High School Romance

91 8 1
                                    

High school romance

THEY SAID LOVE WILL COME UNEXPECTEDLY. Dumadating ito sa panahong hindi mo inaasahan. kaya nagtataka na lang ako kung bakit gano'n na lang ang pag hahanap nila ng jowa? Bakit kasi hindi na lang nila hintaying dumating 'yon 'di ba? Dadating din naman ang tamang oras para d'yan. Hindi lang iyon, dahil na rin sa pagiging desparada nilang mahanap ang para sa kanila 'kuno' ay na uso na ngayon ang iba't ibang dating app.

Basta may makita lang na guwapo kulang na lang mag hubad na 'to sa harapan para lang mapansin! Hindi ko sinasabing lahat, pero karamihan gano'n! Don't me! Totoo lang 'yong sinasabi ko!

Bakit? Totoo naman ah! Na kapag may nakita kang guwapo gagawin mo 'yung lahat para lang mapansin 'di ba? Tch! Kikiligin ka pa nga at mag iimagine ng mga bagay kasama sya.

Atsaka hindi ko talaga maintindihan ang mga tao ngayon.

Ngayon, ang mga bata proud na proud silang magka jowa kahit hindi pa nakakapag tapos ng pag aaral. Ang iba naman ay proud na maging batang ina na hindi man lang iniisip kung ano ang magiging future ng anak nya. Stupid. Why don't we enjoy our teenage life instead of dreaming to have a love life ngayong bata pa lang 'di ba? Mahirap ba'ng walang shota? Mahirap ba'ng pumasok sa paaralan ng walang nobyo o nobya? Mahirap bang walang kasabay pag papasok papuntang skuwela?

Palagi din umaasim ang muka ko sa tuwing may makikita akong mag shota.

Hindi naman sa bitter ako pero ganoon na nga.

Sa totoo lang, wala naman akong pake sa ganiyan.

Okay lang sa akin mag isa, as long as makapag tapos ako.

NBSB 'din ako kaya hindi ko pa nararanasan ang magka shota.

Minsan pumapasok sa isip ko kung ano ba ang pakiramdaman no'n— ng magkaroon ng jowa pero agad ko din naman 'yong tinatanggal sa isip ko.

Kabaliwan kasi 'yon!

Naiinis na naman ako!

Pangit ako.. Tama! Pangit ako kaya ganito ako. Alam kong walang papatol sa 'kin kaya ganito ako ka-bitter. Alam ko na iyon e, pero nakakainis! Sa dinami-dami ng tao sa mundo ni isa walang may interes sa 'kin? Ganito na ba 'ko kapangit!? Kaya nagiging bitter ako ng wala sa oras e.

Aamin din ako na sinubukan ko na ding hanapin ang the one ko pero wala e! Ayaw makisama ni tadhana hanggang sa mapagod ako at mawalan ng interes sa mga ganiyan!

Okay na sana ang lahat.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon..

Nakilala ko s'ya

Pinamukha niya sa akin na hindi ako bitter dahil sadyang wala lang pumapatol sa 'kin! Oo! Tamakana!

"Bwisit ka Hunter Ashley Crift! Kinamumuhian kita! Kung puwede lang kitang ipakulam ginawa ko na!"

_________

This is the story of the girl who's bitter in love.  Sa madaling salita, kwento ko.

High School Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon