Chapter 7

20 0 0
                                        

Hindi na rin ako nagpumiglas pa at hinayaan siya na akayin ako patungo sa mga upuan, maya maya pa naglabasan ang limang dama na may dalang mga pagkain at tsaa, inilagay ng mga ito ang dala nila sa lamesa na nasa aming harapan.
"Prinsesa meron ako proposisyon sayo" sabi ni Prinsipe Irvine matapos nitong maupo sa katapat kong upuan.
"Ano yon?" Tugon ko.
"Alam kong hindi ka kaagad papayag sa aking mungkahi pero gusto ko sana na pag isipan mo itong mabuti bago mo ibigay sa akin ang iyong sagot"
"Sige ano ba yon?" Tugon kong muli habang umiinom ng tsaa "Nais ko sanang makausap ang iyong amang hari upang hingin ang iyong kamay-."
"Hindi nahihiwalay ang aking kamay sa aking katawan." Matabang kong sabat sa kanya kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay
"Freya alam kong alam mo ang ibig ko sabihin, nais kong pakasalan ka" diretsa na nitong sabi kaya naman bigla kong nabuga ng mahina ang iniinom kong tsaa "ahugh-ahugh-! Ano? Napakabilis naman ata ng iyong nais, ni hindi nga kita mahal!" Nauubo kong sagot "hindi lang naman ito dahil sa pagmamahal, nais ko rin gawin ito para matapos na ang giyerang matagal ng nangyayari sa ating mga kaharian at alam ko na maaari naman na unti unti mo rin akong mahalin, alam kong hindi madali pag desisyunan ito at napakahalaga nito ngunit kailangan ko na ang iyong sagot sa lalong madaling panahon kaya naman meron ka hanggang susunod na araw para pag isipan ito" paliwanag ng prinsipe sa kanya "kung ganoon ay gusto ko pa sanang manatili dito sa hardin upang makapag isip ng mabuti" pagkuwa'y tugon ni Freya at ininom ang tsaa senyales na ayaw na niyang makipag usap pa rito "kung ganoon ay aalis na muna ako at may importante pa akong kailangan asikasuhin, maiwan muna kita Prinsesa" sagot nito sabay tayo mula sa kinauupuan at lumisan.

"Ano nga ba ang dapat kong isagot?" tanong ko sa aking sarili, alam kong hindi madali ang sitwasyon na ito pero sa tingin ko ay hindi naman masama ang proposisyon ng Prinsipe.

kinabukasan ay nagulat ako dahil pag gising ko pa lang ay bumungad na sa akin ang napakaraming bulaklak na nakita ko sa buong buhay ko kaya naman napatingin ako sa damang pumasok " Magandang Umaga Prinsesa" sabi nito ng makita akong gising na. "Magandang umaga din kanino galing ang mga bulaklak na mga ito?" tanong ko agad dito. "Galing po lahat ito sa Prinsipe kamahalan" ngiting tugon nito halata sa mukha nito na natutuwa ito kaya naman namula bigla ang kanyang mga pisngi, hindi na niya pinansin ito at nagsimula ng mag ayos para lumabas at pumunta sa hardin gusto niya doon kumain ng agahan. Habang kumakain ay may humarang na bugkos ng bulaklak sa kanyang paningin. "para sa'yo mahal na prinsesa" sabi ng lalaki na bigla na lang na sa aking gilid "Salamat Prinsipe" napatingin siya dito at napatitig sa mga mata nito at nakita niya ang sinseridad sa mga ito. mabilis ang kanyang pagbawi ng tingin dito "Hindi ko alam na napakahilig ng kamahalan sa mga bulaklak" himig niyang pang iinsulto pero medyo kulang sa lakas ito "pasyensya na pinsesa akala ko ay mahilig ang mga babae sa ganitong mga bagay" nahihiyang ngiti nito pagkatapos abutin ng prinsesa ang mga bulaklak     

 " Oo. gusto namin ang mga ito pero hindi naman dapat ganito karami" tugon naman ng prinsesa may himig ng pagrereklamo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Healer's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon