Chapter 5

98 2 0
                                    

(Freya's POV)

Pagbalik namin sa villa galing sa bayan ay dumiretso ako sa kusina upang ilagay ang mga potions na binili ko sa cabinet pagkatapos ay lumabas na ako, suot ko na rin ang kwintas na binili ng estrangherong lalaki para sa akin.

Habang pabalik na kami ay napansin kong may malapit na batis pala sa amin hindi nga lang masyadong halata dahil medyo makahoy ang parteng iyon "Nana Hilda maari po ba akong pumunta sa batis sa likod ng villa?" tanong ko sa kanya habang abala ito sa pagliligpit ng iba pang gamit na aming pinamili

"Oo naman prinsesa ngunit bumalik ka bago tayo maghapunan.." pagpayag nito sa akin

"Salamat po..." sabi ko, lumabas na ako at tinahak ang daan papunta sa batis nais ko sanang magsanay pa para kahit papaano ay makaya ko ng gumamit ng summoning incantation

ngunit makalipas lang ng kalahating oras, sa gitna ng aking pagsasanay ay may narinig akong kaluskos kaya naman napatigil ako

"Sino ang nandyan?" sigaw ko sa kagubatan pero walang sumagot nakarinig nanaman ako ng kaluskos kaya muli akong nagtanong sino ang gumagawa nun

nang susuko na sana ako at babalik sa aking pagsasanay ay may narinig nanaman akong kaluskos at sa oras na yun ay mas malapit na ito sa akin kaya naman tinawag ko ang mga fire sprites pasusugurin ko sila kung sakali na may panganib

"Woah! Sandali binibini!" gulat na sabi ng isang nilalang nung makita niya ang aking mga fire sprites na pasugod sa kanya kaya naman napahinto ako

"Sino ka? bakit ka Andito? isa itong pribadong lupa" Sita ko sa nilalang sa aking harapan na hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ito ng anino ng mga puno sa paligid

"hindi mo ba ako nakikilala binibini? o mas nais mong tawagin pa kitang kamahalan?" masungit nitong tanong sa akin

pagkatapos ay naglakad ito palapit sa akin kaya naman nailawan na ang mukha nito, nahigit ko ang aking hininga noong makilala ko ito

"Ikaw yung estrangherong lalaki?" gulat kong sambit
"Ako nga, ang nag iisa at wala ng iba kamahalan" sagot nito na yumukod pa at ngumiti ng sarkastiko

"Gusto ko man na iwan ka dito at hayaan mapag isa ay hindi maaari kamahalan dahil ipinapatawag ka na ng punong dama..."wika ng lalaki sabay talikod nito sa akin

"Sandali! ginoo hindi pa kita napapasalamatan sa iyong ginawa sa bayan..." habol ko sa kanya at sumabay sa kanyang paglalakad

"Walang anuman po iyon kamaha-"

"Freya! tawagin mo na lang ako sa aking pangalan..." putol ko sa kanya

"Freya... walang anuman yun Freya..." pag uulit nito sa aking pangalan na parang ibig akong pikunin

"Ano ang pangalan mo ginoo?" pagkuwa'y pagpapatuloy ko

"Hindi ba at narinig mo na ang pangalan ko sa bayan?" masungit na balik tanong nito

"ngunit ikaw mismo ang gusto ko magsabi ginoo.." pangungulit ko

"Klaude ang pangalan ko kamaha-"

"Hep! Freya ang pangalan ko at hindi kamahalan"  putol ko ulit kaya naman hindi na ako nagtaka ng huminga siya ng malalim mukhang naiinis na ito pero ngumiti lamang ako sa kanya

"Tara na Freya at baka nag aalala na ang punong dama" sabi nito sa akin at nagmamadali ng maglakad palayo sa akin

Mukhang may ugali ang isang ito ah... bulong ko sa aking sarili

Pagkatapos ng hapunan ay tumuloy na ako sa terrace ng aming villa doon ay nagmuni muni ako, hindi ko namalayan na kumakanta na pala ako, napansin ko lamang ito nang kusang lumabas ang ibat ibang nature sprites sa aking harapan at nagsimulang sumayaw, ang iba naman ay naglabas ng kani kaniyang instrumento at tumugtog kasabay sa aking pagkanta

Healer's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon