Chapter 11

69 4 0
                                    


Chapter 11

The most annoying human in the world who was smiling like nonstop.

"Haist! Will you stop that?!" Mas lumawak pa ang magaang ngiti ni Joshua ng sigawan niya ito kaya agad niyang kinuha ang alak na nasa kamay inisang lagok yun, napangiwi siya ng gumuhit sa lalamunan niya ang mapait na lasa ng alak.

She was drinking alone in the bar but this annoying kangaroo right next to her. Was making her night worst.

"Bakit ka ba kasi umiinom dito?" Hinarap niya ito at tinitigan. He looks serious, gone the annoying smile. Hawak nito ang baso at nakapatong ang isang braso sa counter at Nakatingin sa kanya.

"Saan ba dapat uminom?" Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Joshua.

"Alam mo ikaw, palagi ko nalang akong binabara. Siguro may gusto kana sa'kin--"

"Oo..." Tinitignan niya sa mata si Joshua. Bakas sa mukha ang pagkabigla nito dahil sa biglaan niyang pag-amin. Hindi niya alam kung saan nagmula ang lakas ng loob na sabihin kay Joshua ang totoo. Marahil dahil lang ito sa iniinom niya na alak at maari niyang pagsisihan ang mga sinabi kinabukasan.

"T-totoo?... Hmmm?" Hinawakan ni Joshua ang batok at akmang tatayo pero hindi nito tinuloy at napakamot nalang ito sa batok.

Bumaling ang atensyon ni Kateliane sa baso na nasa harap niya. Hindi niya akalain na masasabi niya yun sa harap mismo ni Joshua. Marahil nababaliw na nga siya at nawawala siya sa sarili.

"Is it for real?" Halos mahulog siya sa inuupuan ng bigla na lamang umalis si Joshua sa upuan nito at lumapit sa kanya. Mabuti nalang at agad siya nitong nahawakan at napigilan ang pagka hulog sana niya sa inuupuan.

"Alam mo ang kulit mo talaga! Umamin na nga ako diba? Tapos ganyan kapa? Sana hindi nalang ako umamin. Hindi rin naman pwede" Nataranta si Joshua sa sinabi niya at hinawakan nito ang dalawang braso niya at sapilitang hinarap sa kanya.

"No, no, no wait. Nakakawala kasi ng bait ang sinasabi mo sa akin. I need time to process--"

"Baka nagkamali lang din ako, baka kaya ko nasabi ang mga bagay na yun' kasi lasing lang siguro ako---" Napahawak nalang siya sa dibdib ni Joshua at mahina itong hinawakan ng halikan siya ni Joshua. Mabilis lang din naman itong nangyari dahil mabilis na bumitaw si Joshua. Kahit sa dilim ng pwesto kung saan sila nakaupo ay kita parin niya mukha ni Joshua ang pagkalito at napahilot ng sentido.

"Ahm--" For the first time in her life. Gusto naman niyang masunod kung ano man ang gusto niya. Kaya hinila niya si Joshua sa isang malalim na halik.

No words, just kiss. No hesitations, No doubts. Siya lang din ang bumitaw at umiwas ng tingin. Pero, binalik din agad ang tingin kay Joshua at hinila ito palabas ng bar.

"Where's your car?" May isang sasakyan na tumunog malamang ay binuksan ni Joshua dahil sila lang naman ang nasa labas. Lumapit siya sa sasakyan na hindi parin binibitawan ang kamay ni Joshua. Nang nasa harap na sila ng sasakyan ay hinarap niya si Joshua.

"Do you want me?" Sabi ni Kateliane. Walang emosyon na mababakas sa mukha ni Joshua at nakatitig lang ito sa kanya. Bakas ang nasa isip nito ay nababaliw na siya dahil nagtatanong siya ng ganito sa lalaking. Buong-buo niyang tinatanggihan ang mga pinapakita nito sa kanya.

"Yes, I want you. Kate..." Wala sa sariling sabi ni Joshua na hindi man lang kumukurap hinila niya ang batok ni Joshua at hinalikan ito sa labi. Mariin at walang pag-aalinlangan na ginawa yun ni Kate na hindi naman tinanggihan ni Joshua. Buong-buo nitong tinatanggap ang ginagawa niya. Hanggang si Kateliane na ang bumitaw at sumandal sa dibdib ni Joshua.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon