Kabanata 21

77.1K 1.2K 94
                                    

[September 29 monthsary natin, wag mong kalimutan, Mahal] Papasok ako ngayon sa school at kanina kopa katawagan si Azi, s'ya rin ang gumising sa'kin at nag pa deliver pa siya ng breakfast ko. Ang aga-aga ko tuloy na nakangiti.

"Yes, I know Mr. Ardiente" I smiled. Nag park ako sa parking space saka ako lumabas ng sasakyan bitbit ang mga gamit ko. "Pasok na po ako sa room" Paalam ko.

[Ingat ka, Mahal] I smiled unconsciously after I heard what Azrael said. Feeling ko ba ay ang pula ko na. This feeling is very new, hindi ako sanay.

"Y-yes, you too" Sumandal muna ako sa sasakyan ko. I bit my lips trying to hold my emotion. 

[Punta ko diyan mamaya ah, may gagawin kaba? Busy kaba?] He asked. Inisip ko muna kung mag schedule ako at naalala ko na meron akong meeting sa isang org na sinalihan ko.

"Wala naman," Hindi na muna ako aattend dahil baka hindi naman ganoon ka importante yon. 

[Sige, pasok kana baka ma late kapa,] He said. 

"S-sige" Hindi ko alam kung ibababa ko na ba ang tawag o may susunod pa siyang sasabihin? May hinihintay akong dapat na sabihin niya pero hindi ko alam kung ano, kaya hindi ko maibaba-baba ang tawag.

 "Az..." I called him.

[Mahal kita, Au] Nanlaki ang mata ko sa kanyang sagot. My heart beat so fast. Hindi ko alam pero there's part of me na masaya sa sinabi nya. Eto ba yung hinihintay ko? [Wag mong kakalimutan na mahal kita]

"G-Gaano mo 'ko kamahal?" I asked out of nowhere. Hindi ko alam kung bakit 'yon lumabas sa bibig ko pero parang gustong gusto ko syang sabihin... Rinig ko ang pag ngisi niya sa kabilang linya. Shocks nakakahiya!

"Gusto mong malaman kung gaano kita kamahal?" He asked. Sasagot na sana ko at babawiin ko ang sinabi kaso ay nag salita uli sya. "I'll do everything for you, susundin ko lahat ng gusto mo at hindi kita sasaktan... Ganon kita kamahal"

Sinubukan kong makinig sa klase pero lumilipad talaga ang utak ko. Hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Azi kanina. He'll do anything for me. Nakakakilig pakinggan pero deep inside nag woworry ako. I know what Azi did after the bullying incident. Nag quit siya sa basketball at yuon ang ayokong gawin niya uli ngayon. Ang isuko ang pangarap niya o ang mga gusto niyang gawin para sa akin. 

"So kayo na nga ni Aziraulo?" Tanong ni Dia sa kabilang line. Magka video call kami ngayon at nandito ako sa cafeteria namin. Onti lang tao ngayon dito dahil hindi pa naman lunch break, maaga lang ang tapos ng klase ko ngayong umaga.

"Y-yes" Nahihiya kong sagot. Napatakip ako ng tenga at napapikit nang sumigaw ng malakas si Dia. "Lower your voice, Dia!" I irritatedly said.

"O M G! Finally after more more than ten years of waiting!" Masayang masaya si Dia. I can't help but to smile, too. Oo nga, 'no? After so many years. 'Eto na kami.

"Hindi rin ako makapaniwala."

"Autumn girl! You deserve to be happy, you deserve so much more. Azi is so perfect for you." Napapapalakpak pa siya. "You two are so cute, I'm so kilig tuloy!"

Natapos ang klase at nandito ako ngayon palabas ng building namin. Hindi na muna ako aattend sa meeting dahil aalis nga kami ni Azi pero bago pa ako makalabas ay nakasalubong ko yung president ng org namin na si Andrea. Shocks!

"Autumn, tara na mag start na ang meeting" Hinawakan niya ang kamay ko. "Aalis kaba?" She asked. Mabilis akong umiling.

"A-akala ko 'di pa ngayon 'yung meeting," Pagdadahilan ko.

"Sige, complete na sila doon, tayo nalang hinihintay," Andrea said. Palihim akong umirap. Nakakainis!

Dali dali kong tinext si Azi na malate ako ng konti dahil may meeting sa org. Umupo ako sa isang tabi. Hindi na ako mapakali dahil nandito na si Azi. Nakakahiya naman kung hihintayin niya ako ng sobrang tagal.

Leaves of Tomorrow (Galvez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon