Chapter 18

56 3 0
                                    


Chapter 18

HINDI mawala sa labi ni Kateliane ang ngiti ng masalubong niya ang nakangiting mukha nito. Hawak nito ang kamay niya habang nagmamaneho. Ito ang unang araw ng date nilang dalawa. Kagagaling lang niya sa trabaho sinundo siya ni Joshua dahil gusto nito ng date. Nakahawak ang isang kamay nito sa manubela, habang ang isang kamay ay hawak ang kamay niya at panay ang halik dito.

"I love you, baby" Wala siyang nagawa kong di ang pigilan ang ngiti, dahil kanina pa sinasabi ni Joshua ang mga salitang sinasabi nito ngayon.
P

"Mag maneho ka nalang ng maayos dyan." Inagaw niya ang kamay at medyo binuksan ang bintana ng sasakyan para ilabas ang kamay niya at langhapin ang sariwang hangin. Hindi niya alam kung saan balak pumunta ni Joshua, nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Pero, hinayaan lang niya itong dalhin siya saan man nito gusto.

Nang ibaling niya ang paningin kay Joshua. Nakapatong ang siko isang siko nito sa nakabukas na bintana at pinaglalaruan ang labi ng daliri ang samang kamay naman ay nasa manubela ay tinatapik tapik kasabay ng kanta. Bumaba ang paningin niya sa normal na mapula nitong labi. Napalunok siya ng hindi sinasadya na nakagat nito ang daliri ang sexy niyang tingnan napalunok siya ng inosente itong tumingin sa kanya at nagtama ang mata nilang dalawa.

Halos napasinghap siya ng kumindat ito sa kanya. Pero, hindi niya mapaniwalaan kong anong naging epekto ng lalaking ito sa kanya.

"What?" Nagsalubong ang kilay nito, at pagkatapos ay lumabas ang mapaglarong ngisi sa mga labi nito." You're checking me out? Hmm?" Hindi niya inalis ang paningin kay Joshua. Ito naman ay panay ang tingin sa daan.

"Ang sexy kasi ng labi mo" Basta nalang napahinto si Joshua ng sabihin niya 'yun. Umawang ang labi niya at napalingon sa paligid dahil sa pagtigil nito sa gilid ng daan. Mabuti nalang at wala naman masyadong dumadaan." Ano ka ba!? Wag ka nga basta-basta tumigil baka mabangga tayo!" Pinalo niya ito sa braso, pero seryoso parin itong nakatitig sa kanya kaya napalunok nalang siya ng malalim.

"What did you just say?" Umawang ulit ang labi niya dahil hindi niya inakala na gagawin ni Joshua na huminto agad dahil sa may nasabi siya.

"Na sexy ang labi mo?" Unintentionally she bite her lips. Habang nakatingin kay Joshua.

"Please, don't do that. Baka ikamatay ko 'yun eh" sinimangutan niya lang ito. Kinalas niya ang seatbelt at ninakawan ito ng mabilis na halik sa labi. Hawak parin niya ang mukha ni Joshua ng hawakan nito ang bewang niya upang pigilan siya sa pagbalik sa kinauupuan." Ngayon nagnanakaw kana ng kiss? Ito na talaga to--" hinalikan niya ulit sa labi si Joshua.isang mabilis na halik na naman sana ang gagawin niya pero, hinawakan ni Joshua ang batok niya at diniinan siya sa mga labi nito. At ito na ang nagtuloy ng halik nilang dalawa.

Ramdam niya ang lambot ng labi ni Joshua. Kinarga siya ni Joshua at naupo siya sa kandungan nito. Nahihirapan sila sa pwesto pero hindi naputol ang halik na ginagawad nila sa isa't isa.

Nang putulin ni Joshua ang halik ay nakapikit siyang pinatong ang noo sa dibdib nito. Medyo inilayo niya ang sarili pinakatitigan si Joshua. Nakapikit ito na para bang ninanamnam ang mga sandali. Hinalikan niya ang ilong ni Joshua at dinampian ng halik ang labi ni Joshua. Hindi niya alam kung kailan lumalim ang pagtingin niya sa lalaking ito. Pagkatapos niyang halikan ito ay pinatong niya ang noo sa noo nito.

"I love you, baby. Thank you for coming into my life. Alam kung hindi maganda ang naging simula natin dalawa. But, I promise. I will love you as long as you love me" niyakap ni Joshua si Kateliane. Pinapangako niya sa sarili na hindi na pipigilan ang sarili niya. Ngayon gagawin na niya kung ano man ang laman ng puso  niya.

"I don't know what to say baby. It feels like a dream to me. You're a dream come true. I love you, And I hope you know that I can do everything for you" Hinaplos ni Joshua ang mukha niya" mahal na mahal kita Kateliane, sobra sobra" nilagay ni Kateliane ang kamay sa mukha ni Joshua at Pinakatitigan ang gwapong mukha nito.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon