A letter for Kim Kaizen Go Lo

148 0 0
                                    

Hi Kimmy!!

Heeheehee OMG alam mo ba na pasok na ako sa team?! OMG talaga! Kinailangan ko lang siguro talaga ng practice. Although  I only did some dribbling kaninang umaga. I was shocked na lagi kong na-shoshoot yung ball kanina. Feeling ko talaga inspired na inspired ako haha, ewan ko ba.

Although I feel like my body’s going to collapse any moment now. Aaah grabe! Ang sakit ng katawan ko. Huhuhu. Di naman kasi ako sanay sa takbuhan eh kaya medyo nahirapan pa ako. Ssshh lang ah, pero I actually cheated kanina while we were having a jog. Five rounds dapat pero hiningal na talaga ako kaya apat lang yung ginawa ko. Heeehee ;)

Pero as I always say, I’m doing this for fun naman eh, di naman nila siguro ako pipilitin? Anyway, Kimmy, ba’t di mo ako dinalaw sa dream ko huh? Nakakatampo ka na eh. Di ka na masyadong nag-paparamdam sa twitter. Busy ka ba masyado? Ako nga rin naman busy eh pero here oh maypa-letter letter pa ako, although di mo naman nababasa. : (

How are you na ba Kim? Chika ka rin naman minsan kahit sa twitter lang. I-share mo naman kung kung ano man ang ginagawa mo para naman alam ko na okay ka lang. Huhuhu. I miss you. Chos! Sige ka pag hindi ka pa magparamdam diyan, papalitan na  talaga kita hmph!

Pinalitan ko na rin pala yung wallpaper ko. Kahapon si Thomas Torres yung wallpaper ko, but since loyal pa rin naman ako sayo, pinalitan ko nalang ng Eiffel tower. Someday Kim, we’ll go there together ah? Heehee kung ayaw mo eh di si Thomas nalang isasama ko. Hmph!

Pero siyempre joke lang lahat yun baby! Heeehee ikaw pa rin naman po yung one and only baby ko! Pero *ehem ehem* medyo baby ko rin si Jeric Teng. Pero don’t worry, mas baby kita – ay ang gulo ko. Sarreeeh.

Anyway ulit, Kimmy! Huhuhu pray for me talaga ah! I need to get good grades. Para this summer, I’ll see you na! Promise! Di ba may game kayo every summer? Hopefully, I can watch you play live na rin! Basta just look for that girl with a camera na long yung lens tapos medyo chinta. Yun na yun Kimmy! Ako na yun.

Although hindi ko pa sure kung nasa court ako mismo or baka sa benches lang. Baka magamit ko yung friend ko as human pass eh, para makapasok ako sa court. I promise to get good photos of you! Promise yan!! Sayo lang talaga yung mga mata ko na medyo naka-pikit rin. Heehee. Pero siyempre, pray for me rin Kimmy para matupad ko lahat yan. Huhu. Basta Kim, I’ll see you soon ah?

A letter for KaizenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon