"... paglaki mo. Huwag kang magbo-boyfriend."
"Boypren? 'Di ba, boypren kita?"
Ang pagsasalitan ng usapan ng dalawang makababatang sina Marifern at Antonio.
Ito ay kuwento tungkol sa batang babae na si Inday Marifern. Simula nang siya'y nasa kamusmu...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Lo, bakit po namatay si lola?"
Ang kaninang banayad na expresyon niya ay naging malungkot, dahil sa tanong ko.
"Namatay ang lola mo..." Napabuntong hininga siya ng malalim, bago tinuloy ang sinabi. "...sa sakit nagkaroon siya ng bukol sa atay."
"Nagkakaroon din po pala ng bukol sa loob ng katawan natin, lo?" inosente kong tanong.
Napabuntong hininga na naman ng malalim si lolo, siguro naalala niya si lola Candida.
"Oo, Chai."
"Akala ko po, sa ulo lang nagkakaroon nang bukol kapag nauuntog."
Medyo napangiti si lolo sa asal ko, ngunit bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Ubusin mo na 'yang pagkain mo Chai," pag-iiba niya ng usapan.
Napatingin ako sa plato ko na may kanin at ulam na ampalaya na hinaluan ng itlog.
Napasimangot akong napatingin sa ulam. Ayoko talaga ng gulay na 'to. Hindi ko gusto ang paklang lasa nito.
Isang beses sa isang linggo, nagluluto si lolo ng gulay na ampalaya. Wala namang problema sa'kin, kung araw-araw kaming gulay ang ulam. Maliban lamang sa ampalaya. Kahit ayaw ko ang gulay na 'to, pinipilit ni lolo na kumain ako, kasi nga raw nakakadagdag ito ng dugo.
Bakit? Nauubusan na ba ako ng dugo? Kaya ipinagpipilitan niyang ipakain sa'kin ang gulay na hindi ko gusto?
Ang daming alam ni lolo lalo na, sa mga gulay, halos lahat alam niya ang bitamina nito. Isa nga pala siyang magaling na teacher sa school na pinapasukan ko noon. Ngayon retired na si lolo, dahil na rin sa katandaan niya.
Parehong professional sila lolo't lola, isa ring mahusay na guro si lola kagaya ni lolo nang nabubuhay pa raw ito.
Bago kami natulog naikwento ni lolo ang pagkamatay ng namayamapa kong lola. Itinago raw ni lola na may sakit siya, hanggang sa lumala at humantong sa pagkamatay. Tatlong taon pa lamang daw ako, namatay siya. Wala man lang akong ni isang ala-ala sa lola kong pumanaw na. Bukod sa litratong ibinigay ni lolo sa'kin na nakakarga ako kay lola. Naabutan ko man, subalit, baby pa ako no'n.
Kahit ganun pa man, kasama ko naman ang aking lolo sa araw-araw. Kaya hindi na lugi, atleast nandyan naman ang lolo sa tabi ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Alas singko y medya pa lang ng umaga ay naaamoy ko ang bawang at sibuyas na hinahalo at ginigisa sa mantika. Tuwing umaga ay nag-aasikaso na si lolo para sa aming pagkain. Simula nang mamulat ako sa mundo si lolo na ang tumayong mama at papa ko. Wala akong kinagisnang ama at ina kundi si lolo lang.