Chapter 3

92 0 0
                                    

(Freya's POV)

"Anong sabi mo Prince Auron? sa pinakamalapit na bayan mo ako patitirahin? ngunit bakit?" nanlalaki ang aking mga mata sa tinuran ng aking kapatid matapos niya akong dalawin sa aking tent

"Freya sana intindihin mo delikado na makita ka pa ng mga kalaban dito at isa pa hindi naman ganoon kalayo ang bayan dito sa kampo 15 minutos lang at andoon ka na sakay ng iyong pegasus hindi ba? nangako ako sa ating ina na hindi kita pababayaan at hindi ko ilalagay sa panganib ang kaligtasan mo, ginagawa ko ito dahil sa pangakong yun naiintindihan mo ba ako?"

"Ngunit paano ang mga tao na nangangailangan ng tulong ko? paano ka kuya?"

"pwede ko naman gamitan ng teleportation circle ang mga gagamutin mo kung sakali dahil malapit ka lang naman at isa pa mas mapapanatag ang loob ko na andoon ka, wag mo muna ipaalam na nasa bayan ka kapatid ko para hindi ka hanapin ng mga dark beings, kaya ko rin ang sarili ko Freya wag kang mag aalala sa akin, isama mo na rin ang iyong mga dama kahit pito lamang sa kanila, ang iba ay dito mamamalagi upang tumulong sa mga natitirang mga healers dito" paliwanag niya sa kanyang desisyon.

matagal akong nanahimik pagkuwa'y napabuntung hininga ako alam kong wala ng makakabali pa sa desisyong ni Prince Auron at alam kong kailangan kong sumunod...

"Okay sige pero may mga kundisyon ako una ayoko sumakay sa pegasus ko tatawagin ko ang aking griffin na si thunder, pangalawa gusto kong tatlo lamang sa aking mga dama ang dadalhin ko hep...!" putol ko sa aking kapatid ng makita kong magsasalita pa siya upang magprotesta

"hindi pa ako tapos kuya, hindi nga ako magpapahalata di ba? meron bang hindi magpapahalata na napakadaming dama? at may pegasus pa na tanging royal families lang ang nakakasakay cge nga? pangatlo gusto kong hingin na ang tulong ng limang guardian families, hindi na kakayanin ng Imperial Army natin kung sakaling susugod nanaman ang mga dark beings kuya at ayoko na muli nanaman akong mag send off please" mahaba kong litanya sa aking kapatid

"habang tumatagal na napapalayo ka sa palasyo ay tumatalas at tumatapang ang iyong bibig kapatid ko" komento ni Prince Auron habang napapa iling at napapabuntong hininga na tumingin sa akin pagkuwa'y nagpatuloy siya

"Yan na rin naman ang iniisip ko Freya wag kang mag alala nagpatawag na ako ng pagpupulong upang makausap ang five guardian families hindi mo na kailangan alalahanin pa iyon ngunit ma iba ako, may itatanong nga pala ako sayo, paano ka nga pala nagkaroon ng kapangyarihang ganoon kalakas sa gitna ng digmaan? magsabi ka ng totoo" may pagbabantang tanong sa akin ni Prince Auron habang nakakunot ang noo nito

"Gumamit ako ng summoning incantation..." pagkasagot ko ay napapikit ako sa lakas ng boses ng aking kuya

"Ano?! bakit mo ginawa yun Freya? hindi ka pa ganoon kalakas para gumamit ng ganoong incantation! Ano ba ang meron sa isip mo? sa buong kasaysayan ng ating kaharian si Inang Reyna pa lamang ang nakakagawa noon at isang fortuneteller deity lang ang tinawag niya samantalang ikaw? sino? Sino ang tinawag mo? Sino?!" galit na tanong sa akin ni Prince Auron na parang umuusok pa ang ilong sa galit

napapikit ako lalo dahil alam kong mas lalong magagalit siya sa aking sasagutin " Ang war deity kuya si Goddess Ifri..."

"Ano?! Nababaliw ka na ba? alam mo ba kung gaano kadaming mana(magic powers) ang kailangan para ma summon mo ang ganoon kalakas na deity Freya?! Maaari mo iyong ikamatay!" Galit niya pa din turan sa akin

"Alam ko kuya pero hindi naman nangyari di ba? at saka napilitan lang naman ako gawin yun para makatulong patawarin mo na ako kuya hindi ko na uulitin..." nakayukong pagmamakaawa ko sa kanya, sabay hawak sa dulong damit nito sa braso na parang bata

"Hay cge bahala ka, tapos na eh wala na akong magagawa pero binabalaan kita prinsesa sa susunod na gawin mo ito ibabalik kita sa ating palasyo naiintindihan mo ba? Bukas ka na aalis papuntang bayan, wala nang pero pero, aalis na ako.." pagtatapos ng aking kuya sabay labas ng aking tent, hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataong magpaliwanag pa

Healer's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon