kaganda? Makikita mo pa ba yung pagkakahanay ng fillings ng sandwich at mailalagay mo pa ang kamay mo sa pagitan ng sandwich?" sagot ni Eliwood.

"Oo nga noh... Bakit hindi ko naisip yun..." natauhan si Inspector Mills.

"Pangalawa, pagkatapos niya patayin ang salarin, doon palang plinano ang pagkakahanay ng fillings ng sandwich upang makagawa ng magandang dying message at binuksan ang music ng cellphone ng biktima para palabasin na nakikinig ang biktima sa music at hindi ma-istorbo ng kahit na sino." sabi ni Eliwood.

"Ibig sabihin nung nagligpit ako ng pinaghigaan, patay na pala si mam Lucy?!" tanong ni Elena Veyra.

"Opo. Bago pa po kayo dumating, patay na po ang biktima. Sa totoo lang, bago pa po pumasok si ginoong Bruno ng 12:45pm sa condo unit na ito, patay na po ang biktima. Maaaring namatay ang biktima sa pagitan 12:36pm hanggang 12:42pm." sagot ni Eliwood

"Kung ganun, patay na pala ang baby Lucy ko nung pagdating ko dito kanina para kunin ang credit card ko..." sabi ni Bruno Phelbs.

"Tama po. At ang pangatlo, ang gumawa ng dying message ay halatang hindi lubusang alam ang pangalan ni ginoong Bruno." diin ni Eliwood.

"Ha? Paano mo naman nasabi yun sir?" tanong ni Zach Korver.

"Dahil dito!" pinakita ni Eliwood ang identification ni Bruno.

"Bruno Felbs! Mali pala ang spelling! Akala natin 'PH', yun pala letter 'F' ang unang letra!" gulat ni Inspector Mills. Ganun din ang reaksyon ng mga nakakita.

"Ganyan din ang akala ng taong pumatay kay Lucy Aldwich." sabi ni Eliwood.

Namutla si Zach Korver sa pinakita ni Eliwood, ngunit sumagot parin ito. "Parang spelling lang? Malay mo nagkamali si mam Lucy sa pag-spell sa dying message?".

"Nakikita mo 'to kuya Zach?" pinakita ni Eliwood ang isang maliit na papel na nakita at pinulot niya kanina sa ilalim ng lamesa.

"Receipt po yan sir ng order ng mga foods ni mam Lucy, ano naman kinalaman niyan sa ---" napatigil si Zach sa kanyang pagsasalita at lalo itong namutla at pinagpawisan.

"Uy bakit?! Bakit ka natigilan?" pagtataka ni Detective Estrada kay Zach.

"Mukhang na-realize na ni kuya Zach." hirit ni Eliwood.

"Bakit? Sabihin niyo kung ano nangyayari!" pamimilit ni Detective Estrada.

"Ito na kasi ang magpapatunay na alam ni Lucy Aldwich ang tamang spelling ng apelyido ni ginoong Bruno at hindi nga si Lucy Aldwich ang gumawa ng dying message." sagot ni Eliwood. Pinakita ni Eliwood ang order receipt kina Inspector Mills at Detective Estrada.

"Nakalagay sa resibo ang buong pangalan ni ginoong BRUNO FELBS gamit ang credit card, makikita ang pirma o signature ni Lucy Aldwich. Patunay na tama ang spelling ng apelyido ng kinakasama niya." sabi ni Eliwood.

Pinakita ni Eliwood ang receipt, kinumpirma ito nina Inspector Mills at Detective Estrada. Sang-ayon ang lahat na hindi nga si Lucy Aldwich ang gumawa ng dying message.

Biglang nagalit at nagsalita si Zach kay Eliwood, "Alam mo sir, malawak lang talaga ng imahinasyon mo! Anong proof mo na ako nga ang pumatay?! Patunayan mo, hindi yung magsasalita ka ng kung ano-anong bagay!"

Nagulat ang lahat sa pag-iba ng pananalita ni Zach Korver.

~ to be continued...

Mr. Detective meets Ms. Fortune TellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon