Freya's POV
"Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Klaude?" Mahina at nanginginig ang boses na tanong ko sakanya, bakas ang konting takot at galit habang nakatitig sa mga mata nito at umaatras palayo ng dahan dahan ngunit mabilis niya akong nilapitan at niyakap
"Hindi mo kailangan mag aalala para sa kanya prinsesa pinatulog ko lamang siya sa may burol" sagot nito sa akin sabay abot sa kanang kamay ko at ginawaran iyon ng halik
saglit lamang ang pagdampi ng mga labi nito sa aking kamay ngunit ramdam ko ang init na hatid nito kaya naman mabilis ko rin inalis ang kamay ko at tinulak siya palayo "Freya kahit anong gawin mo ay hindi mo ako malalayuan" lapit muli nito sa akin
"Lapastangan ka talaga prinsipe ano ba ang kailangan mo sa akin?" Atras kong muli palayo sa kanya
"Nandito ako para sunduin ka mahal ko" nakangiti nitong sambit sabay abot muli sa aking mga kamay
"Ha? Bakit? Hindi ako sasama sa iyo pwede ba pabayaan mo na ako at saka, kailan lamang tayo nagkita" masungit kong sagot sabay layo nanaman dito habang hawak ang kamay na pilit na inaabot nito habang nakatitig ng masama dito
maya maya pa ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon palayo sa prinsipe ngunit mabilis niya akong hinarang
"Irvine ano ba hindi ako nakikipaglaro sayo!" galit ko ng sabi dito ng pilit nitong hinaharangan ang nilalakaran ko
"At ganoon din ako prinsesa hindi ka ba naniniwala sa love at first sight?" pilit nitong habol sa akin ngunit hindi ako nagpatinag at tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad
"Ano bang kalokohan yan" sambit ko habang pilit na nakikipag patintero dito
"kaya naman patawarin mo sana ako sa aking gagawin" biglang sambit nito at bago ko pa matanong kung ano iyon ay bigla na lang niya kinumpas ang isang kamay niya at dumilim na ang aking paningin.
Pag gising ko ay nasa isang silid na ako na hindi pamilyar sa akin "Argh!" Sambit ko habang napahawak ako sa aking sentindo dahil pumipintig ang ulo ko, maya maya pa ay may isang damang pumasok sa silid na iyon
"Magandang araw prinsesa ako nga po pala si chacha ang magiging personal na dama ninyo dito sa palasyo" sabi ng babaeng kakapasok lamang ng silid sabay yumukod sa akin bilang pag galang
"Nasaan ako? Bakit ninyo ako dinala dito?" magkasunod na tanong ko sa dama
"Kamahalan nandito po kayo sa palasyo ng Zanarra kingdom, dinala po kayo dito kahapon ni prinsipe irvine" paliwanag ng huli
"Ano?!" Sigaw ko ng marinig ang sabi nito ngunit mabilis din akong nanahimik dahil bigla nanaman sumakit ang ulo ko kaya naman napahawak nanaman ako sa aking sentido
"Ano nanaman itong kalokohan na napasok ko?" tanong ko sa aking sarili
pilit akong kumalma at nag isip ng magandang gawin sa aking sitwasyon maya maya pa ay napagdesisyunan ko na mag obserba muna bago gumawa ng aksyon
"Chacha maari ba akong lumabas ng aking silid?" tanong ko dito
"Maaari po prinsesa freya,kayo po ay panauhin dito kaya naman po Malaya po kayong maglibot sa palasyo ngunit sinabihan rin po ako ng prinsipe na sa loob lamang po kayo ng palasyo maaaring maglibot at hindi po maari sa labas nito" magalang na paliwanag sa akin ng dama na si Chacha
"Kung ganoon ay gusto ko sana maglakad lakad ngayon" sagot ko sa turan nito
"Masusunod po" yukod nito sa akin
kaya naman nagsimula na akong maglakad papunta sa pinto ng silid na iyon at lumabas, alam kong nakasunod pa rin sa akin si Chacha pero hindi ko na ito pinansin
pagkuwa'y muli kong inilibot ang paningin ko sa buong palasyo at masasabi ko na ito ay engrande at elegante makikita mo ang tatlong naglalakihang chandelier sa ibawbaw ng ceiling ng hallway na aking nilalakaran at sa kanan naman ay napakaraming pinto marahil ay ito ang mga silid para sa mga panauhin, sa kaliwa ko naman ay ang mga naglalakihang bintana at kitang kita ko mula sa aking kinaroroonan ang malaking hardin sa labas nito, ang centro ng hardin ay isang napakalaki at napakagandang fountain samantalang sa paligid nito ay mga naggagandahang bulaklak ng rosas na puti mukhang nasa unang palapag ako ng palasyo.
"Ang mga rosas po sa hardin ay tanim po mismo ni prinsipe Irvine kamahalan" biglang untag sa akin ni chacha ng mapansin niya kung saan ako nakatingin
kaya naman napalingon ako ng kaunti sa gawi nito sa aking likuran bago ko ibinalik ang tingin ko sa mga rosas sa hardin
"Chacha gusto ko sana pumunta sa hardin" mahina kong sabi tama lang upang marinig ng tao sa aking likuran
"Masusunod po dito po ang daan" tugon naman nito
pagdating sa hardin ay lalo akong namangha sa ganda nito, mayabong ang mga bulaklak at napaka elegante ng pagkaka landscape sa mga ito, ngunit ang mas lalo kong ikinabigla ay ng itaas ko ang aking paningin sa dulo ng napakalaking hardin at napansin ko na sa bandang dulo nito ay may isang malaking puno ng wisteria na siyang lalong nagbigay kulay at ganda sa buong kapaligiran, sa ilalim naman nito at may mga upuan at lamesa na puwedeng gamitin habang nag tsatsaa sa hardin
"Nagustuhan mo ba ang aking hardin Prinsesa?" untag ng isang malamig at nakakapang akit na boses sa aking pagmumuni muni
kaya naman agad agad akong napalingon sa lugar kung saan narinig ko ang boses na iyon
"Ikaw pala prinsipe" tugon ko kay Irvine
nakangiti naman ito habang papalapit sa aking kinaroroonan
"hanggang kailan mo ako balak ikulong sa iyong palasyo?" tanong ko ng makalapit na ito sa akin ngunit hindi agad ito tumugon at sa halip ay tiningnan muna nito si chacha at iminuwestra ito na iwan kami, kaya naman dali dali na yumukod si chacha bilang pag galang at sabay umalis
"hanggang sa maisip mo na ako nakalaan para sa iyo" buong ngiti nitong tugon sa akin kaya naman napatingin agad ako dito ng masama
"wag na tayong maglokohan Irvine, Ano ang iyong pakay?" pilit kong nilakasan ang aking loob na tanungin ito
"hindi kita niloloko mahal ko" sabi nito habang pilit inabot ang aking kamay kaya naman wala na akong nagawa kundi hayaan ito
"tama na muna ito" buntong hininga ni Irvine ng Makita niya na hindi ako tumugon sa kanyang sinabi
"gusto mo ba mag tsaa sa ilalim ng wisteria? napansin kong nagustuhan mo ang parte na iyon ng aking hardin" pag iiba nito ng paksa at ngumiti muli sa akin habang gingayak ako nito papunta sa malaking puno at sa mga upuan.
BINABASA MO ANG
Healer's Light
FantasyIn a world where good and evil has a clear line, can love really conquers all? A world full of fantasy and adventure begins!