Chapter 15
NAKATUNGANGA si Kateliane at nakalagay ang mga kamay sa mukha niya at nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Pareho sila ng pwesto ni Xiamara at nakatingin sa isa't-isa.
Bakit kaya pareho sila may problema sa lovelife? Talaga sigurong magkaibigan silang dalawa. Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ng kaibigan niya.
Maging siya rin ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi na niya alam kung tama ba ang ginagawa niya sa buhay ngayon lang siya problemado ng ganito. At halos sasabog na ang ulo niya sa kakaisip sa iisang tao lang.
Nakakabaliw pala ang ganoong pakiramdam, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang tao. 'yong pakiramdam na hindi niya mapigilan ang sarili.
Bigla nalang siyang pinitik sa noo ng kaibigan. Kaya nag-angat siya ng tingin at sinamaan ng tingin ang kaibigan. Pero, nakaturo ang nguso nito sa kung saan kaya sinundan niya ito at nakitang nakatayo si Joshua sa likod niya.
"Hi!" Nandito na pala ang kanina lang ay nasa isip niya. Sandali niya itong tingnan at hindi ito nakasuit kaya sa tantiya niya ay hindi ito papasok sa trabaho.
"Hindi ka papasok?" Agad itong umiling si Joshua. Nagawi ang mata niya sa nakangiti nitong mga labi. Nag-iwas siya ng tingin.
"Hindi man lang yata ako napansin? Makaalis na nga!" Pareho silang dalawa napasunod ang tingin sa kaibigan na umalis nalang basta. Alam naman niyang nagbibiro lang si Xiamara.
Si Joshua naman ang pumalit sa pwesto ni Xiamara kanina at pinatong ang dalawang braso sa mesa at tinitigan si Kateliane. Nagniningning ang mga mata nito na para bang ano mang oras ay may lalabas ng puso sa mga mata nito dahil sa mga titig nito.
Na hindi naman matagalan ni Kateliane kaya nagbaba siya ng tingin. Naguguluhan na siya sa sarili dahil dati naman ay hindi siya takot makipagsukatan ng tingin sa mga tao. Pero, ngayon ay hindi niya matagalan ang titig ni Joshua. Para siyang natutunaw na yelo at sa palagay pa niya ay namumula ang mukha niya. Gusto niyang sawayin ang sarili dahil sa nararamdaman niya. At kailangan pa siyang natutong maging ganito sa isang lalaki?
Kinuha ni Joshua ang kamay na nasa mesa at pinagsilop ang mga yun kaya nabalik ang tingin niya dito.
Pinaglalaruan nito ang mga daliri niya at nakatingin ito sa kamay niya.
"I hope I can hold your hands like this."
"Nakahalik ka na nga eh. Ano pang pinagsasabi mo dyan?" Nag-angat ng tingin si Joshua sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng tumayo at basta nalang siya hinila at hinalikan siya sa labi. Napahigpit nalang ang kapit siya sa damit ni Joshua.
Nakahawak si Joshua sa mukha niya at banayad na hinahaplos ang mukha niya. Naitulak niya si Joshua ng tumunog ang bell sinyales na may pumasok sa coffee shop nila.
Pero, agad na hinuli ni Joshua ang kamay niya at hindi ito binitawan ang kamay niya. Kaya agad na nagbalik ang tingin niya kay Joshua at tinignan ang mukha nito. Nakatingin din ito sa kanya.
"Kate..." Nanlaki ang mata ni Kateliane ng marinig ang pamilyar na boses na yun. Lilingon na sana siya ng hilahin ni Joshua ang kamay niya. At dahan-dahang umiling.
Pero hindi siya nagpatinag at lumingon parin na sana ay hindi nalang niya ginawa.
Nakatayo ang lalaking matagal na niyang iniiwasan sa harap niya at madilim ang mukha habang nakatingin sa kamay nilang dalawa ni Joshua.
"What are you doing here?" Si Joshua ang nagsalita. Tumayo ito at tinago si Kateliane sa likod nito. Nalilito man si Kateliane ay wala siyang nagawa dahil nanlalamig ang kamay niya hindi siya makakilos.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet(Completed)
RandomLove knows no boundaries,no faults no mistakes. Love conquers, love understood.