Epilogue
EACH story has it's ending. Pero, hindi matatapos ang pagmamahalan ng dalawang bida. Hindi man maisulat sa libro. Pero, magpapatuloy habang buhay.
Ang kasal ay nagbibigay ng panibagong yugto na mas mahirap at mas pagtitibayin ang ano mang pinagsamahan ng bawat tao.
Habang tanaw ni Joshua ang magiging asawa sa may pinto ng simbahan. Sobrang ganda nito sa suot na puting gown.
Nagsalubong ang mata nilang dalawa at halos hindi siya makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
Nandito lahat ng tao na mahalaga sa kanila. Ang mga magulang niya at magulang ni Kateliane at mas lalong naging masaya ng pumunta ang ina ni Kateliane. Ang mga kaibigan niya at ang kuya niya na naging best man sa kasal niya.
Tinapik ng kuya niya ang balikat niya.
"Parang gusto ko tumutol sa kasal ah?" Hindi niya pinansin ang biro ng kapatid dahil hindi niya maalis ang mata sa magiging asawa.
"Magiging asawa ko na siya. Hindi ako makapaniwala" Muling tinapik ni Jin ang balikat niya.
"I'm happy for you, brother" Tumango siya ng hindi parin inaalis ang mata sa mapapangasawa.
Ang lahat ng masasayang alaala ay nagbabalik sa kanya ngayong araw. Mahal na mahal niya ang babaeng ito.
Napangiti siya ng magsimulang maglakad si Kateliane papunta sa kanya. Pinagiliran siya ng luha sa mata. Wala na siyang ibang nakikita kong di ang babaeng ito di ang taong mahal niya na papunta sa direksyon niya ang bawat hakbang nito ay nagpapalakas ng tibok ng puso niya. Hanggang nasa harap niya si Kateliane kasama ang mga magulang nito. Nagmano siya sa mga magulang nito at nagpasalamat. Nanginginig pa ang kamay niya ng hawakan niya ang kamay ni Kateliane.
At inaalalayan itong maupo sa upuan. Habang pinapakinggan ang pare sa mga sermon ng pare.
Hinawakan niyang kamay ni Kateliane at pinisil 'yun. Naaalala pa niyang ang unang pagpapakita niya kay Kateliane. Ang kilay nitong tumataas agad kapag hindi nagustuhan ang pangungulit niya. Hindi niya mapigilan ang ngumiti sa tuwing maalala ang mga sandali na hindi pa siya gusto ng babaeng ito. Halos isumpa na siya para lang lumayo. At nagpasalamat siya na hindi niya ginawa 'yun. Nagpasalamat siya na pinanindigan ang nararamdaman niya.
Kong ano-ano seremonyas ang pinagdaanan nila bago sila dumating sa pagsasagutan ng I do kating kati na siyang sabihin ang mga salita na yun.
"Do you take Kateliane Gonzales as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Tinignan niya mukha ni Kateliane na naghihintay sa sagot niya.
"I do" kinagat niya ang labi dahil hindi niya pigilan ang pagngisi.
"Do you take Joshua Zaynn Guzman as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Ngumiti muna si Kateliane sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng hindi ito sumagot.
"Baby, You need to say I do" Mahinang sabi niya.
"I do" Nakahinga naman siya ng maluwag at nagtawanan ang mga tao sa simbahan.
"You May now kiss the bride!" Dahan-dahan niyang tinaas ang belo na tumatabon sa mukha ni Kateliane.
Hinalikan niya sa noo si Kateliane at pagkatapos ay inangkin niya ng mga labi nito na buong pagmamahal. Naiyak pa siya ng halikan niya ito. Puno puno ng pagmamahal ang puso niya at dahil don ay hindi niya mapigilang maiyak.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet(Completed)
RandomLove knows no boundaries,no faults no mistakes. Love conquers, love understood.