Napansin nila ang kaliwang kamay ng biktima na nakabaon sa sandwich na nasa lamesa.
"Bakit kaya nakabaon ang kamay ni mam Lucy sa sandwich?" pagtataka ni Elena
"Pilit niya po siguro inaabot ang cellphone niya nung pinapatay siya. Kawawa naman." sagot naman ni Ms. Sheena.
"Kung hindi ako nagkakamali, baka DYING MESSAGE ni mam Lucy para mabigyan tayo ng hint kung sino ang pumatay sa kanya." sagot ni Zach. Biglang napatingin sina Eliwood, Inspector Mills at Detective Estrada sa sagot niya.
"Posible nga! Magaling! Mas mahusay ka pang detective kesa kay Eliwood." paghanga ni Detective Estrada sa binatang waiter.
"Nabasa ko lang po sa mga crime fictions sa Wattpad tungkol sa DYING MESSAGE". sabi ni Zach.
"Magandang theory. Ano naman kaya ang ibig ipahiwatig ng dying message ng biktima?" tanong ni Inspector Mills.
"Kadalasan po sa mga nababasa ko, pangalan ng kriminal." sagot naman ni Zach. Ni-lista nina Detective Estrada at Inspector Mills ang pahayag ni Zach.
"In what manner naman natin makukuha yung hint sa kamay ng biktima sa sandwich?" patuloy na tanong ni Inspector Mills.
"Sa order ng filling o palaman ng sandwich. Tama ba kuya Zach?" tanong ni Eliwood.
"Oo! Sasabihin ko na nga sana, paano mo nalaman?!" sagot ni Zach.
"Parang may nabasa nga akong ganyan sa Wattpad similar sa case na 'to." sagot ni Eliwood.
"Parehas kami ni mam Lucy na mahilig sa crime fictions sa Wattpad!" sabi ni Zach. Tinignan muli ni Eliwood ang cellphone ng biktima at nakita nga niya na may Wattpad app. Napatango si Eliwood sa sinabi ni Zach.
"Kung ganun, malamang dying message nga siguro ito ng biktima! Lilista ko yung fillings ng sandwich in order mula sa taas hanggang pababa." sabi ni Detective Estrada.
Lumabas sa listahan, Pickles, Lucy's hand, Egg, Lettuce, Beef patty at Salmon! Ni-revised ni Inspector Mills ang list sa ganitong paraan:
Pickles
Hand(Lucy's)
Egg
Lettuce
Beef patty
Salmon
Kinuha ni Detective Estrada ang mga unang letra at pinagsama. Nabuo ang ang P-H-E-L-B-S.
"PHELBS! Walang duda! Si Bruno Phelbs nga ang pumatay!" galak ni Detective Estrada.
Namangha si Inspector Mills habang kinilabutan sina Ms. Sheena at Elena sa naging resulta ng dying message.
"Sabi ko sa inyo eh! Dying message yun ni mam Lucy!" giit ni Zach. At ilang sandali pa ay may pumasok na malaking lalake sa condo unit.
"Speaking of the devil... the devil is here!" gulat ni Zach pagkakita niya sa malaking lalake.
"Teka, siya yung malaking lalake na bumunggo samin ni Eliwood kanina sa pintuan ng restaurant!" sabi ni Ms. Sheena. Nakita rin ni Eliwood ang malaking lalake.
"Nasaan ang baby Lucy ko?!" tanong ng malaking lalake sa kanila.
Lumapit ang malaking lalake sa crime scene at nakita niya ang biktima at nanlumo ito sa lungkot.
"Baby Lucy..." sagot ni Bruno.
"Kayo ba si ginoong Bruno Phelbs?!" tanong ni Inspector Mills.
"Oo... Kayo ba yung nakausap ko sa cellphone kanina?" tanong ni Bruno. Tumango nalang si Inspector Mills.
Biglang nagsalita si Detective Estrada, "Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Lucy Aldwich!"
Nagulat sina Eliwood at Inspector Mills.
"Huh? Bakit ako?!" gulat na tanong ni Bruno.
Patuloy ni Detective Estrada, "Ano man ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin laban sayo---" habang nagsasalita si Detective Estrada, hindi ito pinatapos ni Eliwood.
"Hindi pa tapos ang imbestigasyon!!!" sigaw ni Eliwood. Natigilan ang lahat.
"Hindi pa natin nakukuha ang statement niya, bakit mo siya binabasahan agad ng karapatan?!" galit ni Eliwood.
Bago pa uminit ang ulo ni Detective Estrada sa inasal ni Eliwood, namagitan na agad si Inspector Mills.
Ngunit pumanig padin si Inspector Mills sa sinabi ni Eliwood hinggil sa pagkuha muna ng statement kay Bruno bago mag-conclude.
STATEMENT NI BRUNO PHELBS
Tinawagan ni Bruno si Lucy ng mga 12:10pm upang pumunta sa condo unit at kunin ang kanyang credit card. Pumayag naman si Lucy at nagbilin na kunin nalang daw ni Bruno ang credit card sa bag na nakalagay sa kama at wag siyang istorbohin.
Dumating siya sa condo unit ni Lucy ng mga 12:45pm at naabutan niyang nagpapatugtog sa balcony ang babae.
At dahil may tampuhan parin sila ng biktima, hindi nalang niya ito pinansin at kinuha nalang ang credit card nito at agad na umalis dahil sa pagmamadali.
"Napansin ko nga po na nagmamadali kayo kanina pagkatapos niyo kami mabunggo ni mam Sheena. Bakit po kayo nagmamadali? Dahil po ba sa nalaman niyong patay na si Lucy?" tanong ni Eliwood.
"Hindi ko alam kung buhay pa o patay na si baby Lucy ko ng mga oras na yun, nagmamadali na kasi ako dahil male-late ako sa graduation ng anak ko." sagot ni Bruno.
"Ah mistress niyo pala si Lucy..." sabi ni Eliwood. Hindi na nagawang sumagot pa ni Bruno sa tanong na yun.
Ang nasabi nalang ni Bruno kay Eliwood, "sana confidential nalang ito dahil hindi alam ng pamilya ko 'to".
Sagot ni Eliwood, "Basta hindi na related sa kaso, wala na po akong pakialam doon."
"May nakita kaming necktie sa crime scene na pinaniniwalaan naming murder weapon ng kriminal. Sa inyo ba ito?" habang pinakita ni Inspector Mills yung necktie.
"Oo sa akin nga yan... Pero sinasabi ko sayo, kahit may tampuhan kami ng baby Lucy ko, hindi ko magagawa sa kanya ang patayin." sagot ni Bruno.
"Hmmm... Maari ko po bang makita identification niyo upang ma-file ang official name niyo sa kaso? For the record lang naman po. Kahit driver's license o kahit anong valid ID." hiling ni Eliwood.
Pinakita naman ni Bruno kay Eliwood at Inspector Mills ang mga identifications niya. Nang makita ni Eliwood, ikinagulat niya ito. Agad itong kumaripas sa crime scene at parang may hinahanap.
"Ano yun Eliwood? Bakit bigla mo kaming iniwan ng suspect?" tanong ni Inspector Mills
May nakitang maliit na papel si Eliwood at pinulot niya yun. Pagkabasa niya sa maliit na papel, napapikit sa tuwa si Eliwood.
"Walang duda na matutukoy ko na kung sino ang pumatay kay Lucy Aldwich!" nagulat ang lahat sa narinig nila kay Eliwood. Na-curious sila at nagtanungan kung sino.
Nakita naman ni Inspector Mills ang reaksyon ni Eliwood, "(Ah! Yan ang ngiti ng pagtatagumpay ni Eliwood! Walang dudang na-solve na niya ang kasong ito!)" bulong sa sarili ni Inspector Mills.
Patuloy ni Eliwood, "Ang taong pumatay kay Lucy Aldwich ay walang iba kundi....."
~ to be continued...