HOHO! Parang ang pangit lang, biglang tagalog. Anyway, Ang conyo lang ng story ko ah. -_- Enjoy na lang.
Tagalized na ha :)
*
CLARA'S POV
Hindi ako makapaniwala. Isang buwan na pala since nagsimula ang summer at nung makilala ko ang brothers. Ang bilis lang.
Andami na rin nangyari sa one month na 'yun. Nakilala ko na rin sila ng mas maayos. Aaminin ko, dati ayoko sa kanilang lahat. Di lang kay Jacob pero narealize ko, ano bang dahilan para di ko sila pwedeng gustuhin.
"Ting!" isang boses sa likod ko ang nagsabi. Nagulat ako and snapped back to reality.
"Michael?" nakakainis, ginulat niya ako.
"Balon ka ba?" tanong niya.
"Hindi. Bakit?" ako naman nagtanong.
"Lalim kasi ng iniisip mo eh." sagot niya. okay?
"Corny..." sagot ko lng tapos tumawa.
"Corny pala ah. Paunahan nga tayo pababa." pagkasabing pagkasabi niya ay tumakbo na agad siya.
"Oy teka, madaya." sabi ko at hinabol si Michael.
Nagtakbuhan kami pababa ng hagdanan. Nagtutulakan pa nga kami eh. Tinutulak ko si Michael pero hindi ko kaya. Ako pa rin yung nasasaktan. Gumanti si Michael sa'kin at dahil sa lakas ng pagkakatulak niya, nahulog ako. Di ko natapakan yung last step.
Napasigaw ako, sinubukan kong kumapit kay Michael pero nadulas yung mga kamay ko. Luckily, may sumalo sa akin. Thank God.
"Mga isip bata talaga kayo." Jacob said, smirking at me.
"Si Michael kasi eh..." sabi ko naman at biglang nag bago expression sa mukha ni Michael. Kanina tuwang tuwa ngayon, gulat.
"Anong ako?" tanong niya.
"Ikaw naman talaga ah." sabi ko pa.
"Ehem, Clara enjoy na enjoy ka ata sa pagkakapit mo sa'kin ah." sabi ni Jacob. Aish, nakalimutan ko nakayakap pa rin ako kay Jacob. Fail. Agad agad naman akong bumitaw sa kanya.
"Di ah." sabi ko. di naman talaga eh.
"Sigurado ka? pwede naman natin ulitin eh." sabi niya.
"Wag na! Salamat pala sa pag salo kanina." sabi ko.
"No problem miss." sabi niya at tinakpan niya ng malalaki niyang mga kamay yung mukha ko. Parang nilukot- lukot yung mukha ko. Papel ba to?
"Jaaaaaacooooob!!!!!" sinigawan ko siya. paglaruan ba naman daw mukha ko?
Tawa lang ng tawa. Eto naman, ako inis na inis. Tinignan ko siya ng masama.
"Oyy Tama na yan! Mag aaway na naman kayo niyan eh." pag suway sa'min ni Andre.
"Si Jacob kasi..." yan lang nasabi ko. Siya naman kasi talaga nauna eh.
"Anong ako? Kasalanan ko ba kung ansarap paglaruan ng mukha mo na parang ganto." sabi niya at inulit pa niya yung ginawa niya kanina.
"JACOB ZOBEL DE AYALA! GRRRR!" inis na inis na talaga ako samantalang tuwang tuwa naman siya.
Sa sobrang inis ko, sinuntok ko siya sa tiyan. Mahina lang, di naman siguro masakit yun.
"Araaaaaaaaayyyyy!" napabagsak siya at hawak hawak yung tiyan niya. Namimilipit siya tapos sumisigaw. Ganon ba talaga kalakas pagkakasuntok ko?
Lumapit yung mga kapatid niya, ako nakatayo lang. Nakatingin sa kanya, hindi ko alam gagawin ko. Kinakabahan na'ko baka kung ano mangyari sa kanya.