CLARA'S POV
Later that day...
Umakyat kami sa treehouse para makapag bond at kwentuhan. Mga kuwentuhang tungkol sa funny incidents sa buhay namin, may it be in school, at home or everywhere.
Sa part ko, awkward pa rin pagdating kay Jacob. Hindi nga ako makatingin sa mga mata niya eh kahit man lang five seconds at sa tuwing magcocomment siya tungkol sa akin,nagbablush ako. Pero kahit ganon, onti onti na rin nababawasan ang awkwardness. Hindi na kasing awkward tulad ng kanina.
Naka upo kami sa upuang nakapalibot sa table. It feels so normal sitting here. It feels so right.
"Dati nung second year ako, inis na inis ako sa Filipino teacher naman." namumula na si Michael sa kakatawa. "Ang epal kasi niya, sungit sungit pa. Kaya, my friends and I planned something evil. Bumili kami ng fart cushion. Yung pag naupuan mo may fart sound. Nilagay naman yun sa ilalim ng chair niya bago mag simula ang klase namin. Sakto pag umupo niya may fart sound. Nakakatawa yung reaction niya lahat kami pinagtawanan siya. Galit na galit siya sa amin eh. Tapos sumigaw siya, natakot ako kaya ayun tumakbo ako paalis sa room tapos hinabol niya ako. Buti na lang andun yung driver namin at nakauwi ako. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na yon. " pag kukwento ni Michael.
Tawa ako ng tawa sa kwento ni Michael. Naiimagine ko kasi yung reaction niya, nung teacher niya at yung pagtakbo niya.
"Seryoso, nagawa mo yun?" sabi ko sa kabila ng sobrang tawa ko.
Napakalaki naman ng ngiti niya at nagtawanan ulit kami.
"Mid of school year ata yon, i had a new haircut. Sobrang tuwang tuwa ako sa new hair ko, and i wanted my friends to see it. Habang naglalakad sa hallway, pa sway sway pa yung hair ko. Excited ako pumasok sa room. When I reached the room, sumigaw ako ng HELLO with matching hand and facial expressions pa. Lahat sila napatingin sa akin at narealize ko na.... i entered the wrong room." pagkuwento ko at tawa naman sila ng tawa.
Super nakakahiya talaga yung moment na yun. Feel na feel ko pa ang pag pasok ko.
"Kung ako yung nakakita sa'yo sobrang lakas talaga ng tawa ko." pang aasar ni Jacob.
"Che!" sabi ko at tumawa na naman siya.
Magsasalita pa sana ako pero biglang nagbeep yung phone ko, may new message ako. Galing kay Julian.
Party at Alex's tonight. Be there. "A party is never good without Clara." Alex's words :)
Napangiti ako sa nabasa ko. Ako ang tinatawag na party girl or party animal. Mahilig ako sa parties. Kapag may party, ako lagi ang nangunguna sa pagpunta pero hindi ko mahilig uminom.
"What are you smiling at?" tanong ni Andre.
"Uh, nagtext kasi si Julian ---"
"Julian na naman?" tanong ni Jacob at lahat kami napatingin sa kanya. Nakakapagtaka yung reaction niya at kelangan talaga putulin ang sasabihin ko. "Sorry... ano nga ulit yon?"
"Uh, as I was saying... nagtext si Julian, may party daw tonight and we're going." sabi ko at sabay sabay silang napangiti.
I'll definitely be there. :D
Binalik ko na agad sa bulsa ko yung phone ko pagtapos ko mag reply kay Julian. Tinignan ko yung relos ko. 6 pm na pala.
Meron pa akong oras para mag prepare.
Umakyat na ako sa room ko at nag shower.
Inayos ko na yung buhok ko at naglagay ng make up. Siyempre, light make up lang, ayoko mag mukhang clown noh.