Chapter 2: Crime Scene (The Lucy Aldwich Murder Case)

122 7 0
                                    

Naabutan nilang walang malay ang babae na nakaupo at nakadapa ang dibdib hanggang ulo sa lamesa.

Napansin nila na nakabaon ang isang kamay ng babae sa isang sandwich habang habang tumutugtog parin ang cellphone. Pinatay ni Eliwood ang music sa cellphone ng babae.

Hinawakan ni Eliwood ng kanyang dalawang daliri ang leeg ng biktima upang mahanapan ng life signs, ngunit dito na-kumpirma na patay na ang babae na natagpuan nila.

"Mam Sheena tumawag ka ng pulis at investigators! Kuyang waiter, paki-notify niyo po sa admin niyo na may dead body dito sa unit at para ma-secure ang crime scene pagdating ng mga investigators!" sabi ni Eliwood. Ginawa naman nila ang mga sinabi ni Eliwood.

Paglipas ng ilang sandali ay na-secure din ng mga admin ng condo ang unit hanggang sa maya-maya pa ay dumating ang mga pulis at SOCO sa crime scene. Sumalubong kay Eliwood ang isang malaking lalake na may katandaan na. Ang chief investigator na si Inspector Mills.

"Eliwood! Anong ginagawa mo dito?!" gulat ni Inspector Mills.

"Sinamahan ko lang po itong teacher ko na may ka-meet na tao, at yung taong iyon ay ang babaeng ito na wala ng buhay." sagot ni Eliwood.

"Ahuh. Mukhang may kaso na naman tayo sa kamay natin. I assume na in-examine mo na naman yung katawan bago pa kami dumating?" tanong ni Inspector Mills.

"Opo. Pasensya na hindi ko matiis eh." sagot ni Eliwood.

"Hay naku Eliwood, obstruction of justice yan at hindi ka pa authorized para galawin ang crime scene! Kapag hindi na ako ang Chief Inspector, siguradong kulong ka. Hahaha!" pabiro ni Inspector Mills.

"Bawal po pala yun?" tanong ni Ms. Sheena.

"Oo iha. Hindi kasi authorized si Eliwood pero malaki ang naitutulong niya sa akin, bakit ko naman siya kakasuhan? Its my responsibility, siya ang nagsisilbing extension ng aking authorization. Napaka-indispensable niya sa mga kasong hinahawakan ko kumpara sa mga detectives namin ngayon." sagot ni Inspector Mills. Napatulala nalang si Ms. Sheena sa kanyang mga narinig.

"Inspector, maaari na po ba natin simulan ang investigation?" tanong ni Eliwood.

"Hintayin muna natin si Detective Estrada." sagot ni Inspector Mills.

"Ah siya ulit..." sabi ni Eliwood.

"Hahaha! Ganun talaga Eliwood, kelangan may official depektib ay este detective tayong kasama bago tayo magsimula." natatawang sagot ni Inspector Mills.

"Narinig ko yun Inspector!" sabi ng isang tinig na kapapasok lang sa crime scene.

"Ah Detective Estrada, nandito ka na pala." ani ni Inspector Mills. Nakita ni Detective Estrada si Eliwood.

"Ikaw na naman?! Nandito ka ba para guluhin ulit ang proseso ko sa pag-imbestiga at sa magiging analysis ko?!" inis ni Detective Estrada.

"Oh relax lang Detective Estrada, alam mo namang malaki naitulong ni Eliwood sa Milktea incident dati." sabi ni Inspector Mills.

"Malaki naitulong?! Dinismissed ko na yun bilang murder case tapos ginulo pa niya?!" sabi ni Detective Estrada.

"Eh malabo naman po kasi na Oxalic Acid yung poison na pumatay sa mga biktima doon, Detective Estrada. Mawawala na kasi sa logic kapag pinilit natin yung analysis mo." sagot naman ni Eliwood.

"Aba't sumasagot pa! Hoy matanda ako sayo ng anim na taon ha, wag kang sasagot sa akin ng ganyan!" ani ni Detective Estrada.

"Ok po lolo Estrada, pasensya na." pang-asar na sagot ni Eliwood.

"Boys! Boys! Boys! Ano ba kayo?! Kung mag-aaway kayo, hindi natin masisimulan itong kaso." sabi ni Inspector Mills.

"Eliwood, pasalamat ka't nandito si Inspector. Kundi ako mismo magsasampa sayo ng kasong obstruction of justice." ani ni Detective Estrada. Hindi nalang kumibo si Eliwood.

"Simulan na natin ang investigation". sabi ni Inspector Mills. Nilabas nila Detective Estrada at Eliwood ang kanilang maliit na notepad

"Pangalan ng biktima?" pasimulang tanong ni Detective Estrada.

"Lucy Aldwich ang pangalan ayon kay kuyang waiter at mam Sheena."

"Estimated time of death?" patuloy ni Inspector Mills.

"Estimated time of death, around 12:40pm hanggang 12:50pm siya namatay." sabi ni Eliwood.

"Sino ang mga posibleng tao na present ng mga oras na yun dito sa unit?" tanong ni Inspector Mills.

Sumagot si Ms. Sheena. "Ah naalala ko! Bago pa kami makarating dito sa room, may nakasalubong kaming matabang babae paglabas namin ng elevator! Nakalimutan ko yung pangalan, alam po yun ng kasama naming waiter."

Pinatawag ni Inspector Mills ang waiter at yung babaeng tagalinis. Ang pangalan ng waiter ay Zach Korver at ang babaeng mataba ay Elena Veyra. Kinuhanan sila ng statement kung nasaan sila ng mga oras na yun sa pagitan ng 12:40pm hanggang 12:55pm kung saan posibleng naganap ang krimen.

STATEMENT NI ELENA VEYRA

Ang statement ng babaeng tagalinis na si Elena, tumawag sa customer service ang lalaking kinakasama ng biktima sa unit ng mga 12:40pm upang magpa-service o magpalinis ng higaan at kunin ang laundry.

Dumating si Elena sa condo unit ng 12:50pm upang maglinis, napansin niya na walang tao at magulo ang higaan.

Narinig niya na may music sa balcony, pinagpalagay niya na nagpapatugtog lang si Lucy Aldwich gamit ang cellphone upang makapag-relax at dahil maganda ang tanawin mula sa balcony, hindi nagawang istorbohin pa ni Elena ang biktima.

Pagkalipas ng 5 minuto ay natapos na si Elena maglinis at kunin ang laundry. Lumabas na siya at dun niya nakasalubong sina Ms. Sheena, Eliwood at ang waiter na si Zach papunta sa elevator.

"Kilala niyo po ba yung lalaking kinakasama ng biktima na tumawag sa inyo?" tanong ni Detective Estrada.

"Hindi, dahil iba-iba namang lalake ang nakakasama ni Mam Lucy." sagot ni Elena. Nagkatinginan nalang sina Inspector Mills at Detective Estrada sa narinig nila.

"Manong Chief, maituturing po ba akong isang suspect?" tanong ni Elena.

"Opo. Present po kasi kayo dito sa unit na ito nung mga oras ng pagkamatay ng biktima." sagot ni Inspector Mills.

"Naku sinisiguro ko po sa inyo na hindi po ako ang pumatay kay mam Lucy..." mangiyak-ngiyak na hibik ni Elena.

STATEMENT NI ZACH KORVER

Ang statement naman ng waiter na si Zach Korver. Tumawag si Lucy Aldwich around 12:15pm para umorder ng lunch. Si Zach ang nag-deliver ng mga food sa unit ni Lucy around 12:35pm. Sabi ni Lucy, may maghahanap daw sa kanya na bisita na nagngangalang Sheena Ansano sa restaurant sa baba.

Pinakita ni Lucy kay Zach ang picture ni Sheena para makilala niya at ma-escort niya ang bisita sa unit kung sakaling makita ni Zach si Sheena sa restaurant. Umalis din agad si Zach ng condo unit ni Lucy.

"Tumawag ka ba sa customer service ng 12:40pm para magpalinis ng unit?" tanong ni Inspector Mills.

"Hindi po sir, nasa baba na po ako ng mga oras na yun para abangan ang bisita ni Mam Lucy." sagot agad ni Zach.

"Wala ka bang kilalang kinakasama ng biktima na maaaring present ng mga oras na iyon?" tanong ni Detective Estrada.

"Hindi po ako nakikialam sa mga ganyang bagay sir." sagot ni Zach

"Kung ganun, ang lalaking iyon na tumawag sa customer service ay suspect din sa krimen. Sino kaya yun? Ituloy natin ang pagsuri sa crime scene." sabi ni Inspector Mills.

~ to be continued...

Mr. Detective meets Ms. Fortune TellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon