Azrael Peter Ardiente is with UPD Secret files
'Di bale nang hindi makapasa sa UPCAT basta pasado ko sa taga UP
Hi, Ms. Polscie 😚
😆❤️ Cloud Reigan, Seven Ortiz and 188 others
I closed my eyes after reading Azrael's Facebook post. Is he really serious about this? Obviously, he's talking about me. Sino pa ba? Hindi ako assuming pero napaka obvious niya. Gusto pa rin ba niya ako? Or this is some sort of a joke? Kung joke 'to hindi nakakatuwa.
I breathe out after I saw that my twin brother was calling me. Isa pa 'tong lalaki na 'to. They're so annoying !
[Twin Sis, I forgot to give you the finance document, kuhanin mo dito, busy ako. Kailangan na raw ni Lola] Napapikit ako sa sinabi ng kapatid ko. What the hell? Napakalayo ng UST! Tsaka coding ako ngayon, wala akong sasakyan na gagamitin.
"I can't, coding ako" Sagot ko.
"Mag commute kana, dalian mo, nagagalit na si Lola" Pinatay n'ya ang tawag. Shit ka talaga Reigan. I'm going to puch you on your fucking face. May klase pa naman ako mayayang 3 p.m. Nakakainis.
Tumayo na'ko at nagbihis. Nagbihis na'ko ng maayos na damit para pag bumalik ako ay papasok nako sa school. Bakit kasi may night class pa, nakakatamad tuloy pumasok lalo na minor subject lang naman 'yon.
I'm now wearing my pink polo shirt and fitted maong jeans. Nag white sneakers lang ako. I bun my curly hair. Nag-iwan ako ng curtain bangs. Maayos pa ang itsura ko ngayon. Hindi ko nalang alam kung paano na mamaya. Ang hirap pa naman mag commute.
Dati hindi ko talaga alam mag commute nito lang ako natuto dahil sa mga kasama ko. Ngayon poproblemahin ko nalang ay kung ilang jeep ang sasakyan ko bago ako makarating ng España. Naglakad ako papuntang up town center at dun ako sumakay.
Napakadami kong pinagdaanan bago ako nakarating sa Legarda. Nagtrycicle ako papuntang UST. Nararamdaman ko ang pawis sa katawan ko. I'm so haggard na! Nakakainis. What if makita ko siya rito? Tapos ganito ang itsura ko?
Tinignan ko ang relo ko at nakitang 12 pm na pala. Kaya pala nagugutom na 'ko. Grabe naman kasi ang nilakbay ko. Feeling ko ba maghapon akong bumyahe dahil sa pagod. Nakakainis talaga ang kapatid kong 'to. I'm going to kill him.
"Au!" Papasok palang ako sa building nang may tumawag na sakin. Lumingon ako sa likod at nakita ko sya- Fuck! Umiwas agad ako ng tingin. Yung itsura ko? I tried to fix my hair using my hand. Shocks! Ano'ng itsura ko ngayon? Feeling ko ang dumi dumi ko. "'Eto yung pinabibigay ni Ulap. Nasa practice na kasi sya" Naramdaman ko ang paglapit nya sakin.
Kinuha ko yung folder ng hindi siya tinitignan. Kinakabahan ako at I got concious about my looks. Ano'ng amoy ko ngayon? Feeling ko amoy araw na ako at amoy pollution ako sa dami ng pinagdaanan ko. Nakakahiya.
Akmang aalis na ako nang maramdaman kong nakasunod parin siya sa'kin. Luh? What is his problem ba?
"Tara kain?" Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako sa ibang direction. Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Get your hands off me, Ardiente!" I slightly yelled. Kita ko ang pag ngiti niya.
"Kain tayo, mukhang ang layo ng binyahe mo, e," sabi nya. Marahan akong napalunok. "'Wag ka nang magsungit baka..."
"Baka?" I asked.
"Wala HAHA" Tumatawa niyang sabi. Napakunot ang noo ko. Siraulo naman ang lalaking 'to.
Pumasok kami sa isang unli wings restaurant. Dito lang malapit. Hindi ko alam bakit ako pumayag na sumama sa lalaking 'to? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Leaves of Tomorrow (Galvez Series #2)
RomantizmGalvez series #2 (Completed) Autumn had a difficult time growing up due to the constant bullying she faced because of her appearance, personality, and uniqueness. She often felt isolated and alone, wondering why she couldn't fit in with her sibling...