Chapter three

5 4 0
                                    


Chapter three

BWISIT! kung alam ko lang na mahuhuli ako sa unang klase edi sana nag alarm ako. 9:00 a.m ako nagising habang ang unang klase naman namin ay 10:00 a.m ng umaga. I'm sure I'm super late! Nakakahiya! Parang ayoko na lang pumasok kasi baka pagpasok ko sa loob ng kwarto, tuksuhin nila ko.

Shit, shit, shit! What I am gonna do?! Paano ako papasok? alam kong may pinto! pero ano na lang yung mukha kong ihaharap?! Halos hindi ko sila kakilala! Nakakahiya.

Tumingin ako sa damit ko.

Pantalong maluwag, maluwag na white t-shirt, sabog na buhok at higit sa lahat kutab na bangs! Tangina! Kung alam ko lang na ganito yung magiging kalalabasan ng pagkutab ko sa buhok ko sana hindi ko na tinuloy! Nagsisisi na ako.

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang kumatok sa pintuang nakasarado na. Kita ko din na nagka-klase na sila dahil sa maliit na salaming bintana.

First day of class nag tu-turo na? Hindi ba uso yung gagawa ka ng essay kung ano 'yong nangyari no'ng bakasyon?! Lord, tulungan n'yo po ako. Please please.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin 'yong teacher.

"H-Hello po, good morning." Tinignan n'ya ko mula ulo hanggang paa at bahagyang inayos ang salamin n'ya bago tumikhim.

Alam kong muka akong timang, no need to stare like that!

"Are you belong in this class?" Tanong nya. Tumango ako at nagbaba ng tingin."come on in."

Akala ko anu-ano pa yung sasabihin nya pero mukang hindi naman. Parang normal lang s'yang professor. Muka din s'yang mabait. Hindi s'ya mukang namamahiya ng estudyante. Buti na lang.

Nakahinga ako ng maluwag. Sa isip ko'y ilang beses ko ng hinalikan si lord. Walang malisya 'yon ah.

Pagpasok ko ay s'ya ding pagtahimik nila.

Sabi ko na e! Kaya ayokong nala-late! Nakakahiya!

"Maari ka ng maghanap ng upuan mo," sabi niya at bumalik na sa table niya.

Umupo na ako sa bakanteng upuan, nilibot ko ang paningin ko hanggang sa tumama ito sa likuran. Nagulat ako dahil nandito din sila Patricia, nakangiti pa siya at kumaway.

Imbis na ngiti ang iginanti ko ay lumabas do'n ang isang ngiwi, hindi ko kasi inaasahang magtatama ang paningin namin nung dog abuser.

Akalain mo nga naman. Si pogi pala to e. Nanggigigil pa rin ako sa kaniya pag naaalala ko iyong nangyari. Alam ko naman na pogi siya, pero bakit kailangan niyang saktan ang aso ko! My poor baby. Nagiging red flag na tuloy sya sa paningin ko!

"MISS RAMIREZ?! WHO'S CHANCEY RAMIREZ?!" nagulat na lang ako ng marinig kong may sumigaw sa pangalan ko.

Napalunok na lang ako bigla. Nag bungisngisan din ang mga kaklase ko, ang bu-bully nila.

Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko at nakayukong tumayo. Mas lalo tuloy lumakas ang tawanan nila.

Pakshet ba kayo, anong nakakatawa dito mga abno?!

"I've been calling you for many times?! Are you listening?!" Galit na sabi ni Mrs. Santos. Hala, Hala Hala Hala.

"Y-Yes Mrs.. I'm sorry po" nakayukong saad ko.

Lalo yatang umusok ang ilong niya at galit na tumingin sa akin.

"MRS?! DO YOU THINK I'M MARRIED, MS. RAMIREZ!? GET OUT OF MY CLASS!" Nakakabinging sigaw niya.

Hindi s'ya Mrs? Edi matandang dalaga sya? Kaya pala, menopausal na! HWAHAHAHAHAHAHAHAH

"Can't you hear me?!"

"B-But.." balak ko pa sanang tumutol kaya lang tinuro nya ang kamay nya sa pinto at buong lakas na sinigawan ako.

"NOW!"

Edi now! Ang malas ko naman! Napaka malas!

Nakayukong tumayo ako bitbit ang gamit ko at lumabas. Binabawi ko na yung sinabi ko, hindi siya mabait! Namamahiya rin siya!

TULALA akong nakatingin sa malayo, nandito ako ngayon sa canteen para kumain. Idinaan ko na lang sa kain ang inis na nararamdaman ko. Tahimik akong kumakain nang may biglang umupo sa harapan ko.

"Hoy girl, kamusta?" Tanong ni pat, bahagya pa siyang tumawa kaya napanguso ako. Maski sila pinagtatawanan ako

"Ayos lang"

"Hey, it's okay, ganoon lang talaga si Ms. Santos, you know, nasa menopausal stage na siya" pagpapagaan ng loob sa akin ni Sam.

Nakakatakot iyong matandang yon, feel ko siya yung character na multo sa drag me to hell

"Bakit ka nga ba tulala Chancey? Biruin mo limang beses ka niyang tinawag!" Tumatawang sabi ni Joaquin. Napatingin ako kay dog abuser na ngayon ay naglalaro lang ng games sa iPad niya tila walang pake sa paligid nya.

Kasalanan mo lahat 'to dog abuser! Kung sanang hindi ka pumasok sa isip ko, hindi ako malulutang! Ikaw din yung may kasalanan kung bakit na late ako! Napuyat ako kakaisip sayong punyenta ka!

"Hoy Chancey, tulala again? Sino ba kasi 'yang nasa isip mo?"

"Tch, obviously, she must have been stunned by my handsomeness" walang ganang sabat ni dog abuser. Hindi ko napansing nakatingin na pala s'ya sa kin.

Ang kapal.

Tumalim ang tingin ko.

"Hah! Buti alam mo!"

"See?" Mayabang na sabi nya at hindi pa rin kami tinatapunan ng atensyon. Papalit-palit naman sila ng tingin sa amin, animo'y nanununood sila ng movie.

"Gustong-gusto kitang sampalin dahil sa ginawa mo sa aso ko! Naiisip ko pa lang 'yon gusto na kitang sipain sa muka!" Gigil kong sabi. Nag angat siya ng tingin.

"Tch, that was two days ago, ugly woman."

"Nagkita kayo?!" Gulat nilang tanong pero ang atensyon ko ay nasa lalaking ito.

"Pakshet ka ba?! Hindi ko nga sinasaktan iyong aso ko tapos sasaktan lang ng isang mahangin na kagaya mo!?"

"You also said that two days ago, is there anything new?" Bagot niyang tanong. Pakiramdaman ko ay tumataas lahat ng dugo ko papunta sa muka ko.

Astang lalapit na ko sa kanya kaya lang nahawakan ako sa kamay ni Aldrin.

"Chill, he's just joking—"

"Joking?! E sampalin kaya kita!" Nagtawanan naman sila Patricia.

"Tch, alam mo bang nakakatakot kang magalit?" Sabi ni hunter na ngayon ay nakatayo na. Tumayo din ako at tinapatan s'ya.

"So natatakot ka? Dapat lang!" Ngising saad ko. S'ya naman ang ngumisi at nilapit ang muka sa akin.

Napa atras naman ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Para ding may mga langaw na nagliliparan sa tiyan ko.

What the fuck? Ano 'to? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Baliw na ba ko? Tapos ano? Langaw? Pffttt

"Tch, Sino ba naman ang hindi matatakot sa'yo, look at your face. Nakakatakot." Lumaki ang mata ko.

"Sinasabi mo bang pangit ako?" Sigaw ko. Nandidiring lumayo naman s'ya sa akin.

Ang kapal nito! Sya yung lumapit tas lalayo! B-Bakit naman siya lumayo?! T-Teka! Oh bakit? Hindi ako naghinayang ah! Tch!

"Siguro." Pagkatapos non ay bigla na lang s'yang tumalikod kaya wala akong nagawa kundi taliman na lang ng tingin ang empaktong 'yon.

May araw ka rin sa akin.

______

Rusty_ris

Authors note: Angas ng kwentong 'to, parang walang pupuntahan 😭

High School Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon