A letter for my babe

49 1 0
                                    

Hi babe!!! Hihihihi it's been awhile since I last wrote a letter for you. Hmmm, ang dami kong gustong sabihin sa'yo, where to start?


Okay so I just want to share to you na finally, graduate na ako. Yes. I'm now a member of the unemployed sector in the society. You know what? I miss school already. Huhuhu. Nahihirapan na nga akong magsulat, mag-english at gumawa ng makabuluhang bagay. I can't think well kasi medyo matagal ng hindi nagagamit ang utak ko. This is bad. But anyway, since graduate na ako, may chance na talaga akong makita ka. I can't wait for that time to come.


Actually, I planned to go to law school this year. I was thinking na mag San Beda or UST, pero my dad's not that supportive with my plan, so I decided to go to University of Cebu instead. Pero hanggang ngayon wala akong ginagawa para ma process yung papers ko, which would mean, no law school for me this year. I think I should just find a job now. Huhuhu (okay, why am I sharing this.)


Anyway, I'm getting fatter and fatter everyday. Huhuhu. Ang boring ng summer ko. I just hope na may milagrong mangyari at maging exciting and enjoyable yung upcoming days. Ikaw Kimmy, kumusta ka na? I'm not quite sure kung graduating ka na or what, but are you? If ever, congrats in advance! I hope hindi ka nahihirapan. If you need help with your thesis or any paper, just tell me mmkay? I'll do it for you, de joke lang. Di naman ako marketing student eh. But maybe I can help you in some other ways. So just tell me hmm?


Oo nga pala, I just want to share to you na lately, palagi kang nasa dream ko. I remember yung isang dream ko na you always visit me daw sa bahay, tapos nakapang basketball ka pa ng attire. Araw araw mo daw akong dinadalaw sa bahay, with your younger brother – but not your brother, ay wait ang gulo ko. Basta he's about 8 years old tapos naka Tigers na jersey din. In my dream, he's your brother pero hindi naman kayo magkamukha. Basta ganun. Tapos the other day, napanaginipan ulit kita. Actually, the entire team. Ang naaalala ko lang eh dumaan daw ako sa may stair kung saan kayo nagpapahinga, galing yata kayo sa game niyo. Tapos ako naman, nahihiyang dumaan kaya tumalikod ako para bumalik dun sa pinangalingan ko. But at the other side, may mga guys na parang thugs, eh takot akong dumaan sa kanila, kay humarap ulit ako sa inyo, tapos kayo naman nakatingin sa akin (para kayong naweirduhan). And since wala akong choice, eh nagmadali akong dumaang sa harap niyo. Nilingon ko kayo after, tapos nakatingin pa rin kayo sa akin. I was so embarrassed kaya nagmadali ulit akong umalis, only to find out na nandoon naman kayo.  Tapos naputol nalang yung part nayun and I just found myself holding hands with this certain guy na classmate ko dati sa economics class ko. Parang may pinapagpaselos lang kami and I realized na yung "crush" ehem ehem ko na kaibigan niya eh nakatingin sa amin. I figured out na siya pala yung pinapaselos namin. Ang weird.


Anyway, enough of my weird dreams. Ikaw Kaizen, what were your dreams about? I'm sure wala ako sa dream mo, pero okay lang, I understand. Anyway ulit, yan lang ang masasabi ko. Kbye.

A letter for KaizenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon