A letter for Kaizen my babe

39 0 0
                                    

Kaizen!!!! Omg! I just realized ngayon na lang pala ako nakapag-sulat ng letter for you. Anyway, gusto ko sanang i-share yung nangyari today, and the past few days.

So yeah, the past week, medyo naging busy ako sa training ko with my team for our basketball game this intramurals. Since last year ko na, eh focused na focused talaga ako sa training (kaya nga hindi na ako nakakapag-update). Anyway, so yun nga. Last Monday, we played against Engineering. As usual talo kami. But we just can’t accept the loss. Kasi naman, ang dumi nila mag-laro. Kahit di mo hawak yung bola, sinisiko ka; tapos ang daming trash talk pa. At siyempre, medyo unfair din naman kasi ang lalaki ng players nila, tapos kami naman ang liliit. Okay, kami na ang bitter.

Tapos kahapon, nakalaban namin yung Medicine. In fairness, intense yung game kahit naman talo kami. Medyo hindi naman nagkalayo yung scores. Yun yung tunay na game. Malinis silang maglaro, kaya hindi kami bitter sa pagkatalo namin.

Kaya nung after ng game namin, at nalaman namin na Engineering yung maglalaro, nagstay muna kami sa may court. Dahil bitter kami, nag-cheer kami sa kabilang team which is CBA. And so yun nga, the game went on. Dahil bitter kami, we called some names sa ibang players ng Engineering (yung mga yun ang maduduming maglaro eh). May isa tinawag naming Voldemort. Basta Voldemort.

Tapos bigla nalang nagparining yung mga Engineering na lalaking supporters ng mga naglalaro. Pinaringgan nila kami. Eh siyempre, dahil bitter na naman kami, eh pinatulan namin. Until we exchanged insults. Pero siyempre, dahil ininsulto na ng isang teammate ko ang *ehem ehem* ng mga lalaking yun, eh napikon na sila ng todo todo, kaya trash talk na sila ng trash talk. To cut the story short, nanalo ang CBA, at kami naman nagtatatalon na parang kami rin ay nanalo. Yung mga lalaki naman eh tumahimik na.

Okay fine. Ang mean namin. Sila naman kasi yung nang una eh. Pero anyway, gusto ko pa palang ishare yung nangyari kanina. After kong manuod ng game ng team ng boyfriends ng friends ko, hinintay ko yung next game, which is Law and Engineering men. At dahil bitter na bitter talaga ako sa Engineering today, eh nagcheer ako for Law. Pero hindi lang naman dahil bitter ako. Nandun din kasi yung crush kong si Francis. Opps, sorry Kaizen, hindi ko talaga maiwasang magka-crush sa kanya eh. Pero promise, ikaw pa rin yung mas gusto ko. Anyway, yun nga. Close fight yung laro nila. In fairness din naman sa Engineering, magaling talaga sila, and well, siguro medyo malinis din sila maglaro.

So yun nga, muntik ng mag overtime. Yun nga lang, hindi naishoot ng Law yung last ball. Sayang. Sayang. So yun, nanalo ang Engineering. Ang sakit sa heart. But anyway, nung nagshake hands na yung mga players, biglang sumugod yung coach (yata) ng Law tapos may inaway siyang player ng Engineering. Pumagitna naman yung isang player ng Law. Okay, here it is. Magsosorry na ako ahead of time.

Breathe in breathe out. Mukhang crush ko na rin yata siya! Huhuhu. Okay. Kasi naman, he’s just like my ideal guy. Number one. Chinito. Check. Number two. Matangkad. Check. Number three. Maputi. Check. Number four. Law student. Check na check na check.

Ang sexy niya tignan when he went in between the two guys, sabay pigil sa kanila. Siya pa yung nagsabi na ‘okay okay’ signaling na tanggap nilang talo sila. Basta ang hirap i-explain. Basta, sobrang sport niya. Huhuhu I didn’t know it can make someone look so sexy.

However, at the end of the day, kahit sino pang sexy yan, ikaw pa rin ang pinaka sexy at gwapo para sa akin. Heeeheeee. I’ll see you soon Kaizen babe. Byeeee!

A letter for KaizenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon