Kabanata 20

70.5K 1.3K 186
                                    

"What if we break up?" I asked Dia, frustratedly. Kahapon ko pa iniisip kung paano ko sasabihin kay Azi yung feelings ko and what will happen to us when I say what I feel? I'm so stressed. Sobrang distracted kona talaga lately.

"You're so nega talaga, Au, can you please stop thinking about the negative things and just focus on the positive side. Kapag naging kayo eh di sasaya kana, mawawala na yung bad vibes sa buhay mo and then you will be truly happy." Dia said. Nahiga ako sa sofa niya at tumulala. Iniisip ko kung ano ba ang kakahantungan namin.

"I have so many what-ifs" I whispered—those what-ifs are the reason why I'm afraid to tell my real feelings.

"Forget your what-ifs, Au. Kahit ngayon lang piliin mo yung sarili mo, kahit ngayon lang maging masaya ka naman, kahit ngayon lang, please!" She rolled her eyes. "For pete's sake, Au! Tell Azi about your feelings"

Nandito kami sa cafeteria sa Kalayaan at nag rereview para sa quiz namin mamaya. Tahimik kami dito kasama ko si Maica, si Tim at Andy. Pare parehas kaming may mga ganap mamayang first subject namin. I opened my cellphone dahil na bored na ako mag review at doon ko nakita ang notif na galing kay Azrael.

azraelardiente: papunta ko diliman ngayon, san ka lods?

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang chat niya one hour ago ng mahigit ang message nayon so it means nandito na sya. Fuck!

"G-guys I have to go, may pupuntahan pa pala ko" Pagpapaalam ko sa mga kasama ko. Nag tinginan silang tatlo saka tumingin saking nakakaloko.

"La salle punta nato pusta ko" Sabi ni Maica.

"Ginagawang kapit bahay ni accla yung talf oh" Sabi ni Andy. Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi nila. What? La salle?

"May boyfriend ka nga sa la salle no?" Pagnunukso ni Tim. Mabilis akong umiling.

"La salle talaga ang nais" Maica teased. I rolled my eyes. They're so annoying. Hindi ko naman gusto ang mga taga La salle

"Ayoko ng La salle" I said. "Mas mahilig ako sa mga taga UST" I almost whispered and smiled. Nagtinginan silang tatlo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"UST? What the pack!" Napasigaw si Andy. 

"UST ba yung boy sa bar?" Tanong ni Maica. Kinwento kasi ni Andy mga pinag gagawa ko bago ako umalis. Inis na inis ako sa sarili ko kung bakit ko ginawa 'yon! 

"Mahilig sa mga tigre si Madam" sabi ni Tim at natatawa. 

"Mas gusto ko talaga ang mga taga Ust na engineering" I joked. Natawa ko sa mga reaction nila parang nagulat sa sinabi ko.

"UST ba talaga o baka gemabel ka lang?" Maica asked.

"UST nga" Ulit ko. "Mas gusto ko ang mga uste" 

azraelardiente: Pauuwi na ako, lods. Hinanap kita di kita makita haha. May kinuha lang pala si Xavier sa pinsan niya dito nagpasama sa'kin kundi mo na itataning pero pauwi na kami.

autumreign: Ingat.

Sayang akala ko pa naman makikita ko uli. Joke

Natapos ang quiz namin sa first subject sa Politics  kaya wala na akong gagawin. Kanina ko pa iniisip kung aamin na ba ako kay Azrael? Gusto ko nang sabihin sakanya ang nararamdaman ko para wala nang bumabagabag sa'kin. Tama! Aamin na'ko. Bahala na.

autumnreign: Ice cream? 

Bahala na kung ano'ng mangyari, ang mahalaga masasabi kona ang nararamdaman ko. He's been waiting for me since day 1 ayoko namang isipin niya na naghintay siya sa wala. I want to tell him about my real feelings, sasabihin ko na rin ang nangyari sa'kin dati kasi nabanggit sa'kin ni Azrael na hanggang ngayon daw sinisisi pa niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa'kin dati.

Leaves of Tomorrow (Galvez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon