chapter 22

37 3 0
                                    

Chapter 22

ININOM ni Kateliane ang coffee mocha na nasa cup niya habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harap niya.

"Stay away from him" Mababa at madiin na sabi ng babae sa harap niya.

"Bakit?" Baliwang sabi niya. Wala siyang makitang rason kung bakit kailangan niyang iwanan si Joshua. Tumawa ng mapakla ang babae at sinamaan siya ng tingin.

"Sa tingin mo ba talaga, nararapat ka para kay Zaynn?" Natawa si Kateliane. Habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harap niya. Maxine

"Wala kanang dapat pakialaman kong ano man ang meron sa amin ni Joshua. Makakaalis kana, ginugulo mo ang trabaho ko" akmang tatayo siya ng magsalita si Maxine.

"I know your secret, sa tingin mo ba matutuwa ang Daddy ni Zaynn kapag nalaman nila kong anong klaseng babae ang kinababaliwan niya!?" Agad na nilingon niya si Maxine at tinitigan ito ng masama."Sa tingin mo anong mararamdaman ni Zaynn kapag nalaman niya" yumukom ang kamao niya at nagtangis ang bagang niya.

"Akala ko ba hindi kana makikialam sa aming dalawa? Bakit ngayon nandito kana naman at gumagawa ng eksena?" Pigil ang galit na sabi ni Kateliane. Nakikita niya sa gilid ang kaibigan niya at nakikinig sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"I change my mind, akala ko kasi matinong babae ang kinababaliwan ni Zaynn. Pero, nagkamali ako. Isa palang manloloko at walang kwenta--" Natulala si Kateliane ng dumapo ang kamay ng kaibigan niya sa mukha ni Maxine na hindi makapaniwalang nakatingin sa kaibigan niya na si Xiamara.

"Wag na wag mong pagsalitaan ng masa ang kaibigan mo! Kung ayaw mong burahin ko yang bibig mo!" Hinawakan niya ang braso ni Xiamara at pinigilan ito.

"Wow! Nakakatuwa naman, matapang ang kaibigan mo. Alam niya ba lahat? Alam nya ba ang ginagawa mo sa Australia? For sure may alam ang babaeng to. Pero, kung hindi naman ay ako ang magsasabi sa kanya--"

"Maxine! Wag mong idadamay ang kaibigan mo" parang maiiyak nang sabi ni Kateliane. Hindi pa siya ganda sabihin sa kaibigan ang mga bagay na matagal niyang tinatago.

"I see, wala pala siyang alam. Kung ayaw kong sabihin ko sa lahat ang nalalaman ko. Layuan mo si Zaynn" Tumayo si Maxine at umalis sa coffee shop nila. Nakatulala naman siya at naupo sa upuan.

"Ano ba yun? Anong pinagsasabi ng babaeng yun besty?" Umiling siya, hindi niya alam kong anong gagawin niya. Sumisikip ang puso niya at hindi makatingin sa kaibigan.

"W-wala yun, nanggugulo lang siya" Tinitigan siya ng kaibigan at hindi na muling nagsalita pa. Alam niyang gustong magtanong ni Xiamara pero mas pinili nitong manahimik nalang.

Bumalik siya sa trabaho na lutang kaya naman nagpunta nalang siya opisina at magmukmok don hanggang magsara ang coffee shop nila.

Pumasok ang kaibigan niya. Alam niyang maraming tanong sa isip nito na gusto masagot kaya lang hindi pa yata siya handa na pag-usapan kong ano man ang mga bagay na akala niya ay nabaon na three years ago. Pero hanggang ngayon ay hinabol parin siya ng mga maling desisyon niya sa buhay.

Pinagsisisihan niya ng maulit-ulit ang mga bagay na yun. Paulit-ulit na halos mabaliw na siya sa kakaisip.

"Kung ano man yun. Alam ko na nahihirapan ka ngayon. Hindi ako magtatanong ng kahit ano. Dahil may tiwala ako sa'yo. Alam ko na hindi ka gagawa ng mga bagay na ikasisira mo, diba?" Naluluha niyang tinignan ang kaibigan.

"Natatakot ako besty, baka ano ang magiging tingin mo sa'kin kapag nalaman mo ang ginawa ko" Nagsisimula na siyang umiyak. Hindi niya kakayanin ang magiging sama ang tingin sa kanya ng kaibigan.

"Ako ang magdedesisyon kong ano ang magiging tingin ko sa'yo hindi ikaw, ano man ginawa mo don sa Australia alam ko na naging mahirap sa'yo lahat. Hindi ikaw ang tipo ng tao na gagawa ng mga bagay na ikasasama mo. Alam ko na may dahilan kaya mo nagawa kong ano man ang nagawa mo" Mas lalo siyang naiyak dahil sinabi sa kaibigan. Kinagat niya ang labi at umiyak.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon