Chapter 1: Last Meeting

175 8 0
                                    

Last day ng pasukan ng kasalukuyang school year, tanghali. Sa papasok na summer break, isang 4th year highschool student na magiging college student na sa darating na pasukan na nagnga-ngalang Eliwood Gates ay kasama sa napag-usapan ng buong klase na 'last meeting'.

Napag-kasunduan na sa isang sikat na park sa Manila sila mamamasyal kasama ang adviser nila upang samantalahin ang huling pagkakataon na sila ay magkakasama bago ang graduation day. Pagdating nila sa park.

"Alright class, this will be our last day kaya dapat enjoy tayo! Lets make this day a memorable one!" sabi ng kanilang teacher at room adviser na si Ms. Sheena Ansano.

"Yes mam!!!" masayang sagot ng mga estudyante. Nangalat ang ilan sa park kasama ang kani-kanilang close friends. Karamihan sa kanila ay kumukuha lang ng selfies at groufies habang ang ilan ay nag-explore lang. Napansin ni Ms. Sheena si Eliwood na nag-iisa lang.

"Eliwood, bakit ayaw mong maki-join sa mga klasmeyts mo?" tanong ni Ms. Sheena.

"Gusto ko lang mag-isa mam Sheena, hindi ko kasi trip ung trip nila tulad ng mga selfies." sagot ni Eliwood

"Ah ok. Paano mo mae-enjoy ang last day natin?" tanong ni Ms. Sheena.

"I always enjoy being alone." sagot ni Eliwood.

"Ahahaha! Ok how about this, puwede ba akong magpasama nalang sayo? Dyan lang naman sa isang restaurant sa tapat ng park." favor ni Ms. Sheena.

"Dun po ba naghihintay yung kausap mo?" tanong ni Eliwood.

"Huh? Pano mo naman nalaman?" sagot ni Ms. Sheena.

"Napansin ko kasi on the way palang tayo, panay ang txt mo sa cellphone at hindi ka focused sa lakad natin ngayon." sagot ni Eliwood.

"Dahil lang doon nag-conclude ka na may ka-meet ako ngayon? Paano kung nagtetxt lang pala ako sa parents ko o sa friend ko?" tanong ni Ms. Sheena.

"Napansin ko rin kasi nung binuksan mo ang bag mo para mag-abot ng bayad sa sinasakyan natin kanina ay may nakita akong fashion magazine at calling card. Sa tingin ko makikipag-meet ka sa isang talent scout ng isang prestigious fashion magazine. Ito na po ang big break mo para maging model at maging last day na maging teacher. Our last meeting..." sagot ni Eliwood.

"Wow... You got me mr. detective! I hope maging secret nalang natin 'to. Totoong makikipag-meet nga ako sa isang talent scout. Gusto ko kasi talaga maging model, wala sa puso ko ang pagtuturo." sabi ni Ms. Sheena.

"Alam niyo po mam Sheena, we humans are an adaptable organism. We adapt on things on our environment, maaaring hindi ka pa nakaka-adapt sa pagiging teacher. Maaaring nasa puso mo nga ang modeling, pero wag mo iiwan ang pagtuturo. Very noble ang pagiging teacher kesa sa pagiging model in my opinion. Iba parin ang pakiramdam ang makatulong ka sa kapwa sa pamamagitan ng pagtuturo." sabi ni Eliwood.

"Huwaw! Hahaha! Estudyante ba itong kausap ko? Hahaha! That was very striking, I'll take that as a solicit advice mr. detective. Anyways, sasamahan mo ba ako o sesermonan mo pa ako?" pabiro ni Ms. Sheena.

"Ok po, bago pa manigas yung kausap mo sa kahihintay sayo." pabiro naman ni Eliwood. Tumawid sila sa daan sa katapat na park, doon ay nakita ni Eliwood ang isang malaking building na may restaurant sa ibaba. Pagpasok nila ay biglang may malaking lalake na bumunggo sa kanila papalabas sa pintuan.

"Aray!" daing ni Ms. Sheena sa pagkakabunggo.

"Kuya naman! Ang laki niyo po, maging maingat naman kayo sa dinadaanan niyo." reklamo ni Eliwood.

"Ay sorry miss, nagmamadali kasi ako! Pasensya na kayo." paumanhin ng malaking lalake sa kanila habang nagmamadali ito lumabas ng restaurant at naghanap ng taxi.

"Ok kalang po ba mam Sheena?" tanong ni Eliwood.

"Ok naman, nagulat lang din ako. Akala ko nabundol ako ng truck. hahaha!" pabiro ni Ms. Sheena.

Habang nasa loob ng reataurant, hinanap ni Ms. Sheena ang ka-meet niyang talent scout pero hindi niya makita. May isang waiter ang lumapit sa kanila.

"Excuse me po mam, kayo po ba si Ms. Sheena Ansano?" tanong ng waiter.

"Yes?" sagot ni Ms. Sheena.

"Ang bilin po sa akin kanina ni Ms. Lucy Aldwich, escort ko raw kayo sa condo unit niya sa 3rd floor. May inorder na po siyang lunch para sa inyo." sabi ng waiter.

"Talaga? Thank you!" sagot ni Ms. Sheena. Habang nasa elevator sila.

"Ang bango naman ng perfume mo kuya, Dunhill Blue ba yan?" tanong ni Eliwood.

"Oo sir! Paano mo nahulaan?" tanong ng waiter.

"May ganyan din akong perfume eh. Isa sa mga favorite ko, hindi masyadong matapang." sagot ni Eliwood.

"Actually ngayon ko lang sinubukan itong perfume ko sir, mukhang ok nga eh." sabi ng waiter.

"Mukhang naparami po ang paglagay mo kuya, natatakpan dapat ng neckerchief mo yung amoy" sabi ni Eliwood.

"Ah hindi sir, naglagay din po ako sa dibdib. Ngayon lang po ako naglagay ng neckerchief, nilalamig kasi lalamunan ko. hehehe!" sagot ng waiter.

"Ang ganda naman ng place na 'to. Condo siya na may restaurant sa baba." hirit na pagpuri naman ni Ms. Sheena sa lugar.

"Thank you sa compliment mam! Sana one day, kumuha din kayo ng unit dito." sagot ng waiter.

"I will, kapag naka-afford na ako. Hahaha!" sabi ni Ms. Sheena. Paglabas nila ng elevator, may nakasalubong silang babae na medyo mataba, may katandaan at nakadamit na panglinis.

"Kamusta po mam Elena!" bati ng waiter sa nakasalubong nilang babae.

"Mabuti naman Zach. Sila ba yung bisita ni mam Lucy?" tanong naman ng babae.

"Opo mam, escort ko po sila sa unit ni mam Lucy." sagot ng waiter. Tumango nalang ang babae at pumasok sa elevator.

"Yun si mam Elena, matagal na siyang nagwo-work dito. Siya tagalinis ng mga condo unit ng mga nagre-request ng kanyang service." sabi ng waiter.

"Ah ok." sagot lang ni Ms. Sheena. Pagdating nila sa unit, kumatok ang waiter sa pintuan.

"Mam Lucy, nandito na po bisita niyo. Iiwan ko nalang po ba sila dito?" sabi ng waiter. Wala silang narinig na sagot. Dalawang beses inulit ng waiter ang ginawa niya ngunit wala parin silang naririnig.

"Mam Lucy? Papasok po kami ha." sabi ng waiter. Nag-decide ang waiter na gamitan ng susi ang pintuan.

"May master key po pala kayo kuya?" tanong ni Eliwood.

"Oo sir, lahat po kami na nagme-maintain at staff dito sa condo may susi sa lahat po ng condo units." sagot ng waiter. Pagpasok nila, malinis na ang paligid ng condo unit.

"Wow... Sosyalan pala dito." sabi ni Ms. Sheena.

"Salamat po ulit sa compliments mam Sheena." sabi ng waiter.

May naririnig silang music mula sa balcony na natatabing ng mga kurtina na parang galing lang sa isang cellphone speaker.

"Ah nandun pala si mam Lucy sa balcony kaya hindi tayo marinig, tara samahan ko kayo." sabi ng waiter. Pagdating nila sa bungad ng balcony.

"Mam, nandito na po yung..." natigilan ang waiter sa nakita niya. Napatili si Ms. Sheena sa nasaksihan niya! Pagsunod ni Eliwood, nakita niya sa harapan nila ang isang babaeng wala ng malay na nakaupo sa harap ng lamesa na may mga pagkain...

~ to be continued...

Mr. Detective meets Ms. Fortune TellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon