NAGISING ako kinaumagahan, sa tunog ng alarm clock kong may desinyong hello kitty. Karamihan ng desinyo ng mga gamit ko ay may hello kitty. Mula sa materyal na mga bagay sa aking kuwarto, hanggang sa mga kagamitan ko sa iskuwelahan.
Isang beses nangyari, nakabili si lolo ng bag na ang desinyo ay barbie, isa sa mga kinakailangan kong gamit sa iskul. Nanlumo ako dahil hindi 'yon ang paborito ko. Hindi naman ako nagalit, nagtampo lang. Ang panandaliang pagtatampo ko ay napalitan din ng tuwa. Nang umuwi siyang may dalang pasalubong. Binilhan niya ko ng paborito kong tinapay na may linga o binangkal. Kaya nawala ang tampo ko at napalitan ito ng saya.
Magaan na rin ang pakiramdam ko, 'di kagaya kahapon na nanginginig ako sa lamig. Bukod sa pagiging dalubhasa ni lolo, bilang isang guro ay magaling din itong nars sa akin. Mabilis akong gumaling 'pag siya na ang nag-aalaga sa akin.
Kaya kapag lumaki na ako o nasa tamang gulang na. Aalagaan ko rin si lolo, katulad ng pag-aalaga at pag-aaruga niya sa'kin, simula nang ako'y musmos pa lamang.
Lumabas ako sa aking kuwarto at nagsimula na akong mag-asikaso para pumunta sa iskul.
Pagkarating ko, sinalubong ako ng klasmeyt kong nakangiti na si Izzy Grace sa labas ng klarom. 'Yong tipo nang ngiti niya na abot tenga. Siguro ay marami na naman 'tong baon na kwento. Sabay kaming pumasok sa silid at umupo.
Abala sa paghahanda si ma'am Cleofe sa kanyang mga gamit, bago sinimulan ang pagtatalakay. Napatigil ito, nang mapansin niyang kompleto na ang kaniyang mga estudyante. At saktong alas syete na ng umaga.
Nagsimula na kaming kumanta ng bayang magiliw. Kung dati, hindi ko pa kabisado ang pambansang awit. Ngayon, kabisadong-kabisado ko na ito, kahit nakapikit pa.
Naalala kong kinakanta pa naming lima nina Syn, Ark, Princess at Tonton ang bayang magiliw 'pag nasa dulo kami ng dambahan naglalaro.
Umupo na si ma'am Cleofe at binuklat niya ang kanyang class record. Nag-umpisa na siyang magtawag ng apelyido ayon sa alpabetong.
Nang dahil sa kadaldalan ng katabi kong si Izzy, nalingat ako at hindi ko namalayan na tinawag na pala ang apelyido't pangalan ko sa pangalawang beses.
"Mahinay, Marifern!" medyo napalakas yata ang pagtawag ni titser Cleofe sa akin.
"Present ma'am!" mabilis kong tugon, samantalang nakataas ang kamay.
Napahinto ang tingin niya sa'kin at nagtataka na tila ba'y mayroong dumi sa aking mukha. Napunta ang tingin niya sa gawi ko na may pagtatanong sa kaniyang mga mata.
Baka may muta pa ako, kaya siguro gayon na lamang tumingin sa akin si ma'am Cleofe. Kinapa ko naman ang gilid ng mata ko, nagbabakasakaling may muta na hindi ko natanggal.
Malapit na matapos ang klase nang may sumulpot na ginang sa harap ng pintuan. Naghahabol ito ng hininga na para bang nakipag karera. Nakanganga at nakalabas ang dila na para bang asong naghahangos sa paghinga. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa magkabilang tuhod nito, na mapapansing pagod ito galing sa pagtakbo.
Humingi ito ng paumanhin sa istorbong kaniyang nilikha. Nagpaalam ang guro naming lumabas muna sila at doon na lamang nila pag-usapan ang kung ano man ang kailangan ng ginang sa kanya.
Kilala ko ang ginang na bigla na lamang sumulpot kani-kanina lang. Isa siya sa kapit-bahay naming si aling Marites. Palagi ko siyang nakikitang nakatambay kasama ang mga kapit-bahay naming 'tsismosa' rin sa tindahan ni aling Pasing.
Madali lamang siyang makasagap ng balita, mapatotoo man o hindi. Kaya nang minsan ay napag-utusan ako ni lolo na bumili kila aling Pasing. Narinig kong tanong ni aling Marisol sa kanya na 'Mare, ano'ng latest?'.
Pumasok na ang maestra namin sa klasrom, inilibot ang mga mata niya sa paligid. Mukhang may hinahanap siya. Napadako ang dalawang pares ng kanyang mata sa gawi ko. Napatigil ito, 'yung mga tingin niyang may pinapahiwatig.
"Marifern, halika muna dito," kalmado niyang tawag sa'kin.
Tumayo akong kabado at lumapit sa kanya. Pakiramdam ko ay may masamang nangyari. Pinagpapawisan ako nang malamig at ang mga kamay ko ay nanginginig sa kaba. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan. At bakit ako lang, tinawag ng titser namin?
Isinalaysay ni titser Cleofe, ang sinabi ni aling Marites.
Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay mas lalong lumala. Ang namuong butil na pawis sa aking noo ay mas lalong dumami. Nagsimula na akong hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Sa anumang oras ay gusto kong tumakbo, papunta sa kinaroroonan ng aking lolo Felimon.
Hindi ko na tinapos ang sinabi niya, tumakbo ako at hindi pinansin si aling Marites na nakasunod sa'kin. Kahit hindi ko alam kung saang ospital sinugod si lolo, patuloy lamang ako sa pagtakbo.
"H-hindi pwedeng mawala si lolo. S-sino na lang ang mag-aalaga s-sa'kin? Siya na lang ang natitira sa b-buhay ko. Inabandona na ako ng totoo kong nanay," nanginginig kong sambit sa sarili.
'P-papa God, p-please lang po, 'wag si lolo. Mahal na mahal ko po siya. Makakasama ko pa po siya ng matagal 'di b-ba po? H-hindi ko po kaya, sa'n po ako pupulutin 'pag wala na siya? Iligtas Mo po ang lolo ko. A-alam ko pong kayang-kaya Niyo po 'yon. Naniniwala po ako sa kakayahan Mo, Papa God.'
Ang kaninang luha na pinipigilan kong, h'wag bumagsak ay nag-unahan na ito sa pagtulo.
Nang dumating kami sa ospital, nagtanong si aling Marites sa reception area kung saang kuwarto, naroroon si lolo.
Habang nakasakay sa elevator, taimtim akong nagdasal sa tabi, habang punas-punas ko ang mga luhang nag-unahan sa pag-agos.
Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na mangyayari 'to sa kaniya, na humantong siya sa pagka-ospital.
Nadulas daw si lolo sa kusina habang naglilinis sa sahig. Kahit matanda na, naglilinis pa rin ito dahil ayaw niyang makakita ng dumi sa bahay. Kahit noon pa man, limpyadong lalaki na si lolo. Kusa akong nagboboluntaryo, pero tinatanggihan niya ako, baka raw 'di ko malinis ng maayos. Inaako ni lolo ang lahat ng gawaing bahay.
Binuksan ni aling Marites nang dahan-dahan ang pintuan.
Nakita ko si lolo na nakahiga sa hospital bed, na mahimbing na natutulog. Nang malapitan ko ito, napagmasdan kong nakabenda ang noo niya.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib, nang malamang kong nasa maayos na kalagayan siya.
Laking pasasalamat ko sa panginoon na hindi niya pinabayaan ang aking lolo. Nag papasalamat din ako kay aling Pasing at aling Marites, dahil kung hindi sa kanila hindi ko na makakasama si lolo.
Kaarawan ng anak ni aling Pasing ngayon na si Ark, ang isa sa kalaro ko sa dulo ng dambahan. Nagpasuyo si aling Pasing kay aling Marites na hatiran kami ng konti nilang handaan. At natagpuan na lamang niya ang lolo na nakahiga na sa sahig na walang malay.
Nakaupo ako katabi sa hinihigaan ni lolo, hinihintay ko ang paggising niya. Sa paghihintay ko na gumising siya, dinalaw ako ng antok hanggang sa nakatulog akong nakayuko sa hospital bed.
Bigla na lamang akong naalimpungatan nang marinig ko ang tunog ng ICU ventilator machine. Nangangahulugan na nasa peligro ang buhay ni lolo. Sa mga oras na 'to si Papa God, ang una kong tinawag sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Unang Karumlan ni Inday
Romance"... paglaki mo. Huwag kang magbo-boyfriend." "Boypren? 'Di ba, boypren kita?" Ang pagsasalitan ng usapan ng dalawang makababatang sina Marifern at Antonio. Ito ay kuwento tungkol sa batang babae na si Inday Marifern. Simula nang siya'y nasa kamusmu...