WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS MATURED SCENESChapter 38
PAREHO silang nakatingin kay Mama Leslie at naging masama ang tingin ni Joshua sa ina dahil ang sinasabi nito ay may sakit daw ito. Pero, nagpunta nila sa bahay ay wala naman itong sakit at nag-bake pa nga ng cookies.
"Mom? What is this all about? " Bumuntong hinga siya ng samaan siya ng tingin ng Ina.
"What? Kung hindi ko pa sinabi na may sakit ako hindi kayo dadalaw dito dalawa!" Tinignan niya si Kateliane at natatawang nagbaba lang ito ng tingin.
"Mom, alam nyo naman na busy po kasi tsaka dumalaw naman kami sa'yo last month--"
"Last month pa 'yun! Sobrang tagal na" Hindi niya iwasang matawa dahil sa sinabi ng Ina. Mula ng maging maayos ang loob nila ng Ama ay palaging pinapapunta nalang sila nito sa bahay.
"Hindi ka naman ganyan dati ah?" Sabi niya na kinasama ng tingin na naman ng mommy Leslie niya.
"Ah! Nagtatampo na talaga ako sa'yo!" Pinag-cross nito ang mga braso sa dibdib. Lumapit siya sa ina at niyakap nito.
"Ang mommy ko talaga sobrang matampuhin! Alam mo ba nakakabawas ng ganda ang pagiging masungit mommy--"
"Kahit magsungit ako buong buhay ko. Walang mawawala na ganda sa'kin!" Tinignan nito si Kateliane."Bigyan nyo nalang ako ng apo para hindi ko na kayo abalahin" Napatingin siya kay Kateliane na nagbaba agad ng tingin ng magsalubong ang tingin nila.
"Mom, hindi pa kami handa para roon" kinamot niya ang ulo dahil alam niyang hindi magandang marinig 'yun ni Kateliane. Kahit kailan ay hindi na nila pinag-uusapan ang pagkakaroon ng anak muna sa ngayon.
"What? So ano ang plano nyo? Bakit hindi na kayo magpakasal?" Hindi siya nakapagsalita. Handa siya sa lahat pakasalan si Kateliane sa lahat ng simbahan sa buong mundo kong papayag itong magkaroon ng pamilya kasama siya.
Pero, alam niyang hindi pa ito handa sa lahat ng mga ganoong usapin.
"Dadating kami ron, pero sa ngayon ay hindi pa kami handa Mom..." nagpapalit palit ang tingin sa kanila ng Mommy niya.
"Ano pa ba ang hinihintay n'yo? Kasal na nga lang ang kulang sa inyong dalawa. Halos hindi na nga kayo malayo sa isa't isa eh" Bumuntong hinga ang ina niya. Nag-aalangan siyang tumingin ulit kay Kateliane. Nakababa ang mga tingin nito. Gusto niyang lapitan si Kateliane kaya lang alam niyang mapapahiya ito kapag ginawa niya 'yun. Alam niyang sobrang sensitive na tapik yun para kay Kateliane at ayaw niyang mag-isip na naman ito ng kung ano-ano.
"Mom, wala kaming balak magmadali. Let's not talk about this okay?" Gusto na niyang tapusin ang usapan dahil alam niyang naiilang na si Kateliane.
Tinignan siya ng ina at alam niyang may kung anong hinala itong na bubuo sa utak. At wala siyang balak magpaliwanag ngayon sa harap ni Kateliane. Nakita niyang umirap sa kanya ang ina.
"Fine, nagpapahinga na rin ako sumasakit ang ulo ko. Maiwan ko na kayo" agad na umalis ang ina niya. Bumalik siya sa tabi ng girlfriend.
"Baby..." Nakita niyang kumagat ito sa labi na parang pinipigilan ang pag-iyak.
"U-umuwi na tayo? Gusto ko nang magpahinga"
TAHIMIK silang dalawa ni Kateliane habang bumabiyahe papunta sa bahay niya. Hindi niya alam ang sasabihin. Dahil na rin sa pananahimik ni Kateliane.
Parang malalim ang iniisip nito at hindi niya makausap ng maayos. Hanggang sa dumating sila sa bahay niya. Agad itong lumabas ng sasakyan pagkatapos niyang maiparada ito.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet(Completed)
RandomLove knows no boundaries,no faults no mistakes. Love conquers, love understood.