Chapter 5

26 5 1
                                    

*****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*****

KINUMUSTA ni auntie Felicidad ang kalagayan ni lolo. Bilang isang anak ay mag-aalala talaga sa kaniyang magulang na napahamak. Kabaliktaran din, sa anak na napahamak mag-aalala rin ang mga magulang.

Nakakalungkot nga lang isipin, na hindi lahat ng anak ay nakakaramdam ng pag-aalala kung ang kanilang mga magulang ay napahamak. Puwera na lang kung katulad ni auntie Felicidad na labis ang pag-aalala sa nangyari kay lolo.

Gano'n din sa mga magulang, hindi rin lahat ng magulang ay nag-aalala sa anak nila. Katulad ko, wala akong magulang na nag-aalala. Sana nga lahat ng magulang, hindi kayang iwan ang kanilang mga anak.

Nandito kami ngayon ni aling Marites sa kuwarto ni lolo. Nang makarating kami, gising na siya at salamat kay Papa God. Dahil narinig niya ang hiling ko na bigyan pa siya ng pangalawang buhay.

Pagkatapos nilang mag-usap ni lolo at auntie. Sila auntie at aling Marites naman ang nag-uusap ngayon.

Noon pa man, walang sariling selpon na si lolo, kaya nakikihiram lang kami.

Sa mga araw na wala ako sa tabi ni lolo, siya ang nagbabantay. Si aling Marites ang nag-aasikaso ni lolo Felimon.

Kahit na may pagkatsismosa itong si aling Marites ay maaasahan mo naman sa oras ng pangangailangan. Nagpasalamat din ng marami si auntie sa kaniya nang  biglang magsalita ito—

"Mare!" tawag niya sa auntie kong kausap niya, na nasa selpon. Kung makatawag siya ng 'Mare' akala mo'y magkakilala sila sa isa't isa. 'Di nga siya kilala ni auntie eh. "Baka naman, may dolyar ka d'yan. Remembrance lang. Dagdagan mo na rin ng—alam mo na." Bahagya pa itong natawa sa sariling sinabi. Tapos nag-okay sign. Hindi ko alam, kung totoo ang ngiting iyon, dahil hindi man lang kasi umabot sa mata niya ang tawa nito.

"Ah-h sige, sige." Tumango na lang si auntie para matapos na ang usapan nila at nagpaalam.

Akala ko, bukal sa loob niya ang pagtulong sa amin. Hindi pala. Binabawi ko na ang sinabi ko sa isipan ko.

Nasa ibang bansa nagtatrabaho ang asawa ni auntie. Kaya siguro gan'on na lamang ang pagboluntaryo ni aling Marites na bantayan si lolo, kahit 'di ko naman siya sinabihan.

*****


NGAYONG araw ng Sabado, makakalabas na rin si lolo sa ospital. No'ng isang araw niya pa gustong umuwi. Pero sabi ng doktor dalawang araw pa raw siyang mananatili rito. Walang nagawa si lolo, kundi ang sumunod na lang. Ayaw niya kasi ang amoy ng ospital, kasi naalala niya raw ang lola nang mamalagi sila sa ospital ng ilang linggo.

Excited na 'kong makauwi kami. Namiss ko na rin kasi ang mga lutong-bahay ni lolo.
Nang maging maayos na ang lahat. Pumasok sa loob ng kuwarto namin ang isang babaeng nurse habang tulak-tulak niya ang wheel chair. Nakangiti siyang nakatingin sa'kin, sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti. Inalalayan naming dalawa si lolo na makaupo sa wheel chair.

Unang Karumlan ni IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon