(Irvine's POV)
Alam kong hindi inaasahan ng prinsesa ang pagpapakilala ko at hindi ko rin inaasahan na makikilala niya ang pagkatao ko ngunit sinabi ko iyon bilang pasasalamat sa pagpapagaling niya sa akin "huwag ka mag alala prinsesa hindi kita sasaktan bilang pasasalamat ko sa iyong pagpapagaling sa akin" sabi ko at tumitig sa kanya, napakaganda nga talaga ng princess of light gaya ng sabi nila kahit nakikita kong gulat na gulat ito sa aking sinabi at nanlalaki ang mga mata kaya naman napapangiti na lang ako, naririnig rinig ko na noon sa aming kaharian ang usap usapang may angking gandang tinataglay ang prinsesa mula sa yevon kingdom ngunit ngayon ko lang napatunayan na totoo ito napakahaba at kakulay ng rosas ang kanyang pulang buhok, maamo ang kanyang mga mata at mala porselana ang kutis halatang hindi ito pinapayagang umaalis alis sa kanilang palasyo, sa aking pagsuri ay hindi ko mapigilan ang pagkabog ng aking dibdib...
"uhm...prinsipe Irvine ako may nahihiya sa paraan ng pagtitig mo sa akin" pagkuwa'y narinig kong sabi ni prinsesa Freya at nakita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi at sabay lingon nito sa ibang direksyon
Dahil doon ay napahalakhak ako ng malakas
"Tunay ngang isa kang kahanga hanga prinsesa! At Hindi nakakapagtakang maraming lalaki ang naglalaban laban para sa iyong pag ibig" saad ko at dahil doon ay lalong nagkulay kamatis ito...
"gusto ko man sabihin na ganoon ka din prinsipe pero hindi ko pa nakikita ang buo mong mukha" sabi ni prinsesa freya at tumingin sa akin
"mabuti pang hindi mo nakikita ang tunay kong itsura sa ngayon prinsesa para na rin sa iyong kaligtasan..." sabi ko pero inilapit ko ang aking mukha at tumitig sa kanyang mga mata
" balang araw ay masisilayan mo rin ang aking mukha at sa mga panahong iyon ay sa akin ka na mahal kong prinsesa" turan ko habang hindi inaalis ang aking mga titig sa kanyang mga mata kasabay ng pag abot ko sa kanyang kamay at hinalikan ito
Sa ginawa ko ay biglang binawi ng prinsesa ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay
"isa kang pangahas prinsipe" galit na turan ni prinsesa freya sa akin
"dahil hindi ako nag aaksaya ng panahon kapag ako ay may naibigan mahal na prinsesa" sabay kindat sa kanya at natawa nanaman dahil kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa galit
"bweno oras na para ako ay lumisan mahal na prinsesa maraming salamat sa iyong pagpapagaling sa akin...alagaan mo ang iyong sarili at babalikan kita...My future queen" sabi ko ng nakangiti sabay yuko bilang pamamaalam sa kanya at bago pa siya makahuma ay bigla ko na lang siya hinalikan sa kanyang mga labi
Dahil na rin sa pagkagulat ay natulala ito at hindi ko iyon pinalagpas lumapit ako sa kanyang tenga
"Kinuha ko na ang iyong unang halik prinsesa...salamat ulit...matulog ka na ng mahimbing" pagkasabi ko ay ginamitan ko na siya ng sleeping spell gamit ang aking mga kamay
Hindi ko pa rin mapigilan ang aking mga ngiti dahil sa nangyari habang ang prinsesa naman ay natutulog sa aking mga bisig dadalhin ko na siya sa tent na kanyang tinutulugan...
"salamat sa iyong kabutihan prinsesa dahil dito ay pagiisipan ko ang pakikipagkasundo sa inyong kaharian" bulong ko pagkalapag ko sa kanya sa higaan at tinitigan ang maamo niyang mukha, bago ako tuluyang umalis ay inilipat ko muna sa ibang tent ang mga natagpuan niyang mga walang malay na kawal, ginamitan ko ito ng teleportation spell para malipat sila sa tent ng ibang mga nagpapagaling din...
Dahil na rin sa panggagamot ng prinsesa ay bumalik na rin ang aking mana maaari na akong umalis ng hindi napapansin at mahuhuli sa kanilang protective barrier
"O by the authority vested in me, hear my command and bring forth thy to its rightful place, Zanarra" banggit ko sa incantation na magteteleport sa akin pabalik sa Zanarra kingdom

BINABASA MO ANG
Healer's Light
FantasíaIn a world where good and evil has a clear line, can love really conquers all? A world full of fantasy and adventure begins!