Kabanata 17

65.1K 1.2K 151
                                    

Nag ready ako ngayon para pumasok sa school. Chinecheck ko ang mga gamit ko kung maayos naba o kung wala ba 'kong nakalimutan. I looked at the mirror for a second. Chineck ko ang outfit ko kung maayos ba.

I'm wearing wide-leg pants and a white polo shirt. Gano'n ang mga usual outfit ko tuwing pumapasok ako sa school. Katulad ni Mommy hindi ako mahilig sa mga revealing clothes. I'm not againts naman sa ganoong pananamit, it's just that, it's not for me at hindi ko alam kung babagay ba.

Lalabas na sana ako nang maka received ako ng notification. Humawak ako sa doorknob habang tinitignan ko kung sino ang nag chat. Natigilan ako nang makita ang pangalan ni Azrael.

azraelardiente: Good morning, Goldie

azraelardiente: Ano'ng oras tapos ng klase mo? 

Napakunot ang noo ko after mabasa ng chat n'ya. Don't tell me pupunta na naman s'ya dito? Akala koba ayaw n'yang pinapagod ang xmax n'ya? Yun kasi ang sabi ni Seven sa'kin no'n na ayaw ni Azi na tinatakbo ng malayo ang paborito n'yang xmax. 

autumnreign: IDK 

Reply ko. Hindi ko rin naman talaga alam dahil baka may meeting pa 'ko mamaya. Nagreply din naman s'ya agad. Lumabas na'ko habang binabasa ang chat n'ya.

azraelardiente: Anong IDK?

azraelardiente: I love you too 

azraelardiente: Sweet mo naman, Mahal

 Napakunot ang noo ko nang mabasa iyon. What the hell? Hindi ba s'ya marunong umintindi ng ganoong word? 

autumnreign: IDK means I don't know.

 Lumakad nalang ako papunta sa campus dahil walking distance lang naman ang condo ko sa school kaso nga lang ay napakalayo pa nang building namin. Tumunog ang cellphone ko habang naglalakad, nakita kong nag chat nanaman si Azi.

azraelardiente: Ah, asaan kana? School kana?

Mga ilang minutong lakaran saka ako nakarating sa building namin. Pagpasok ko sa room ay wala pa namang teacher, tumabi ako kay Maica. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nakita ko ang maraming chat ni Azi. 

azraelardiente: Pasok na'ko may klase pa'ko e

azraelardiente: Wala bang ingat dyan?

azraelardiente: Ingat ako ganon?

azraelardiente: Ingat ka azrael mamahalin pa kita at papakasalan pa kita.

azraelardiente: Wala talaga?

azraelardiente: Sure na to?

azraelardiente: Sige na nga. Alis nako kahit dimo sinasabi na ingat ako. Pag-naaksidente ako, kasalanan mo.

Kinagat ko ang labi ko para pigilang matawa sa mga chat n'ya. Napapailing nalang ako sa mga kagaguhan ng lalaking 'to. 

"Kinikilig si Au, sino ka chat mo? Yung taga La Salle, hano?" Mabilis kong tinago ang cell phone ko nang magsalita si Maica. La salle? What?

"What are you talking about?" I asked irritatedly. Dati pa sila puro La salle, paulit ulit kong sinasabi na bestfriend ko nga ang pinupuntahan ko do'n.

"Uhuy, deny pa e, sige na hindi na'ko magtatanong" Binalik n'ya ang tingin sa cellphone n'ya ako naman ay napapailing nalang. Tinignan ko uli ang cellphone ko at nireplyan si Azrael.

autumnreign: Pa check up kana po. Malala kana.

Tinago ko ang cellphone ko at nilabas ko ang libro ko.

Leaves of Tomorrow (Galvez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon