A letter for Kim Kaizen

136 0 0
                                    

Hi kimmy!

Huhuhu, I am very frustrated with myself right now. Alam mo bang hindi ko ma-dribble ng maayos ang bola? Huhuhu eh mastered ko na kaya yun nung PE namin, which was a year ago. Huhuhu ang tagal ko na rin kasing hindi nakapag-laro ng basketball. I feel so impotent kanina.

Nahirapan pa nga akong mag-shoot. Siguro nanibago lang ulit ako kasi matagal na akong hindi nakapag-laro. Pero I feel so down lang kasi parang napaka-loser ko. Huhuhu. Although drills pa lang yung ginawa namin kanina, medyo it wasn’t really a good start for me. I need to do something tomorrow.

Another thing Kimmy, if ever maka-pasok na talaga ako sa team (which I kinda doubt) baka 18 yung jersey number ko. May nakakuha na ng 5 eh pareho na sana tayo. Pero basta I just hope na makapasok talaga ako. Pray for me Kimmy ah? I’ll definitely offer my games to you, echos!

As of now, I have to work double time. Kailangan kong ayusin yung dribbling ko. Medyo malakas yung pagkaka-push ko ng bola kaya minsan nawawala ko yung bola. I also have to work on my shooting skills. Hindi ako bagay mag-shoot sa may gilid, nahihirapan ako eh, medyo malakas yung pag-tira ko. Huhuhu bigyan mo naman ako ng tips para maayos ko yung kamay ko.

Medyo malakas lang manghampas. Siguro I have to work on my three points nalang para magamit naman yung sobrang force ng kamay ko. Pero ewan, medyo kinapos rin naman ako sa height kaya baka mahirapan lang din ako. Yun defense ko lang yung maayos, at yung rebound (kahit maliit ako naagaw ko yung bola) Huhuhu what should I do now?

Kawawa na nga yung team namin eh. Wala kaming coach, puro nalang kami babae. Although may three guys na tumutulong sa amin. As I look at my teammates, medyo babae rin gumalaw. May magagaling din naman kaya I’m afraid baka hindi ako makakuha ng slot. Ten lang kasi yung kukunin, tapos parang 15 yata kaming nag-tryout kanina.

Although positive ako na pwede kong makuha yung isang slot, that if I’d do better by tomorrow. Nung nakita kasi ako nung head namin kanina, she was like so shocked and happy na nandun ako. Chos! Pero bahala na kung sub lang ako or what, basta gusto ko talagang sumali. I just want to scratch this from my bucket list. Hindi naman ako magla-laro to win eh, I just want to have fun, and I know yun din yung iniisip ng iba. Actually, sumali lang sila for the free jersey. LoL.

Anyway, give me some tips Kimmy, will you? Since wala ka namang number ko or what, mag-pakita ka nalang sa dream ko, and let’s have a training session. HAHAHA. But seriously Kim, I need you. Huhuhu.

PS: baka Kim Li ipapalagay ko sa jersey ko (if ever) para parang girl version ng Kim Lo heehee ;)

A letter for KaizenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon