Chapter 6: Proof and Conclusion (The Lucy Aldwich Murder Case)

220 11 10
                                    

Sumagot si Eliwood, "May proof ako at masasabi kong ito ang naging greatest miscalculation mo sa pagpatay kay Lucy Aldwich kuya Zach."

Na-curious ang lahat sa narinig nila kay Eliwood.

"Hindi ito kasi inaasahan ni kuya Zach na nakapanlaban pa si Lucy Aldwich habang nasa process of strangulation. Kuya Zach, nakalmot ka niya o nasugatan habang pinapatay mo siya." sabi ni Eliwood.

"Ano ba yan sir, ang lakas talaga ng imahinasyon niyo. Paano mo naman nasabi yun?" namumutla at pangiti-ngiting tanong ni Zach.

"Ang sagot ay nasa kamay ng biktima! Alam kong alam ito ni kuya Zach, kaya nga linagay niya ang kamay ng biktima sa pagitan ng sandwich in a form of a dying message. Pero ang totoo nun, iba ang dahilan kung bakit niya binaon ang kamay ng biktima sa sandwich." sagot ni Eliwood.

"Ano ang dahilan Eliwood? Sabihin mo na, wag mo kami binibitin pa!" ika ni Inspector Mills.

"Ang tunay na hiwaga ng kamay sa pagitan ng sandwich! Kung bakit nakabaon ang kamay sa sandwich ay para mabura ang amoy ng pabango! Mabura ang posibleng ebidensya na magdidiin kay Zach Korver!" sagot ni Eliwood. Nanginig sa kaba si Zach.

"Kung ganun, burado na pala ang posibleng ebidensya. Paano na?" tanong ni Detective Estrada.

"Detective Estrada, ang bilis mo naman mawalan ng pag-asa. There is no such thing as a perfect crime! May isa pang ebidensya na magdidiin kay kuya Zach bilang salarin sa kasong ito. Nabigo niya itong itago sa akin, hindi niyo lang nakikita." sabi ni Eliwood kay Detective Estrada.

"At ano naman iyon Eliwood? Saan?" tanong naman ni Inspector Mills.

"May iiwan akong tanong, sigurado akong makikita niyo rin kahit itinatago niya. Kadalasan, saan ba nilalagay ang perfume?" tanong ni Eliwood sa kanila. Biglang nagtinginan ang lahat sa leeg ni Zach Korver.

"Checkmate! 100% sure na may sugat na nagtatago sa likod ng neckerchief ni kuya Zach." nakangiting pagkakasabi ni Eliwood. Napahawak si Zach Korver sa kanyang leeg.

"Hindi... Ang sugat na ito ay..." natatarantang pagkakasabi ni Zach.

"Ah! So may sugat nga!?" hirit ni Detective Estrada.

"Hindi... pero..." patuloy parin ni Zach na parang nawawala na sa sarili.

"Maaari ba namin makita ang leeg mo ginoong Zach para ma-examine dito ng SOCO kung may sugat na magma-match sa mga kuko ng biktima?" hiling ni Inspector Mills.

"HINDI!!!" sigaw na sagot ni Zach. Ikinatakot ito nina Ms. Sheena at Elena Veyra kaya ni-restraint ng mga pulis si Zach.

"Hindi ako ang dapat sisihin kundi SIYA!!!" nagpupumiglas na sagot ni Zach patungkol kay Lucy Aldwich.

"Niloko NIYA kapatid ko! Pinaniwala niya na magiging sikat na model ang kapatid ko! Hiningan niya ng P100,000 para daw sa mga promotions pero bigla siyang hindi nagpakita! Naubos life savings ng kapatid ko, hindi nakayanan ang sobrang lungkot at nagpakamatay... Karapat-dapat lang siya mamatay!!! Manloloko siya!!!" pasigaw na umiiyak si Zach.

"Ms. Sheena, pinatay ko siya para sayo at sa mga babaeng lolokohin pa niya. Masama na ba akong tao?! Ginawa ko lang ang dapat di ba Ms. Sheena?!" patuloy ni Zach. Napatakip nalang ng bibig si Ms. Sheena sa kanyang narinig at nakayuko lang ang reaksyon ni Eliwood.

"Detective Estrada, ang Miranda Doctrine..." sabi ni Inspector Mills.

"ZACK KORVER, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Lucy Aldwich. May karapatan kang manahimik; Ano man ang sasabihin mo ay maaring gamitin laban sa iyo sa loob ng hukuman; May karapatan kang kumuha at pumili ng sarili mong abogado; Kung hindi mo kayang kumuha ng abogado, ang korte ang kukuha ng abogado para sa iyo." saysay ni Detective Estrada.

Pagkatapos dalhin papalabas ng mga pulis ang salarin na si Zach Korver, pinasalamatan nina Elena Veyra at Bruno Felbs ang mga ka-pulisan lalo na kay Eliwood sa paglutas ng kaso.

Nag-"welcome" naman si Eliwood sa kanila, pagkatapos nito ay sumama din sila sa Police Headquarters upang magbigay naman ng kanilang detalyadong impormasyon sa maging official ang case.

Binati ni Inspector Mills si Eliwood. "Napakahusay ng pinakita mong deductions, Eliwood! Another job well done kahit hindi mo naman official job ito."

"Naku kung hindi dahil sa akin, hindi rin malulutas ang kaso na 'to Inspector. Ako nakarinig sa bulong ni Zach tungkol kay Bruno!" hirit ni Detective Estrada.

"Oo nalang Detective Estrada." sagot ni Inspector Mills.

"Sa ayaw niyo at sa hindi, ako naging susi sa paglutas ng kaso! hahaha!" patuloy ni Detective Estrada habang naglalakad palabas ng condo unit. Napapangiti nalang ang reaksyon nina Eliwood at Ms. Sheena.

"Hayaan niyo nalang siya. Saan na kayo nyan pupunta ngayong case closed na?" tanong ni Inspector Mills.

"Babalik nalang kami sa park ni Eliwood chief, 3pm na. Magkikita ulit kasi kami ng mga estudyante ko doon." sagot naman ni Ms. Sheena.

"Ah sige iha, ingat nalang kayo. Eliwood, ingatan mo magandang teacher mo ha." banat ni Inspector Mills. Natawa nalang si Ms. Sheena. Umuwi narin si Inspector Mills at iniwan sina Eliwood at Ms. Sheena kasama ang mga SOCO.

"Eliwood, may naalala akong isang bagay na gusto kong malaman mo." sabi ni Ms. Sheena.

"Ano po yun mam Sheena?" tanong ni Eliwood.

"Ngayon ko lang na-realize yung sinabi ng manghuhula sa akin... Nagpahula kasi ako last week sa isang magaling na fortune teller sa isang sikat na university. Nung una hindi ako naniwala, ngayong nangyari na, kinilabutan ako. Ang sabi niya sa akin, hindi nga raw ako matutuloy sa pagmo-model dahil may trahedyang mangyayari. Wow... Hindi kaya, ito ang tinutukoy niya?" sabi ni Ms Sheena.

"Isang bagay lang ang alam kong totoo ngayon mam Sheena." sagot ni Eliwood.

"Ano yun?" tanong ni Ms. Sheena.

"Na hindi pa pala tayo nakapag-lunch, nalipasan na tayo ng gutom." sagot ni Eliwood. Natawa si Ms. Sheena.

"Hahaha! Ikaw talaga Eliwood. Tara na nga! Kain tayo, libre kita." hindi na tumanggi si Eliwood dahil sa gutom. Habang naglalakad sila patungo sa kainan, biniro pa ni Ms. Sheena si Eliwood.

"Dahil sa galing at husay na pinakita mo kanina sa pag-solve ng case, papakilala kita sa fortune teller na sinasabi ko. Bagay kaya kayo! Hihihi!" sabi ni Ms. Sheena.

Sumagot lang si Eliwood ng "Mam gutom na po ko."

~ to be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Detective meets Ms. Fortune TellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon