(Freya's POV)
kasalukuyan kong pinapagaling ang mga kawal na nasa loob ng kampo ngayon hindi ko lubos maisip ang kaawa awang kalagayan nila, kulang sa pasilidad ang lugar at napakarami pang sugatan bunsod ng kakatapos lang na sagupaan pero wala na akong panahon para mag obserba kailangan ko na sila mapagaling kaagad, pagkatapos ko sila mapagaling ay tinahak ko na ang daan papunta sa tent ko kailangan ko ng mag bihis para sa gagawin kong send off ritual kung saan ipapadala ko sa farplain ang mga namayapang kaluluwa na nasawi sa labanan, hindi ko matanggap na ilang araw pa lang akong nalalayo sa palasyo ay gagawin ko na agad ang nakakalungkot na ritual na ito... Ilang araw na rin ako nandito pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari...
Flashback.....
I gasped in horror may mga kawal kaming nakikipaglaban sa lupa man o sa himpapawid, ang daming mga nakaitim na kawal at hindi lang basta kawal kundi mga halimaw, meron mga echidna,cyclopes, cetea at marami pang iba, mas marami sila kesa sa aming pwersa at hindi ko maiwasan ang matakot kabilaan naglalabasan ang iba't ibang magic circles na kadalasan ay nanggagaling sa mga kaaway namin tiningnan ko ang aking kapatid kahit siya ay nagulat dahil sinusugod na pala ang aming kampo ng wala kaming nalalaman
"Prinsesa Freya maghanap muna kayo ng mapagtataguan! mga dama protektahan niyo ang prinsesa!" sigaw ni Prince Auron sabay pumunta na kung saan nagkaroon ng kaguluhan
"Kuya mag iingat ka!" sigaw ko bago kami lumayo
hindi ko mapigilan ang manginig sa takot gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung saan magsisimula, ngayon lamang ako nakasaksi ng ganito
nagtago kami kung saan maraming puno na malapit sa isang cliff at malayong malayo ito sa camp kung saan kasalukyan nakikipaglaban ang aking kuya, kitang kita ko kung paano natatalo ang aming pwersa, they sliced our soldiers' head off like they're animals in a slaughter house at hindi ko na matagalan ang eksenang ito
"Godin Ifri ,geliefde god van de oorlog , ik smeek je alsjeblieft luisteren naar mijn pleidooi en zegen mij met uw kracht!" pagdarasal ko sa diyosa ng digmaan, a summoning incantation na ako at ang inang reyna lamang ang maaring gumamit dahil sa lakas ng mana(magic powers) kinakailangan para dito, maya maya lamang ay may nakita akong babae na bumababa sa aking harapan mula sa langit
"Ako si Ifri ang diyosa ng digmaan! Ano ang kailangan mo sa akin healer?" tanong sa akin ng babaeng umaapoy nang kulay asul ang buong katawan
"Nagmamakaawa ako mahal na diyosa tulungan niyo po kaming tapusin ang labanang ito, ayoko na pong makakita ng mga nasasaktan" sabi ko sabay luhod sa kanyang harapan bilang pagsusumamo habang umiiyak
"Rinig ko ang iyong hiling healer at alam kong puro ang iyong intensyon, kung ganoon ay binabasbasan kita na gamitin ang aking kapangyarihan" sabi ng diyosa at sabay lipad nito papunta sa akin akala ko ay masusunog ako pagkalapit niya ngunit biglang nawala ang diyosa sa aking harapan, parang inaabsorb siya ng katawan ko
maya-maya pa ay naramdaman ko na umiinit ang aking katawan, inangat ko ang kamay ko at nag isip ng kapangyarihang apoy sa pag aakalang may lalabas na apoy dito at hindi nga ako nagkamali may lumabas na asul na apoy sa aking mga kamay and I will it to go in the battlefield...
My fire created a large boom sound na ikinagulat ng lahat ng mga naglalaban sa battlefield at inulit ulit ko ito, this time ay pinatatamaan ko na sa mga halimaw na nakaitim na uniporme
dahil sa ginagawa ko isa isang naglalaho ang mga kalaban at nagiging mga abo, hindi ko namamalayan na nakalapit na pala ako sa battlefield ng nakalutang at lahat sila ay sa akin nakatingin
maya maya ay may narinig akong sigaw na mula sa kanilang kasama, "mukhang ito ang leader nila ah" bulong ko sa sarili ko
"Atras! Atras!" sigaw ng isang lalaking nakaitim na cloak na may maskara sa mukha ngunit upper part lamang nito ang natatakpan tinitigan muna ako nito ng masama bago ito naging usok at naglaho

BINABASA MO ANG
Healer's Light
FantasiaIn a world where good and evil has a clear line, can love really conquers all? A world full of fantasy and adventure begins!