LAST CHAPTER!!!
SINADYA KONG PAHABAIN J ENJOY GUYS!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CLARA'S POV
"Ready ka na ba for college?" tanong sa akin ni Julian. Magkausap kami sa phone habang inaayos ko yung books na dadalhin ko.
Mamaya na kasi yung simula ng klase namin. Inaayos ko na yung mga dadalhin ko.
"Oo naman." sagot ko sa kanya. Excited na talaga ako eh. New life, new friends. Lahat bago. "Sigurado, mag-eenjoy tayo."
"Agree!" masaya niyang sinabi.
"Ay teka, nasaan ka na? Malapit ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Yup, im on my way. Nag-breakfast ka na ba?" sagot naman niya sa akin. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain. Buti na lang pinaalala niya.
"Eto na kakain na ako. Tawagan mo na lang ako ulit kapag nandito ka na." binaba ko na yung phone tapos kumain ng breakfast. Naghanda si mommy ng breakfast eh.
Oo nga pala, si Julian ang service ko. Hindi pa kasi ako marunong mag-drive eh saka siya yung inutusan ng parents ko na mag-hatid at sundo sa akin. Pareho din kami ng course na kinukuha. May tiwala naman kasi sila kay Julian eh. Alam rin ni Jacob yung ganito.
"Ready for college?" tanong sa akin ni mommy habang nilalagyan ng juice yung glass ko.
"Yup! Excited na nga ako eh." sabi ko kay Mommy.
"Good! Pero mas excited pa rin ako para sa'yo. For sure, matutuwa ka talaga mamaya." umupo na si mommy. May something sa kanya ngayon, hindi ko alam kung ano.
"Matutuwa? Saan?" tanong ko sa kanya, nagtataka.
"Secret. Kumain ka na nga lang." sabi niya pero the whole time nakangiti lang siya. Ano na naman ba yun?
Maya-maya nag-ring na yung phone ko at may nag-doorbell. Nandito na nga si Julian. Si Mom na yung nagbukas ng pinto at nagpapasok sa kanya.
"Uy, Julian! Tara kain!" sabi ko sa kanya.
"Busog pa ako! Saka parang kulang pa yan sayo, kaya iyo na lang." pang-aasar niya sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo." binatukan ko siya. Grabe! Ganon ba ako katakaw? Hindi naman diba.
"Nanakit, guilty!" pang aasar ulit niya sa akin.
"Shut up!" nag-roll eyes ako sa kanya. "Gusto mo saksakin kita ng fork?"
"Oy, sobra na yan. Joke lang bespren!" hindi ko na lang siya pinansin. kumain na lang ako.
"Huy, takaw! Tama na yan, malelate na tayo eh." napagtripan na naman niya yung pisngi ko. Kaya naman, sinamaan ko siya ng tingin. Itinutok ko yung fork sa kanya.
Hindi ko siya sasaksakin, tatakutin ko lang.
"Clara! Anong gagawin mo?" tanong ni Mommy kaya ibinaba ko agad yung fork.
"Tita oh, sasaksakin ako." parang bata na nagsumbong si Julian.
"Hindi mommy. Tinatakot ko lang siya. Nang-aasar kasi eh." pagpapaliwanag ko kay Mommy.
"Hay nako! Para kayong bata eh, pumasok na nga kayo. Baka ma-late pa kayo eh." sabi ni Mommy. Tumayo na ako.
"Pasalamat ka, nakita ni mommy. Kundi tinuluyan na kita." binulungan ko si Julian. Akala niya siya lang may karapatan mang-asar. Tinakot ko siya.