Chapter 4

21 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


*****

DALAWANG araw na ang nakalipas, simula nang sinugod si lolo. Hindi pa rin siya nagigising, nasa ospital pa rin siya. Kapag naalala ko ang sitwasyon niya ay tumutulo na lang nang kusa, ang mainit na likido sa aking pisngi nang 'di ko napapansin.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno ng mangga. Nag-iisa. Namumugto na ang mga mata ko kaiiyak. Ayaw kong dalawin si lolo, kasi naninikip lamang ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang kalagayan niya.

Ngayong wala si lolo sa bahay, palagi akong bumibili ng ulam kila aling Pasing. De lata ang palagi kong ulam, wala si lolo sa bahay. Walang magluluto. Namimiss ko na 'yong mga luto niya. Namimiss ko na si lolo.

Kahit sa murang edad na pitong taong gulang. Naiintindihan ko na ang mga nangyayari. Lalo na ngayon, ang buhay ng lolo ko ay nasa panganib. Matanda na siya. Kaya kahit konting disgrasya lang ay delikado na para sa kaniya.

Papa God, namimiss ko na po si lolo. Lalo na 'yong mga masasarap niyang luto. Ayos lang po, kahit ampalaya ang ulam ko parati, 'di po 'ko magrereklamo kahit araw-araw pa po. Basta kasama ko po si lolo sa tabi ko.

Umagos na naman sa pagdaloy ang mga luha kong puno nang kalungkutan. Nang biglang may panyong puti, ang nakalahad sa aking harapan.

"Meow." Ngiyaw ng pusa.

Sa una, ang akala ko ay pusa ang nagbigay sa'kin ng panyo. Nang lingonin ko ito, ang kalaro ko pa lang si Tonton, na may dalang kuting. Habang humihigop ng mikmik na tig piso.

Kinuha ko kaagad ang panyo, pinunas sa pisngi kong basang-basa. Ang mga luha kong kanina pa tumutulo at sakto rin wala akong pamunas. Ipinunas ko na rin sa sipon kong sumasabay sa pagtulo ng luha ko.

Ipapasok ko na sana sa bulsa ko ang panyo, nang magsalita si Tonton.

"Chai, isuli mo pala 'yong panyo..." Napakamot pa ito sa kaniyang ulo. "...dahil ninakaw ko lang 'yan sa aparador ni nanay." Kamot-kamot niya pa rin ang ulo niya, na akala mo'y may kuto.

"Ha? Akala ko sa'kin na 'to." Tukoy ko sa panyo. Pag-abot ko sa kaniya, napakislot ang mukha niyang nakatingin sa panyong nasa kamay ko. "Bakit?" taka kong tanong.

"Labhan mo muna 'yan, Chai. May sipon mo pa 'yan!" Umaksyon pa itong nandidiri.

"Hindi ako marunong maglaba Tonton, wala si lolo sa bahay. At isa pa, baka hanapin 'yan ni aling Berna."

Tinanggap niya na lang, kahit labag sa loob niya. Nabaling ang tingin ko sa kuting na karga-karga niya.

"Tonton, sa'yo 'yan?" turo ko sa kuting. Maamo at kumikislap ang mga mata ng maliit na pusang nakatingin sa'kin.

"Oo, ibibigay ko sana sa'yo. Para kahit papano may kasama ka. Kung wala ako—" Umupo siya sa tabi ko. Kalong-kalong na niya ang pusa sa kaniyang biyas. "Ang ibig kong sabihin—habang wala ang lolo mo sa inyo," dagdag niya.

Unang Karumlan ni IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon